Halos hindi na magkandahumahog ang lahat ng staff ng pamilya Esquivel. Mayroong isang malaking pagtitipon ang pamilya ngayong gabi.
Ngayong gabi ang victory party ni Don Ricardo Esquivel. Nanalo ito by landslide nitong kakatapos lamang na eleksyon. Ito na ngayon ang bagong Governor ng Pangasinan.
Halos nandoon ang lahat ng populasyon ng San Carlos City. Napakaraming tao ang dumalo sa victory party ng bagong Governor, kaya naman abala si Clarissa at iba bang househelp staff sa pag-i-estima sa mga bisita...
Nagkakasayang sumasayaw ng ballroom ang mga bisita nang biglang huminto ang tugtog. Nakita ni Clarissa si Governor Ricardo Esquivel na may hawak na mikroponyo.
"Mga kababayan at mga kaibigan ko, gusto kong kunin ang oportunidad na ito na magpasalamat sa inyong suporta sa akin nitong nakaraang eleksyon. Hindi ko po mararating ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa inyo..."
Nagpalakpakan ang lahat ng mga bisita matapos nilang marinig ang unang bahagi nh speech ng Governor.
"---At gusto ko ring i-share sa inyo ang isang napakagandang balita. Nais kong ipaalam sa inyo na ang aking panganay na anak na lalaki, si Rafa Esquivel, ay malapit nang ikasal sa isang napakaganda, napakabait at galing sa isang respetadong pamilya na si Jasmine Fuentabella!" ang masayang pagbabalita ng matanda.
Sinalubong ng isang masigabong palakpakan sina Rafa at Jasmine habang naglalakad sila sa gitna ng bulwagan. Kumaway sila sa mga bisita, habang magkahawak-kamay sila.
At the same time, parang tinulos mula sa kanyang kinatatayuan si Clarissa, habang pinapanood ang pagsasayaw nina Rafa at Jasmine sa tugtog ng sweet music.
Opisyal nang inanunsiyo ang engagement nina Rafa at Jasmine. And now, it's time to give up her unrequited love towards Rafa Esquivel.
"They look great together, don't they?"
Clarissa snaps out from her reverie nang marinig niyang boses ni Ralf. Tumayo ito sa tabi niya, habang pinapanood ang pagsasayaw ng newly-engaged couple.
"O-Oo nga. Bagay na bagay silang dalawa." ang malungkot na pagsangayon ni Clarissa.
"Sa totoo lang ay panatag ako na sila ang magkakatuluyan. Matagal na ring matalik na magkaibigan ang pamilya namin at ang pamilya ni Jasmine. Mas magiging matatag ang samahan ng dalawang pamilya." ang pagkukwento ng lalaki.
"At mukha namang mabait at mapagmahal si Ma'am Jasmine." tugon ni Clarissa.
Nagpatuloy sa pagkukwento si Ralf ngunit hindi na niya naintindihan ang mga sinasabi nito.
Kung ikukumpara niya ang sarili kay Jasmine ay milya-milya ang layo niya sa babae. Napakaganda ni Jasmine, may class, maganda ang educational background, galing sa isang respetadong pamilya at napakayaman pa.
Bagay na bagay sina Rafa at Jasmine at tiyak na magiging maganda ang future ng mga magiging anak ng dalawa.
And she has to move on her own now. Hinihintay niya na lang ang araw na matapos ang kanyang pagtatrabaho sa pamilya Esquivel. Pagkatapos noon ay aasikasuhin na niya ang kanyang pagpunta at pag-aaral sa Maynila...
That is the right thing to do. Hindi na niya dapat iniisip ang kanyang first love na si Rafa, at dapat ay mas pagtuunan niya ang kanyang sarili at kinabukasan...
========================
Habang nagsasayaw sa gitna ng bulwagan ay hindi nakaligtas sa paningin ni Rafa si Clarissa, habang kausap nito ni Ralf.
He secretly wondered kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa. Sa totoo lang ay curious din siyang malaman ang estado ng relasyon nina Ralf at Clarissa.
"Looks like you need to talk to her, once and for all." nagulat na lamang siya nang marinig niya ang boses ni Jasmine.
