Kabanata 37HINDI ko na kaya!Iyon ang naisip ni Helios nang siya ay pumunta sa opisina, at parang may anino si Odette na nakasunod sa kanya. Wherever he looks at, he remembers her.Dalawang araw na siyang naghihintay na ma-seen man lang pero hindi na niya nakita pang nag-online si Odette. Hindi niya alam kung naka-off status iyon dahil nang tawagan niya ay nagri-ring naman. She was just really evading him, and he misses her and Ammiry.Hindi siya mapapanatag na hindi niya nakikita ang mag-ina niya. Yes, mag-ina niya. Iyon na ang turing nila sa dalawa, at hindi siya basta-basta susuko dahil lang nabasted siya ng isang beses.Hindi raw iyon pumasok sabi ni Lex kaya hindi nakasama sa barko kahapon. Ngayon, wala pa rin daw sa port sabi ng tauhan niya.What's happening? Hindi pwede na pabayaan ni Odette ang internship dahil lang ayaw nun sa kanya. Masisira ang pangarap nun. He has to do something. He has to talk to her. Hindi pwede ang hayaan na mag-isip dahil mukhang ang takbo ng isip nu
Kabanata 38“WE have a very big problem, Ate Avva,” iyon ang sabi ni Liza sa nakatatandang kapatid nang siya ay makauwi, matapos siyang ma-detain ng dalawang araw sa presinto.Sa kwarto siya nito dumiretso, nag-aayos pa lang ito ng sarili para sa afternoon class nito.Avva turned around with so much poise, holding her expensive red lipstick.“Well, hello, young sis. We have a problem or you have a problem? Kumusta ang presinto?” Natawa ito na para bang nakakainsulto, “Kung hindi ka ba naman tanga na nakipagkarera ka e hindi ka naman racer.”Medyo nainis si Liza sa mga salita ni Avva sa kanya.“Okay,” kibit nito, “Since you're not interested, sasarilinin ko na lang.”Tumalikod na rin siya dahil napipikon siya.“Ang alin ba? Masaya ako dahil kakampi ko si Niel kay Helios. Don't ruin my mood,” irap nito, “Ayusin mo ang sarili mo. Look at you. You’re not pretty anymore. Mukha kang preso!”Muli siyang humarap. Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa, at parang diring-diri ito sa itsura niy
Kabanata 39OH God!Iyon ang hiyaw ng isip ni Helios nang sandali na masilayan niya ang batang naka-monitor, puno ng koneksyon ang katawan at may tubo sa bibig.His eyes welled up in tears. It was very painful seeing her like this. Nadudurog ang kanyang puso. He had once seen a person the same as this case, his Dad.Kung nasaan man ang kanyang ama, sana ay ilakad nun si Ammiry sa Diyos para ibalik ang buhay at sigla ng batang nagdala sa kanya ng matinding kasiyahan.He glanced at Odette. She was crying silently. Napahawak ito sa kanyang braso, habang nakatitig ito sa anak“‘Nak,” mahinang sambit nito, “Gising ka na ha. Nandito si Mama, hinihintay ka.”“Nandito rin ako, baby. I can see you,” He blinked, “T-Thank you for that…what do you call those eggs?”Pekpek?“Kwek-kwek,” mahinang sagot ni Odette.Oh, iba pala ang pekpek. Damn.“When you get better, sasama ako sa bilihan nun at kakain tayo.”Lalong nasaktan ang puso niya nang makita niya na naroon lang sa may malapit si Kuromi at an
Kabanata 39.1Napatigil ito sa pagkukwento nang maramdaman siguro na buma-vibrate ang smartphone niya sa bulsa.“E-Excuse me for a while, babe,” kandautal niyang sabi rito.Nagpahid naman ito ng mga luha saka tumango.Tumayo siya at lumabas dahil may pumasok sa chapel. Ayaw naman niyang sa loob siya magdadaldal kaya sa may bukana siya tumayo, nalilito sa lahat ng kanyang narinig.Ang kanyang abogado ang tumatawag sa kanya, si Atty. Mariano.“Atty,” kaswal niyang sagot.“Lumabas na iyong nakabangga, Helios, hijo. Ang sabi ko ay ako ang tumatayong abogado ng biktima, tulad ng sabi mo.”“Right.”“Apparently, may mga testigo sila na nagsasabi na ang ina ay pinabayaan ang bata sa kalsada kaya nabangga.”“What?”“They make the story worse, hijo. Kung tama ang detalye na sinabi mo sa akin, lumalabas na nagsisinungaling ang kampo ng mga dela Peña. Walang CCTV. The former judge is making his moves to save his daughter’s ass. As of now, ang mga testigo ay nasa panig nila.”“Talaga ba?” Inis na
