Share

CHAPTER THREE

Maaga pa naman kaya naisipan niyang lumabas ng condo. Nilagay niya muna ang kaniyang bag sa likod ng sofa. Hindi agad ito makikita pwera na lang kung nasa may bandang kusina. Hindi na siya nag abalang mag libot pa. Kailangan niyang makahanap ng trabaho.

Kanina pa siya palakad lakad simula ng makababa ng building. Hindi niya alam kong ilang oras na siyang palakad lakad. Wala man lang siyang makitang pwedeng pag applayan ng trabaho. Pang mayaman ang nakapalibot sa building ng condo ng kaniyang asawa.

Sa ikatlong liko niya sa kanto nakakita rin siya ng isang karinderya. Malaki laki ang karinderya at napansin niyang marami ang nakaupo sa mess pero isa lang ang gumagalaw.

"Hello po," bati niya sa tindera na busy sa pag assikaso ng order,

Sinulyapan siya nito, "anong sayo? Pasensya na hah, marami ang kustomer eh." Inantay niya munang bumalik ito sa pwesto niya,

"Ate, baka po nag hahanap kayo ng trabahador?" kinakabahan niyang tanong. This is her first time looking for work though.

"Ay talaga ba ining?" Huminto ito sa harapan niya, "nag hahanap ka ng trabaho?"

"Opo,"

Bumukas ang saya sa mukha nito, umalis ito sa harapan niya. Bagsak ang balikat niyang tumalikod ng tinawag siya ng ale.

"Oh eto, apron." Wala sa sarili kong tinanggap ang binigay nito na binawi niya rin agad at siya na mismo ang nag suot sa akin ng apron. Pinuyod niya rin ang buhok ko at nilagyan ng hairnet. "Oh, mag trabaho ka na. 250 ang araw mo hah? Dapat alas otso andito ka na. Libre ang kain," nakangiti nitong turan.

Tumalikod agad ito sa akin at nag assist ng kustomer. Tinawag siya nito para mag serve. Tinuro rin nito ang pag bibigyan niya.

Sa ilang beses niyang pag balik nag pakilala ito, "Ako pala si Susan,"

"Gabby po ate," She look like she's in her 40's.

Tinuruan ako ni Ate Susan sa lahat ng presyo ng pagkaing luto niya. Para daw ako na ang mag asikaso ng bayad ng kustomer. Tatlong kustomer ang pinag praktisan ko, madali naman akong natuto dahil hindi naman mahirap.

Ako na rin ang naghugas ng mga pinag kainan. Pati ang pag punas ng mga mesa. Mga alas tres na ng wala ng kustomer dahil ubos na ang paninda.

Sa ngayon nag papahinga na sila, "Alas singko andito na ako. Pagka-galing ko sa palengke diritso ako. Konti lang naman ang kustomer sa umaga, mas marami sa tanghali." Pag kwento ni Ate Susan habang nag k-kwenta ng benta.

"Wala po kayong kasama dito te?"

"Naku, meron. Kaso simula nang nakaraang araw hindi na pumasok tapos nalaman ko kahapon ay sumama pala sa lalake." Inabutan ako nito sa sweldo ko, araw araw daw siyang nag s-sweldo, para iwas sa isipin. "Mga bata nga naman." Dismayado itong umiling.

"Matagal na po kayo dito? Wala ho ba kayong asawa't anak?" Nagtataka kong tanong,

Ngumiti ito, "Sampung taon na simula ng mamatay ang asawa ko iha, trenta pa ako nun. Wala akong anak kasi baog ang asawa ko." Humagikhik ito na para bang biro lang ang pagka-baog ng asawa niya.

"Limang taon din bago ako nakabangon sa pagka wala ng asawa ko," malungkot itong bumuntong hininga. Ramdam ko ang sakit at pait sa boses nito, nangungulila. I can relate.

"Limang taon palang ako dito, yung una kong naging trabahador. Yun, si Daisy. Yung nakipag tanan." sabi pa nito, "Pagka-bangon ko, nag simula agad ako sa negosyong ito. Pampalipas oras. Hanggang nagustuhan at minahal ko na rin." Tumayo ito, "oh, siya. Alas 4 na, uuwi na ako. Saan ka ba uuwi?"

Ngumuti ako, "Malapit lang po," tumango ito.

"Mag sarado na tayo, para makauwi na."

Tumayo ako at tinulungan si Ate. Pag katapos ay nag paalam na ako ritong uuwi na. Mag kaiba kami ng routa.

"Aasahan kita bukas hah,"

"Opo," sumaludo ako at humagikgik.

Lakad takbo ang ginawa kong pag baybay sa kinatitirikan ng building kung saan ang condo ni Cleven.

Pag dating ko sa convo ay pawis na pawis ako. Pano ako nito?

Kinamot ko ang ulo ko, init na init na ako. Siguro bukas na lang ako maligo? Doon ako sa karinderya maligo. Mukhang pwede naman. Agahan ko na lang sa pag pasok. Hindi ko kasi alam kung pwede ba akong mangialam sa gamit dito. Tinignan ko ang oras, alas singko na. Mag iisang oras pala ang pag baybay ko.

Wala akong problema sa pag kain ko dahil doon ako na ng halian kanina. Bago rin kami uwi ay kumain kami. Siguradong bukas dun din ako kakain. Problema ko lang baka gutomin ako sa gitna ng gabe.