"There's no need to talk to her. Anyway, mukha namang nagkakamabutihan na sila ni Clarissa. Kung magkakaroon man sila ng relasyon ni Ralf ay wala namang problema doon." ang kaswal na sagot ni Rafa.
"Ang akala ko ay sa mga teleserye at pelikula ko lang napapanood ang ganitong mga sitwasyon. I never thought that two brothers being inlove with the same woman can happen in real life. How ironic." Jasmine stated, in a matter-of-factly tone.
"Teka, bakit ba natin pinag-uusapan ang dalawa? This is your future father-in-law's victory party, and this is our night as well." paalala niya kay Jasmine.
"Oh, well. I'm just worried about you, Ralf and Clarissa." Jasmine replied.
"You don't have to be worried about us. Everything's going to be fine." ang paninigurado naman ni Rafa.
"I hope so..."
Ipimagpatuloy nina Rafa at Jasmine ang pagsasayaw hanggang sa matapos ang music.
========================
Many days have passed.
"Clarissa, can I talk to you?"
Halos mabitawan ni Clarissa ang basong hinuhugasan nang marinig niya ang boses ni Rafa mula sa kanyang likuran. Lihim muna niyang pinayapa ang kanyang sarili bago siya humarap sa lalaki.
"Sige po, ano po ba ang gusto niyang sabihin?" ang kaswal na tanong ni Clarissa, but deep inside, she is secretly shaking.
"Please, drop the formalities..Anyway, I'll go straight to the point. Nanliligaw ba sa iyo ang kapatid ko?" ang diretsong tanong ni Rafa sa babae.
Nagulat naman si Clarissa sa tanong ng lalaki. Bakit ito biglang nagtanong ng ganoon?
"Wala naman pong pahiwatig si Ralf tungkol sa kanyang intensiyon sa akin. Ang alam ko po ay magkaibigan lang po kami." ang nagtatakang tugon niya.
"Kilala ko ang aking kapatid mula ulo hanggang paa, Clarissa. There's no denying it. May gusto sa'yo ang kapatid ko... Kaya naman may ipapakiusap sana ako sa iyo." muling nagsalita si Rafa.
"Ano iyon?"
Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Rafa bago ito muling nagsalita.
"It's time for Ralf to fall inlove, at ayaw ko siyang makita na nasasaktan. Kapag dumating ang araw na magtapat siya ng kanyang nararamdaman sa'yo, nakikiusap ako na tanggapin mo ang kanyang pag-ibig."
Nahigit ni Clarissa ang kanyang paghinga matapos niyang marinig ang pakiusap ni Rafa sa kanya.
"P-Pero----!"
"Please, I'm begging you, Clarissa. Hindi mahirap mahalin si Ralf. Mabait siya, loyal, mapagmahal, and he's a real gentleman. I'm sure it will be easy for you to fall deeply inlove with him." pleaded Rafa.
"H-Hind ko alam ang sasabihin ko, Rafa." ag naguguluhang nasabi ni Clarissa.
"There's no need to rush. Pag-isipan mo munang mabuti." ang pakiusap sa kanya ni Rafa.
Nang matapos na ang pag-uusap nila ni Rafa ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Clarissa...
Kasulukuyang namang nagwawalis si Clarissa ng hardin nang araw na iyon. Natuwa si Donya Victorina at ang Mayordoma sa mga ginagawa niya sa hardin dahil mas napaganda niya daw iyon. Kaya naman siya na ang nakatokang magmintina sa malawak na hardin na iyon.Oo, nakakapagod magdilig ng mga halaman at linisin ang napakalawak na hardin ng mga Esquivel, pero mas nananaig ang kanyang kasiyahan sa tuwing nakikita niya ang mga bulaklak na namumukadkad at kapag nakikita niyang malulusog ang nga halaman. Pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharian, at isa siyang prinsesa ng mga bulaklak at ng mga halaman..."Hi there!"Biglang nabitawan ni Clarissa ang hawak na hose dahil sa labis na pagkagulat nang makarinig siya ng boses mula sa kanyang likuran.Agad siyang lumingon upang tignan ang taong nasa likod niya. Mas lalo siyang nagulat nang makita ni ang future na mapapangasawa ni Rafa na si Jasmine..."Oh, pasensiya ka na kung nagulat ka. I'm really sorry..." ang hinging-paumanhin sa kanya ng babae.
