Share

KABANATA 11

Kabanata

11

Book

"Silence."

I don't know kung pang ilan na ang saway na yan ng librarian kina bella at carter na kanina pa nagbabangyan. Ang ingay nila kaya naman kanina pa sila sinasaway pero parang wala lang sa kanila. 

Iyong tingin ng librarian ay gusto na kaming itulak palabas itong dalawang ito ay parang hindi lang naramdaman ang sobrang sama ng tingin sa amin. Pasalamat nalang talaga kami dahil wala masyadong tao sa library ngayon.

Napabuntong hininga ako bago umiling iling. Hindi ko nalang sila pinansin pa. I opened the book that caught my attention earlier. It is entitled 'Η πριγκίπισσα'. And I don't know what does it mean. I just feel the urge to get and read it. Iyong pakiramdam ba na parang hinahatak ka nito? Iyon ang nararamdaman ko kanina kaya kinuha ko na dahil wala namang masama kung babasahin ko diba?

Pinasadahan ng kamay ko ang pamagat bago ko ito buksan. Kumunot ang noo ko ng may nabasa akong parang matalinhagang salita pero nakasulat gamit ang ibang lenggwahe.

"Početak je kraj. Događaj će se ponoviti kao ono što piše u proročanstvu."

                     -1305

I ignored what is written in the first page and proceed to the next page. Kumunot ang noo ko ng wala akong ibang makita kundi taon. Bakit ganito lang ang nakalagay dito?

Binuklat ko ito ng binuklat at napapansin ko na may mga taon ang bawat pahina ngunit walang nakalagay na sulat maliban dito. Weird. Bakit nagkaroon ng libro sa library na wala namang ibang nakasulat kundi taon? Pinagloloko ba ako ng librong ito?

I sighed. I just continued what I'm doing until I found a page that has something. May sulat ito kaya agaran ko itong binasa.

"No one can break what is written on the prophecy. What is written on the book will going to happen."

1809

"Pinagtagpo sila ng tadhana pero ang kanilang pag mamahalan ay bawalNgunit kanila itong ipinaglabanPaglaban na humantong sa kamatayan."

"Kamatayan ay hindi nakawakas sa kanilang pagmamahalan. Pag uulit ng tadhana ay aasahan."

Kumunot ang noo ko ng makitang wala ng ibang nakasulat sa libro. Tanging mga taon lamang ang nakalagay hanggang sa mapadpad ako sa panghuling pahina.

2020

"Malapit na ang nalalapit na pagwawakasNangyayari na ang dapat mangyari."

Napalunok ako dahil sa kaba. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong sinukob ng kaba.

Bakit ako kinakabahan?

Napahawak ako sa may bandang dibdib ko at pinakiramdam ang sobrang bilis ng tibok nito. Napahinga ako ng malalim bago napapikit. Why I am feeling this? Pakiramdam ko ay biglang binundol ng kaba ang puso ko pagkabasa ko sa nakasulat. Iyong mga salita...bakit ganoon ang mga salitang nakasulat doon?

I gulp. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumakit ang puso ko at para bang may tumarak na karayom. Am I being affected just because of this? 

I gasp for air. Para akong biglang hiningal kahit na hindi naman ako tumakbo. Iyong mga nakasulat sa libro ay tama lamang para kuhanin ang hangin sa baga ko. 

"Thanie okay ka lang?"

Dahan-dahan kong minulat ang mata at sinalubong ako ng nag aalalang tingin ni amabella. Nakatulala lang ako sa kanya at hindi agad makaproseso ng salita. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang kalaki ang epekto sa akin ng nabasa ko. I don't know why I am feeling this. Hindi ko naman alam kung totoo ang nakasulat sa librong ito. At higit sa lahat hindi naman ako ang tinutukoy ng librong ito. 

Kinagat ko ang ibabang labi. May katotohanan ba ang librong ito? Pero bakit ito gagawin kung ang mga nakasulat ay ganoon lamang? Ah huh? Why would they use and waste some paper? Why would they used their time? I don't get it. 

If this book is really legit then why am I being affected? Bakit ako maapektuhan ng ganito dahil lamang sa mga nabasa kong salita? Nasasaktan ba ako? Why?

Gusto kong matawa dahil bigla ay nagulo ang isip ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang akong naging apektado sa mga nabasa ko. I don't know what gotten into me. 

I sighed. Kinakabahan talaga ako sa hindi malamang kadahilanan. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan na ako kahit naka air-conditioned ang buong library. This is not right. 

Lumunok ako at pilit na ikinalma ang sarili. Baka mas lalo pang mag aalala ang mga kasama ko. 

"O-okay  lang ako." Turan ko ng makahanap na ako ng salitang sasabihin. Tinignan naman ako nito ng mataman kaya nginitian ko sya. 

Napabuntong hininga ito bago binalingan si carter na nag aalala ding nakatingin sa akin. Ngumiti ako dito kaya napangiti na din ito bago bumuntong hininga.

"We thought you have a problem. You look hurt earlier and we were so worried."  Anito kaya hinawakan ko ang parehong kamay nila bago ngumiti. Ayaw ko talaga silang pag aalahanin.

"I don't have a problem. Nag tataka nga din ako kung ba't ako nasaktan ng mabasa ko itong libro. Nakadama din ako ng kaba." Pag amin ko kaya sabay na kumunot ang noo ng dalawa. Siguro nagtataka sila kung ano iyong tinutukoy ko. 

"Book of what?" Takang tanong ni amabella bago kinuha ang libro at binasa ang pamagat nito. 

Kita ko ang pag kunot ng noo nito habang binubuklat ang mga pahina nito hanggang sa makarating ito sa pahina na may sulat. Binasa nito iyon pagkatapos ay napalunok at binuklat ulit ang pahina hanggang sa makarating ito sa hulihan. Kita kong nabakasan ng takot ang mga mata nito bago nito ibinaba ang libro sa mesa. Her face becomes pale and her mouth was half open like she can't believe to see or read something. 

Matiim lang sya naming pinagmamasdan hanggang sa nagpalabas ito ng mahabang hininga bago sinuklay ang mahabang buhok gamit ang kamay. Napalunok din ako habang pinag aaralan ang ekspresyon niya. Mukhang maging siya ay naging apektado din sa nabasa. Ibig sabihin noon ay mukhang mas malalim pa ito. 

"It will happen again. Pero kahit kamatayan ay hindi makakawakas sa kanilang pag mamahalan. Mauulit at mauulit lamang ang nasa propesiya." Rinig naming bulong nito kaya kumunot ang noo ko. What did she said? Kamatayan man ay hindi makakawakas sa kanilang pagmamahalan? Mauulit at mauulit lamang ang nasa propesiya? Ano ang ibig niyang sabihin doon? What does she mean by the prophecy? Ano ang mauulit?

Kunot noo ko siyang tinignan. 

"What do you mean bell?" Tanong ko at agad naman ako nitong nilingon.

She smiled sadly then heaved a sigh. "Ang nangyari sa nakaraan ay mangyayari ulit sa kasalukuyan. At walang makakapagpigil sa dapat na mangyari." 

****

WRITTEN BY STRINGLILY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status