Labis ang nararamdaman kong pagtutol sa planong iyon ng daddy ni Joaquin. Seryoso ang reaksyon ng lahat habang kumakain na kami ng tanghalian. Gusto kong sabihin sa kanila ang tunay na saloobin ko ngunit hindi ko maituloy-tuloy ang pagsasalita dahil sa takot kong mapagalitan ng mga magulang ko.
I grew up in a conservative family. For years, my parents were protecting their good image in the eye of their business partners. Kaya naman malaking eskandalo para sa aming pamilya ang naging sitwasyon ko ngayon. Hindi na ako magtataka kung ang pagpapakasal ko sa tatay ng ipinagbubuntis ko ang isang epektibong solusyon na maiisip nila.
Natigil ang malagkit na pagtitinginan nina Joaquin at noong babae nang sinimulan na ang Invocation na pinamunuan ng isang pastor. Nagsitayo ang lahat para makiisa sa pagdarasal. Pagkatapos ng opening prayer ay nalunod na naman ako sa malalim na pag-iisip tungkol sa kung anong mayroon sina Joaquin at ang babaeng katitigan niya kanina.Those passionate stare from the two will make anyone who witnessed it thinks that they are into a sensual relationship. Hindi nga kaya karelasyon siya ni Joaquin?
She was married! Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Manang Maria. Kung tama nga ang kutob ko na may relasyon silang dalawa ibig sabihin lang no’n ay... Kabit ni Lucy si Joaquin! Masyado ng imoral ang mga bagay na pumapasok ngayon sa isip ko. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ayokong magpaka-stress pa dahil doon. Siguro ay kailangan ko na lang hayaan na lumabas ang katotohanan sa tamang panahon.Bandang alas sais ay
Ang presensya ni Manang Maria rito sa loob ng penthouse ni Joaquin ang nagsilbing distraction ko. Kahit mahirap, wala akong ibang dapat gawin kundi ang piliting mag-move on at tanggapin na lang na hindi talaga siguro kami ni James ang nakatadhana para sa isa't isa."Naibalita sa akin ni Henry na lasing na lasing daw si Sir kagabi."Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Manang; abala siya sa pagsasalin ng orange juice sa aking baso. Agad akong tumango."Opo, n
Pagkatapos ng misa ay nagtulos kami ng kandila sa gilid ng basilica. May ilang nagtitinda ng kandila ang nag-aalok ng padasal sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Sinulog ritual. Pagkalabas namin ng simbahan ay nilakad namin ni Manang ang daan papuntang Plaza Sugbo; hindi ito kalayuan mula sa basilica. Dito raw matatagpuan ang isang chapel kung saan naroroon ang replica ng makasaysayang Magellan’s cross. Nakakahanga dahil na-preserve talaga ng lungsod ang history ng lugar na ito sa kabila ng modernisasyon ng makabagong panahon. Dahil sa ginawa naming pamamasyal kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman kong pagkainis kay Joaquin ka
Patakbo akong bumalik sa aking silid pagkatapos ng komprontasyon kong iyon kay Joaquin. Mabilis kong ni-lock ang pinto para hindi siya makapasok kung sakali mang maisipan niya akong sundan.Pagkaupo ko sa kama ay tumunog ang aking cellphone. Isang videocall ang natanggap ko mula kay Liz.“Couz!” excited niyang saad mula sa kabilang linya. Umayos ako ng upo habang inaaninaw ang pigura niya sa screen.“We’re gonna be there on Tuesday!” pagbabalita
“It’s a pleasure to meet you Denise,” magalang na pamamaalam sa akin ni Engr. Berdaje pagkatapos nilang mag-usap ni Joaquin. Matamis na ngiti naman ang iginawad sa akin ni Lucy bago nila kami tuluyang talikuran. Akmang maglalakad na sila papunta sa kabilang lamesa nang ako’y tumugon.“It’s also my pleasure sir. Mag-iingat po sana kayo!” masiglang sambit ko habang isang makahulugan at nakakapasong titig ang ipinupukol ko ngayon sa katabi kong si Joaquin. Gusto ko na talagang sumigaw para marinig ni Engr. Berdaje ang mga tumatakbo sa isip ko. Mag-iingat po sana kayo sa mga ahas at higad sa paligid n’yo!
Habang tumatakbo ang aming sasakyan ay umilaw ang screen ng cellphone ni Joaquin na nakalapag sa may dashboard. Nagbaba siya ng tingin doon. Bumagal ang paraan ng aking paghinga nang matanaw ko ang pangalan na nag-appear sa caller id.Luzviminda BerdajeCalling...Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng highway pagkatapos ay nilingon ako.
Change of hearts. Alam kong malabong mangyari iyon sa akin. If someone will rip my heart out right now, there was no second thought it was only James whom I really love. Our five years relationship was built with love, trust and compassion. Kaya naman magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang patawarin ang sarili ko sa napakalaking kasalanang nagawa ko sa kanya.What I didn't understand was the strange feeling that I had towards Joaquin. Why did I feel bothered; especially on his scandalous relationship with Lucy?Mula pa noong Lunes ay hindi na kami muling nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Joaquin. It was either he cam