Dumating ang araw ng birthday party ni Jasmine. Sa ngayon nga ay nakasakay sina Clarissa at Lilet sa sasakyan ni Ralf. Samantalang sina Rafa at Jasmine naman ay may sariling sasakyan. Papunta sila ngayon sa isa sa mga private beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Jasmine sa Lingayen, Pangasinan. Mabilis lang ang magiging biyahe nila dahil may sariling mga sasakyan, at wala namang masyadong traffic sa dadaanan nila... "Salamat sa pagsama ninyo sa amin, Clarissa at Lilet. Sa totoo lang ay nag-aalangan akong sumama dahil ayaw ko namang maging third wheel kina Rafa at Jasmine. Pero nang malaman ko na kasama pala kayo ay um-oo na agad ako." ang nasabi ni Ralf, habang nagda-drive ito. "Sa totoo lang ay nahihiya kami ni Lilet na sumama. Pero dahil nakiusap si Jasmine ay napa-oo na rin kami." ang turan naman ni Clarissa, habang nakaupo ito sa passenger's seat. "Sir Ralf baka gusto ninyo pong kumain ng "tupig." Masarap po ito, niluto at ipinabaon ng nanay ko para may makain po tayo
Wala nang ibang nagawa so Clarissa kung hindi ang pumayag sa suhestiyon ni Rafa."Gusto mo bang sumama sa amin, Bethany?" ang tanong niya sa kaibigan."Ah, kayo na lang dalawa ni Rafa ang tumuloy. Balak ko kasing mangolekta ng mga seashells para gawing kwintas o dekorasyon sa bahay." ang imporma ni Bethany kina Rafa at Clarissa.Isa sa mga libangan ni Bethany ay mangolekta ng mga kabibe dahil mahilig siyang magdisenyo at gumawa ng mga kwintas, pulseras, hikaw at iba pang palamuti gamit ang mga ito. Kitang-kita ni Clarissa ang excitement sa mukha ni Bethany habang nakatingin sa buhanginan ang kanyang kaibigan."Sige, magkita nalang tayo mamaya, Beth!" ang nasabi naman ni Rafa.Matapos noon at nagsimula nang magkakad-lakad sina Rafa at Clarissa sa dalampasigan. "I hope you don't mind me asking Clarissa, but what are your plans for the future?" nagsimulang magtanong si Rafa sa kanya.Hindi inaasahan ni Clarissa na ganoon kaseryoso ang itatanong nito sa kanya kaya naman medyo nagulat siy
Tandang-tanda pa niya lahat ng sinabi ni Rafa sa kanya... "I want to take my chances, so I'm taking a risk now, Clarissa. What I feel for you is not a simple crush or a mere attraction. I'm absolutely sure that what I feel for you is something pure, special and genuine. Minahal na kita agad, simula nung araw na yun nakita kita sa garden. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong sabihin sa'yo ang aking nararamdaman, at ito na qng pagkakataon para malaman mo kung gaano kita kamahal, Clarissa..."Matapos sabihin sa kanya ni Rafa ang totoo nitong nararamdaman, nakiusap siya sa lalaki na bigyan siya ng kaunting panahon upang makapag-isip. Nangako siya na kapag nakapagdesisyon siya ay muli niyang kakausapin si Rafa.Napatigil si Clarissa mula sa kanyang pagbabalik-tanaw nang marinig muli ang boses ni Rafa. "---That sounds fun! Puwede ba akong sumama at makipiyesta sa inyo?" ang nakangiting tanong nito."Oo, puwede naman... Mas maganda kung maraming dadalo sa piyesta." ang tugon naman ni C