Kinuha ko ang suklay sa loob ng bag ko. Nakasalampak ako sa sahig, sa likod ng sofa. Maliit lang ako kaya hindi ako nakikita. Sinuklay ko ang buhok ko at pinusod ng maayos, para iwas init. Nag tanggal rin ako ng bra pati sapatos. Wala akong medyas. Umismid ako ng maamoy ko ang paa kong mabaho.

Humikbi ako. Hindi naman ganito dati. Kung sana hindi ako iniwan ni daddy. Pinahid ko ang luhang kumawala sa mga mata ko. Nag latag ako ng manipis na kumot sa sahig, maliit lang rin ang kumot. Pinag tabi ko ang bag at sapatos ko.

Naalimpungatan ako ng makaramdam na parang may pumasok sa loob ng condo. Dumapa ako at sinilip ko ito. Si Cleven pala. Diri-diritso itong lumakad pa itaas. Hindi man lang binuksan ang ilaw. Pinatay ko kasi ito kanina.

Sinundan ko ito sa itaas na naramdaman niya naman, "What do you want?" He coldly asked,

"Pwede akong makigamit sa bathroom sa baba? Pwede rin kitang ma ipagluto?" Nagbabasakaling tanong ko,

He rolled his eyes, "Whatever." Oo siguro yun.

Babalik na sana ako sa pag tulog ng masulyapan ko ang malaking relo sa dingding malapit sa malaking flat screen tv. It's already 4:30 in the morning. Dahan dahan akong umupo at binalik sa bag ang kumot ko.

Binuksan ko ang ilaw sa kusina. Tinignan ko ang laman ng double ref. Kumuha ako ng bacon at manok. Nilagay ko muna ito sa palanggana at nilagyan ng tubig para mawala ang yelong nakapalibot dito.

Hinanap ko ang rice cooker at bigasan. "Diyan ka lang pala," hindi ko kasi makita ang bigas. Andon lang pala sa parang dispenser. Sa amin kasi dati sa balde lang. 'Tapos naka lagay sa kusina kung saan nag luluto ang mga kasambahay.

Nag saing ako 'tapos gumawa ng fried rice pag ka luto ng kanin. Nag prito lang ako ng bacon. 'Tapos omelet at hatdog.

Yung manok naman nag adobo ako ng konti. 'Tapos ginawa kong deep fried yung dalawang legs ng chicken. Pag ka ilang minuto nilagay ko ito sa baonan na nakita ko.

Isang stainless. Tatlo ang lalagyan. Pag katapos kong ihanda ang baon nito tinakpan ko ang breakfast na hinanda ko. 'Tapos pumanhik na ako sa trabaho.

Dumaan muna ako ng convenience store bago dumiritso sa karinderia. Bumili ako ng toothbrush at toothpaste. Napangiwi pa ako sa presyo nito, ang mahal. Bumili na rin ako ng pang shave saka Ph care na maliit.

Wala ng natira sa sahod ko kahapon. Bahala na. Sasahod naman ako ngayon. Hindi ako nag shi-shave sa pagkababae ko dahil konti lang naman ito noon at manipis. Pero ngayon ramdam kong mayabong na. It's also uncomfortable. Bumili rin ako ng maliit ma safeguard at isang piraso ng shampoo, palmolive pink.

Pag dating ko sa karinderia, nakabukas na ito. "Ate, dito na ako," pag tawag pansin ko sa amo ko,

"Andito ako sa kusina," pumasok ako sa sinabi nito, naabutan ko siyang nag t-timpla sa pancit. Madami na pala siyang naluto,

"Ate pwede ako makaligo?" Hindi kasi ako naligo doon sa condo, sa susunod na lang. Sinulyapan ako nito, tumango rin kalaunan ng makitang ganun parin ang suot ko.

Dali dali akong naligo. Naubos ko ang isang maliit na piraso ng safeguard at shampoo. Bibili na lang ako ulit pero sa susunod titipidin ko na. Total mukhang araw araw akong makapag ligo rito.

Nag shave rin ako na medyo natagalan dahil ingat na ingat ako, takot na baka masugatan. Kailangan ko na palang bumili ng napkin. Dadatnan ako sa linggong ito. Nag hilod din ako ng sobra sobra. Buti na lang kahit kayumanggi ako ay pantay ang kulay ko at nakita kong ang ari ko ay kayumanggi rin pero maganda ang pagkakahulma. Ang maliit nito na t****o at mga labi ay namumula. Ganun rin ang nipples ko kaya maganda paring tignan.

Pag labas ko ng banyo inutusan ako ng Ate Susan na mag display at asikasuhin ang kararating lang na kustomer. Buti na lang pag labas ko ng banyo naka puyod na ang basang buhok ko pero hindi na naman ito tumutulo. Nag lagay na lang ako ng hairnet at apron saka sinimulan ang trabaho.

CLEVEN WAKE UP as usual time. Papikit pikit siyang dumiritso sa banyo at nag asikaso ng sarili. After he finished fixing his self he went downstairs.

Pag pasok niya pa lang sa kusina nakita niya agad ang mga tinakpan na plato. May baon rin at tumbler.

"Might as well take advantage of the fact that I have a wife." Para naman may silbi ito.

©BINIBINING ROIMI

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status