Share

Kabanata 01

MALIA'S POV

"I like him, Tita." I endured the cringe feeling and managed it to sound oblivious. Sinadya kong itono iyon na para bang hindi big deal sa 'kin ang pagpapakasal sa anak niya.

Also, I don't want her son to be offended in front of our family that's why I told them that I like him kahit hindi naman talaga.

Napansin kong natigilan sa pagsubo si Ashton at tumingin sa 'kin. He raised his one brow and looked at me intently. He gave me a what-are-you-saying look.

I just shrugged as a response and then I continued eating my food. Tumahimik ang mesa saglit bago ito binasag ni Daddy. Lahat kami napabaling sa kaniya.

"We already set the date of your wedding, Ashton and Malia." Daddy informed.

"Dad..."

"We already picked the date, Ija," my attention was shifted on her, Elizabeth, the mother of Ashton. Sumingit siya na napakalaki ng ngiti na para bang sobrang saya niya dahil sa sinabi ni Daddy. Tumungo ako't humigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor.

"Ikakasal na kayo next month. Kailangan niyo ng asikasuhin lahat ng mga pangangailangan niyo sa kasal—,"

"Bakit naman po parang sobrang nagmamadali kayo?" Seryosong tanong ko na may halong pambabara. I noticed her stilled for a moment na para bang hindi nito nagustuhan ang sinasabi ko ngunit agad din naman siyang nakabawi at hilaw na ngumiti.

"Malia." Dad warned me. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kutsara. She gave me a feign smile before she sipped her drink.

I glanced at Dad.

Tinangka ko pang magsalita ngunit tinanguan lang ako nito. Daddy hold my hand while slowly nodding his head. Napabuntong-hininga ako bago ipinagpatuloy ang pagkain kahit wala na akong nalalasahan.

She told us the details of the wedding in the middle of the meal. Ako nama'y hindi nakinig ng mabuti. Hinayaan ko lang na tumagos ang mga sinasabi niya sa aking kabilang tainga.

This isn't what I expected for my wedding. I thought I am the fashion designer of my wedding gown but I'm not. I thought I can marry the man whom I cherished the most in this lifetime but I can't! I thought I can live the life I've been dreaming of but I still can't!

I always wanted to make my Dad happy and proud but why it ends me suffering?

"Stop overthinking Malia, will you?!" I hissed at myself in front of the mirror.

I smiled sweetly and shoved away all the unnecessary thoughts. I let myself land on my soft matress. Such a long day. I'm so tired!

Too much exhaustion drove me fast asleep. Nagising nalang ako sa ingay ng aking alarm clock. Pinatay ko iyon at natulog ulit.

Today is my free day. I can go wherever I want to go! Tanghali na ako nagising dahil hindi ko ini-snooze ang alarm clock ko.

It's okay naman. I will spend the rest of my time on spoiling myself.

"Malia? Gising ka na ba?" Bumangon ako ng hindi man lang chineck ang sarili nang marinig ko si Nanay Becca na kumatok.

I opened the door.

"Bakit po?" Tanong ko at humikab pa sa harapan niya.

"Kanina pa kasi naghihintay si Sir Ashton. Kaninang umaga pa 'yan dito—,"

My eyes widened. Hindi ko na pinatapos si Nanay. I instantly closed the door upon hearing his name. Sumandal ako sa pintuan habang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Nanay Becca.

"What the hell is he doing here?!" Taranta kong tanong sa sarili.

Wala sa sarili akong nagpabalik-balik sa paglalakad. Hindi ko alam kung gaano ko katagal ginagawa iyon.

Ano naman kasi ang ginagawa niya dito?! Kainis naman oh!

Napunta ang atensyon ko sa aking cellphone ng mag-vibrate ito sa ibabaw ng mesa. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan kung sino ang tumatawag.

I checked it and it's Dad.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil si Daddy lang pala. I composed myself before answering my phone. Nagpanggap pa akong kakagising ko lang.