Nagpakawala muna ng isang malalim na buntonghininga si Ralf bago siya muling nagsalita."Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon kasama ang baby... Teka, nasabi mo sa akin kanina na sinubukan mong kausapin ang dati mong kasintahan?" ang biglang niyang tanong.Tumango si Jasmine bilang tugon. "Oo. Naglakas loob akong tawagan siya. Nag-sorry siya Pero iyon na lamang ang nasabi niya dahil busy siya sa trabaho." ang imporma ng babae."Teka, nasaan ba siya ngayon?" ang nagagalit na tanong ulit ni Ralf. “Nasa Korea siya para sa isang International Conference para sa mga propesor. Ayokong istorbohin siya dahil sa katangahan at pagiging makasarili ko." Jasmine stated, while looking guilty. "But you have to talk to him sooner or later..." ang udyok ni Ralf kay Jasmine, habang hawak ang kamay niya. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana sa simula pa lang ay iniwasan ko na siya para hindi na nangyari ang lahat ng mga ito. Sana ay hindi ko nasaktan ang asawa at anak niya. Sana din ay hindi ako naka
"Anong ginagawa mo dito, Clarissa?" ang malamig na tanong ni Ralf sa kanya. Nanginginig si Clarissa habang nakatingin sa mga mata ni Ralf. Wala siyang nababanaag na kahit among ekspresyon sa mukha nito. Pero ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya... But she can't really blame him for behaving that way after what happened to his younger brother, Rafa. "Gusto ko lang sanang malaman ang kondisyon ni Rafa." ang kinakabahang sagot ni Clarissa. Samantala, nakakaramdam ng pagkaawa si Ralf Kay Clarissa, pero hindi Niya iyon ipinapahalata sa ina. Kitang-kita niya ang pag-aalala at pagsisisi sa buong mukha ni Clarissa, at nakikita rin Niya ang nanginginig nito. Alam niya na nasa state of shock pa ang babae dahil sa mga nangyari. Huminga ng malalim si Ralf bago nagpasyang magsalita muli. "The doctors has stabilized Rafa, but they said that he is not completely out of the woods yet. Kasalukuyan siyang nasa ICU at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Kaya naman patulo
"Pasensiya ka na sa mga nangyari, Clarissa. kung maibabalik ko lang sana ang oras..." ang nasabi ni Carl, habang punong-puno ito ng pagsisisi. "Kuya, huwag mong sisihin ang sarili mo. Katulad nga ng sinabi mo kanina, walang may gusto na naaksidente si Sir Rafa." ang malumanay na nasabi ni Clarissa. "Hindi natin maikakaila na may nagawa akong mali. Nag-aalala lamang ako sa'yo at kay tatay dahil hindi basta-bastang pamilya ang nabangga ko. Sa totoo lamang ay medyo kinakabahan ako dahil hindi natin alam kung ano ang iniisip ngayon ng pamilya Esquivel, ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman na pamilya dito sa ating bayan." bakas sa mukha ni Carl ang pangamba. "Ano ang iniisip mo ngayon, Kuya Carl?" ang biglang naitanong ni Clarissa. Tinitigan siya ng kanyang nakakatandang kapatid, habang seryoso ang mukha nito. "Kailangan nating makaalis ng San Carlos, Clarissa. At sa lalong madaling panahon. Kailangan nating makatakas mula sa pamilya Esquivel. Hindi na tayo dapat mag-aksaya ng or
Malapit na ang araw ng pag-alis nina Clarissa papuntang Maynila, kaya naman napapadalas ang pagbisita ni Bethany upang samahan ang kanyang kaibigan. Kasalukuyang nagkukwentuhan sina Clarissa at Bethany habang sila ay nagmemeryenda... "May itatanong sana ako sa'yo, Beth..." may biglang naalala si Clarissa. "Ano yun?" ang curious na tanong naman ni Beth. "May narinig ka bang balita tungkol sa kalagayan o kondisyon ni Rafa?" tanong ni Clarissa, dahil gusto niyang malaman kung ano na ang nangyari kay Rafa matapos ang malaking aksidente. Hindi niya ito madakaw sa ospital dahil naging mahigpit ang utos ni Donya Victoria sa mga security staff ng ospital na huwag siyang papasukin. Kaya naman hindi pa rin niya maiwasang ma-alala dahil wala talaga siyang kaalam-alam tungkol sa totoong kondisyon ng kanyang kaibigan. Kaya ang tanging pag-asa niya ay makakuha ng pinakabagong update mula kay Bethany, na nagtatrabaho pa rin bilang kasambahay sa mansion ng pamilya Esquivel. "Naku, ngayong nait