Kabanata 40HELIOS smiled at her after that kiss. Medyo kumalma siya dahil doon. Ang atensyon niya ay nabaling sa iba, at napatingala siya sa binata.“I have to leave you for a while. Babalik ako mamayang gabi, magdadala ako ng pagkain.”“Anong oras naman?” Napabuntong hininga na tanong niya rito.Natatakot siyang mapag-isa.“Miss mo ako agad?” Nakangisi nitong tanong.Hindi siya umimik pero parang ganun na nga.“I'll be back at seven. I'll just take a shower at home. May meeting lang ako ngayon na hindi pwedeng sa virtual gawin. I have to meet them personally. Will lola Ely be here?”Tumango siya, “Magdadala rin siya ng pagkain. Nag-asikaso raw siya ng tulong sa ahensya ng gobyerno.”“Oh, don't. Ako na ang bahala. Mapapagod pa si lola, kawawa naman. Lahat gagastusan ko. Gasino na ito sa lahat ng biyayang binigay sa amin ng Diyos. Let her rest. I'll be here tonight. Bukas papupuntahin ko rito si yaya Merla.”“S-Sino yun?”She's my yaya. She was just twenty-three when she moved into ou
Kabanata 41HELIOS didn't start the engine yet after he fixed his seatbelt.Bigla niyang naalala ang ina. Bata pa siya nang iyon ay mamatay at bata pa rin siya nang huli niyang makita ang mga litrato nun noong kasal sa kanyang Daddy.Other than those wedding photos, he saw nothing. Sayang, kung hindi siya nagmamadali ay titingnan niya ang sinasabi ng yaya niya.Next time, Mom.Siguro ay tuwang-tuwa iyon kay Ammiry kung magkikita ang dalawa. Mahilig daw kasi sa bata ang ina niya.Ammiry…Napabuntong hininga siya. Naisip niyang kumustahin ang pinsan niya.“Any development?” Tanong niya sa pinsan.“Negative. Ang sagot nila, “sino ‘yan? Ang ganda.” Lol.Bwisit.“Mahirap to, insan. Kung gusto ka naman ni Odette, hayaan mo na ang ama ng bata. Wala na tayong magagawa. Napakarami nating myembro. Just be a father to the kid, yun naman ang mahalaga. Hindi mo naman kasalanan kung ganun ang nangyari.”“But it feels like I owe her something, Luc. Ako ang may pakana nun at di ko alam paano ako magp
Kabanata 42PILIT na nilakasan ni Odette ang kanyang loob. Nang iangat siya ni Helios ay iniangat din niya ang katawan niya mula sa pagkakaupo sa sahig.Maluha-luha ang mga mata nito nang tingnan niya pero tinanguan siya.“Let's go,” He said and held her hand.Tuluyan siyang sumama rito habang umiiyak. Malalaki ang hakbang ni Helios kaya napilitan siyang sumabay dito kahit na nangangatog ang mga tuhod niya. Hanggang sa marating nila ang ICU.Mas nauna pa itong sumilip dahil hindi niya kaya kung ano man ang makikita niya. Nang hindi siya makatagal ay lumapit na rin siya, dahan-dahan. Kinakabahan man ay tumingkayad siya para makita ang ginagawa sa loob. Napapalibutan ang anak niya ng mga nurses, at ni Dr. Mariano.Maya-maya ay nakita niyang itinaas ni Ammiry ang kanang kamay.Agad na nakusot ni Odette ang mga mata. Parang nabitin ang mga luha niya sa pagtulo.“H-Helios, n-n-nakita mo?” Kandautal siya.“Yes, Babe.”“T-Totoo ba?” Napatakip siya sa bibig lalo na nang itaas ni Ammiry ang ka
Kabanata 43HINDI makatulog si Odette. Hindi siya komportable na may lalaki siyang kasama tapos ay matutulog siya. Pumikit lang siya kunwari pero hindi niya kayang magtiwala nang husto. Baka siya pakialaman ni Helios.Tumingin siya sa binata na nagbabasa ng diyaryo sa sofa pero nagulat siya dahil tulog na ito at humihilik pa nang mahina. Ang diyaryo nitong hawak ay nasa tyan nakapatong.Napangiti siya.Ano ba ang iniisip niya? Helios is totally harmless. She had proven that so many times. Parati silang napag-iisa na dalawa pero hindi naman siya nito pinagsamantahan. Ngayon pa ba niya iisipin na may gagawin itong hindi maganda sa kanya?Bumaba siya sa higaan para masigurong tulog ito. Lumapit siya at sinipat ito na husto.His shirt was pulled to the other side. Napakunot noo siya sa dibdib nito dahil parang may tattoo ito. It was a letter A, pero korteng dalawang braso. May kasunod pa iyon pero di niya makita.She just ignored it and looked at his face. He was really snoring.Natakpan