"Dad. Why?" Kinagat ko ang sariling labi pagkatapos kong sabihin iyon na parang bagong gising. Kopyang-kopya ko ang boses ng bagong gising.

"It's me. Ashton." Napanganga ako at nabitawan ko kaagad ang aking phone dahil doon.

What the hell?!

Bakit hawak niya ang phone ni Dad?! Nagmamadali kong pinatay ang phone pagkatapos ay nag-ayos sa sarili.

Nakakahiya kayang humarap sa kaniya na ganito ang lagay ng mukha ko! Baka akalain niya na pariwara ako sa sarili!

After that, I went down. Nanay Becca told me that he's in the playroom kaya doon ako dumiretso.

And just what I expected, naabutan ko sila ni Dad na enjoy na enjoy sa paglalaro ng billiard.

I don't want to see him today. Basta ayaw ko siyang makita dahil mauumay lang ako sa pagmumukha niya kapag kinasal na kami. Sinong hindi mauumay e araw-araw kaming magkasama?

I rolled my eyes.

"Dad! Bakit mo pinahiram sa kaniya ang phone mo?! And didn't I told you that today is my day?! Ayoko ng may disturbo!" Bungad kong hiyaw kay Dad.

Mukhang nagulat sila sa biglaang paghiyaw ko dahil napatigil sa pagtira si Ashton habang si Daddy naman ay napa-iling.

"Lower your voice, Malia. You almost gave me a heart attack."

Inis ko silang dalawang tiningnan. Natauhan ako kaya lumapit ako kay Dad at niyakap ito.

He kissed my head.

"Dad gusto kong suluhin ang araw na 'to. Bakit siya nandito?" Mahinang tanong ko dito.

He just chuckled.

"He will be your bodyguard for—,"

"Dad!"

"I called him. I'm just worried. Alam mo na maraming mga halang ang bituka ngayon," sabi niya. Ako nama'y napanganga sa sinabi niya.

"Daddy naman e! Masyado po kayong advance mag-isip!"

"Mas mabuti ng advance."

Umingos ako.

"Mag-re-ready lang ako at hindi ako papayag na may aaligid-aligid sa 'kin ngayong araw!" I exclaimed before leaving the room.

I'm not weak. I can protect myself. I don't need a bodyguard just because I am a heiress!

I am aware that my Dad was anxious because of what happened last year. Someone attempted to hurt me and that was also the reason why I was studying self-defense.

Alam ko ring once makapagdesisyon na si Daddy about something ay hinding-hindi ko na mababago iyon and I am always here to obey his command.

Isa pa ayaw ko siyang pag-aalahin at ayaw ko ring kasama 'yong Ashton na 'yon!

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa sahig habang naka-upo sa dulo ng aking kama.

I smiled when an idea came up. Tinawag ko kaagad si Nanay Becca at ipinahanda ang lahat ng mga kakailanganin kong mga kagamitan.

"Malia ito na ang lahat ng mga kakailangan mo." Nanay Becca handed me all my things I needed for my trip.

"Bakit puro pang-beach iyang dala mo, Malia?" Tanong nito habang ang tingin ay nasa bag ko.

"Hindi ba masyadong mabigat 'yan?"

"Hindi naman po. May taga-bitbit po ako," bumungisngis ako ng tawa.

Sige. Tingnan natin kung hindi ka susuko sa pagiging bodyguard ko. Tingnan natin kung kakayanin mo.

I smirked.

Bumaba ako dala lahat ng mga gamit ko. Nadatnan ko silang dalawa na nasa sala. Kahit hindi niya ipahalata huling-huli ko kung papaano siya napanganga.

"Dadalhin mo 'yan lahat?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Mabilis akong tumango, "Oo. Lahat 'yan kakailangan ko sa aking pupuntahan pero kung ayaw mo pwede namang hindi ka nalang sumama, 'diba Dad? Pwede naman?"

I grinned secretly.

Nagkatinginan sila. Hindi umimik si Dad. Nagkibit-balikat lang ito. Umupo si Ashton habang uminom ng juice. Napa-irap ako sa kilos niya. Feel at home na feel at home ang hitsura.

Tss.

"Gaano ba katagal ang trip mo?" He asked casually like we're close. E kaka-meet lang namin kahapon.

Ano ba 'yan. Nakakatindig balahibo naman!

We stared each other's eyes intently. Napalunok ako sa lalim ng mga mata niya. Sinubukan kong abutin ngunit hindi ko kaya. Sa sobrang lalim, panigurado akong marami itong tinatago.

"O-one week," utal na sagot ko at agad na pinutol ang titig sa kaniya.

Nakakatakot kaya ang mga mata niya! Para kang kakainin ng buhay!

A S H T O N ' S P O V

"Ashton!"

Hindi ko pa nga naimulat ang mga mata ko ay ang malakas na sigaw na kaagad ang narinig ko mula kay Mommy. Kahit nakakarindi ang boses ni Mommy ay ganyan naman talaga siya. Hindi ko nalang pinansin.

"Ayaw mo talagang gumising?!" Rinig na rinig ko ang matinis na boses nito ngunit wala akong sapat na lakas para imulat ang aking mga mata.

"Ouch!" Hiyaw ko ng hinampas niya ng unan ang ulo ko.

"Mom!"

"Bakit ba?! Ang aga-aga pa!" Reklamo ko.

"Maaga? My God Ashton! It's already eight!"

"So what?!"

Umilag ako ng magtangkang hahampasin na naman niya ako ng unang hawak niya pa rin. Inis na inis na itong nakatitig sa 'kin habang nakapameywang na ngayon.

"Anong 'so what'?! Magbihis ka na at puntahan mo si Malia!" She ordered while deadly glaring at me.

I looked at her unbelievably. Inis kong kinamot ang aking ulo. I didn't even know where is her house!

"What about this time, Mom?" Ang hirap makipag-sigawan kapag bagong gising. Kalmado ko siyang tinanong at hindi ko inaasahan ang sagot niya.

"Aalis ngayon si Malia. You need to be with her. Tumawag din ang Tito Maximus mo sa 'kin. He is asking for a favor. Pagkakataon mo na ito, Ashton," mahabang lintaya niya.

"What do you mean, Mom?" I didn't get it. We just met last night and then, I should be with her today? Naglolokohan ba kami?

What's this crap?!

First of all, I don't like her! Even a bit!

"Kailangan mong samahan si Malia sa trip nito," imporma nito.

"Trip? Saan? Kailan? Bakit kailangang sumama ako? Why me?" Sunod-sunod na tanong ko.

Fuck!

"Your Tito Maximus wants you to be with her bodyguard since ikakasal na naman daw kayo next month," anito.

I was left hanging. I don't know what I'm going to do with my life anymore. I couldn't even take control on what's happening in my life. Sunod-sunuran ako kina Mom and Dad e hindi naman ako ganito!

I was used to live my life on my own. Ayaw na ayaw ko ang ang may nakisawsaw ngunit dahil sa ginawa ng walang hiya kung ama. Heto ako naging sunod-sunuran sa plano nilang dalawa.

"How did you get in here, Mom? And how did you know about Malia's trip?" Tanong ko habang pinatuyo ang aking buhok.

"You didn't change your password. It was still the same of what Margaux told me in the past," sagot niya ngunit hindi niya sinagot ang pangalawang tanong.

"And for the second question. I know it because of money. Walang bagay na hindi mo kayang gawin kung may pera ka Ashton. Kaya ikaw, galingan mo 'yang role mo kung ayaw mong pulutin ka sa kangkungan!"

And now I totally get it. I am doing this not for myself but for Margaux alone. Kung hindi dahil sa kaniya. Hinding-hindi ako magpapa-control kay Mommy.

Nakarating ako sa address na sinabi ni Mom. It was what I expected. Isang napakataas at napakalapad na gate ang bumungad sa 'kin. Kahit sino walang magtangkang akyatin ang ganito kataas na gate. Hindi ako makapaniwalang napa-iling habang pinindot ang doorbell.

Isang doorbell ko pa lang ay automatic na bumukas kaagad ang gate at bumungad sa 'kin ang isang matanda.

"Pasok po kayo Seyr. Kanina pa po kayo hinihintay ni Senyor," sabi nito.

I nodded and followed her.

Their mansion isn't a typical mansion. It was all surrounded with CCTV cameras. Pansin ko rin ang nag-gagandahang mga bulaklak sa paligid. Sariwa at malamig din ang simoy ng hangin.

"Ijo, Ashton! How are you!" Tito Nathan greeted me with wide smile. Hindi halatang tumatanda at may sakit ito.

"I'm fine, Tito—,"

He blurted a loud laughed. Nagtataka ko siyang tiningnan. Sinalubong ako nito't inakbayan na para bang ang tagal na naming magkakilala.

"HAHAHA cut the Tito, Ijo. Ikakasal na kayo ng anak ko. I think it's time na may tatawag din sa 'king Daddy HAHAHA," masayang usal niya na pinalamanan niya pa ng tawa.

Naiilang akong ngumiti habang napakamot sa aking ulo.

Buwiset! Mapapa-daddy pa ako nito ng wala sa tamang oras!

"I'm fine, D-daddy..." The fuck! Nauutal pa ako!

I gritted my teeth when he laughed loudly.

"Great!"

"Pinatawag niyo raw ako?" I asked him, trying to divert the topic.

"Halika, Ijo." Inakbayan ako nito at dinala sa isang room. Namangha ako pagpasok pa lang dahil sa sobrang organized nito.

Bilyaran...

Bilyaran ang unang nagnakaw ng atensyon ko. So, this is his playroom huh. The room is broad and everything is in here. Wala ka ng hahanap-hanapin pa.

"You want to play?" He asked.

"Can I?" I asked back.

"Of course!"

We played for almost three hours and almost half of it was spent on glancing my wristwatch. Hindi na ako nakapagtiis kaya dire-diretso ko siyang tinanong.

"Si Malia po?" I asked him respectfully.

Hindi nito sinagot ang tanong ko. Tinira niya ang bola at direktang na-shoot ito. Pagkatapos ay tumira pa ng ibang bola. His attention was on the billiard ball.

"Honestly speaking Ashton, I don't trust your parents enough. Kilala ko na sila simula pagkabata pa at alam ko na ang pagkatao nila," prankang saad nito habang nagpatuloy pa rin sa paglalaro. He confessed his feelings without minding my presence here. Ako ang anak ng mga taong sabi niya'y hindi niya pinagkakatiwalaan.

I swallowed the hard lump on my throat before looking at him and his next statement made me stilled in cold. Hindi ko iyon inaasahan.

"Alam kong kompanya lang ang habol nila sa pagpapakasal sa inyo ng anak ko and I can't no for a reason. I want to say no but I just can't. Ayokong mawala sa 'kin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, Ashton," he continued.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He wanted to say no but he just can't? And why?

"Bakit po—,"

"Senyor, gising na po si Malia," hindi ko natapos ang dapat kong itanong ng biglang may boses na sumingit.

"Okay Becca."

"You know why I said yes to their proposal?" Tumingin ito sa gawi ko at tinanong ako. Ako nama'y hindi makapagsalita.

Hindi ako umimik. Ako rin naman. Wala akong sapat na tiwala sa mga magulang ko kasi alam ko kung ano ang kaya nilang gawin.

"Kasi alam kong maaasahan kita pagdating kay Malia," he added.

Natigilan ako sa sinabi nito.

"How can you be so sure?" I asked him seriously. He didn't answer it. Instead he just laughed and picked his phone. He handed it on me.

"Call her," he ordered.

Nagdadalawang-isip kong dinial ang number nito at nang sumagot siya ay napaingos ako. Halatang kakagising lang.

"Why, Dad?" She asked from the other line with her morning voice.

"It's me. Ashton," I responded.

I scoffed when she immediately ended the call.

"Pinatay po," parang batang sumbong ko sa ama niya ngunit tumawa lang ito.

Mag-ama nga talaga sila. Magkapareho ang ugali.

"She is my everything, Ashton. Ramdam ko ring hindi na ako magtatagal sa mundong ito dahil sa sakit ko. Kailangan ko siyang ihabilin sa taong maaasahan ko. And I can't find someone who's trustworthy except you," he stated out of nowhere. He said it straightly to my eyes.

Hindi ako maka-imik. Walang salitang gustong kumawala sa bibig ko at gusto kong suntukin ang sarili dahil tumango lang ako.

"Oh common Dad! Let's break the seriousness! Let's play! Tingnan natin kung sino ang mananalo!" Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at biglang sumigla ang boses ko at naggawa ko pang yayain siyang maglaro.

Masaya kaming naglalaro na parang tunay na mag-ama ngunit inisturbo iyon ng isang hiyaw.

"Dad! Bakit mo pinahiram sa kaniya ang phone mo?! And didn't I told you that today is my day?! Ayoko ng may disturbo!"

Napaigtad kami pareho sa lakas ng hiyaw nito. Nahinto ang pagtangka kong tumira sa bola pati na rin si Tito Nathan.

"She can be whinny sometimes," bulong nito sa 'kin.

We both chuckled.

""Lower your voice, Malia. You almost gave me a heart attack." Saway nito kay Malia.

Isang matulis na tingin ang ginawad nito sa 'kin. I maintained my usual face while looking at her. Lumapit ito sa Daddy niya at niyakap ito ng sobrang lambing. Lumayo ako at nagpatuloy sa paglalaro.

Ngunit hindi ko maiwasang hindi mapasulyap. She's so sweet with her Dad and something struck in my chest. Hindi ko pa nga nagawa ang mga plano namin ay nagi-guilty na kaagad ako.

I sighed in silence. Then, I put all my attentions in playing the game. Hinayaan ko nalang sila.

"Mag-re-ready lang ako at hindi ako papayag na may aaligid-aligid sa 'kin ngayong araw!" She exclaimed before leaving the room.

Isang tawa lang ang sagot nito sa sigaw ng anak niya.

"See? She can be whinny but sweet all the time."

Ngumiti lang ako ngunit kaagad ding nawala ng bumaba ito dala ang napakaraming bagahe. Saan ba 'to lilipat?

"Dadalhin mo lahat 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Mabilis itong tumango at nagpaliwanag kung bakit marami siyang dala.

"Oo. Lahat 'yan kakailangan ko sa aking pupuntahan pero kung ayaw mo pwede namang hindi ka nalang sumama, 'diba Dad? Pwede naman?"

Nagkatinginan kami ng ama niya ngunit hindi ito umimik. Nagkibit-balikat lang ito. I grabbed the glass of juice and drink it.

"Gaano ba katagal ang trip mo?" I asked her casually.

"O-one week..."

One week! Ibig sabihin kasama ko siya sa buong linggo?!

Oh crap!

I want to back out. I want to say no but there's unknown force pushing me to go with her. Matagal akong nakatulala sa bagaheng dala niya. It means I will carry those bags?

Oh shit!

Naisip ko rin si Mommy. Kukulitin at kukulitin lang ako no'n kung malaman niyang hindi ako sumama. Hindi lang ako bastang kukulitin baka magtatampo pa 'yon sa 'kin.

Tss.

Walang hanggang talakan na naman ito! Kapag si Mommy pa naman ang makapagsimula ng talak ay paniguradong hindi matapos-tapos kaagad.

And with that I only found myself bringing her baggages inside the car while glancing on her excited face.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status