Share

Chapter 5 A Flashback

"Ang ganda mo pala" sabi ko sa isip ko habang nakaharap sa kaniya. 

"Huh?" sabi ng taong nasa harapan ko 

"H-huh? wala. Sabi ko ano maganda ang araw ngayon mukhang di uulan" saad ko habang natataranta. 

Nabigkas ko pala sa harapan niya, nakakahiya. 

Two weeks na since i start working here sa kaniyang botique bilang isang Sales supervisor. Ako lang naman ang bumibisita, naglilista at bumibili sa mga supplier. Kasama din sa trabaho ko ang magdouble check ng materyales at inventory ng stocks. Napakilala naman na niya sa akin ang lahat sa akin at kaunting mga papers na lang ang kailangan kong tapusin. 

Siya din ang personal na nagtrain sa akin ng mga kailangan ko. Mabait siya, malumanay makipagusap at higit sa lahat sobrang ganda. Sa kutis niya masasabi mong mula siya sa mayamang angkan. Sobrang sosyal niya kumilos at magsalita ngunit simpleng bagay lang nagpapasaya sa kaniya. Katulad na lamang ng mga simpleng jokes ko sa kaniya. Corny sa iba pero sa kaniya sobrang bumibenta. 

"Simula noong nagtrabaho ako sa iyo hindi mo pa ako binibigyan ng welcome party. Maganda ang panahon ngayon tayo magparty. " Pagbibiro ko sa kaniya para lamang may connection sa una kong sinabi. 

Hindi naman niya kasi akong tinuring na iba. Wag ko daw siyang ituring na amo kung hindi isa lamang na business partner dahil tinutulungan ko daw siya sa business niya, at higit sa lahat magkasing edad lamang kami. 

"May lakad kami ni Raven later " sagot niya 

"Pwede naman siguro na sumama kami sa inyo di ba?" pagpupumilit ko pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pwedeng umalis sa bahay ng matagal dahil ayoko na iiwan si mama mag isa. Lahat ng empleyado niya ay nakatira sa taas nitong Office kaya kung sasama kami lahat magisa si mama sa taas. 

"Kung gusto niyo ako na lamang magpapaliwanag kay Raven" sagot niya 

"Gagi joke lamang. Hindi ko pwedeng iwan si mama alam mo naman iyon." Patatawa kong sagot sa kaniya habang nagaayos ng papeles. 

"Naniwala ka naman agad. Suus, masyado kang mabait talaga" dagdag ko pa habang tinitingnan siya ng mapang asar 

"Wag mo akong binobola. Tsk" pagsusungit niya 

"Araw-araw kayong nasa Bar ni Raven di pa ba sira atay niyo?" Curious kong tanong. 

"Hindi naman kami nainom ng hard, saka hindi alak dahilan ng pagba-bar namin" kaswal niyang sagot. 

"Eee ano pala?" follow up ko na tanong sa kaniya 

"The vibes, the sound and the companion. You know" May pag taas taas pa ng kilay niyang sabi. 

"Nagaaksaya lamang kayo ng entrance fee.Sabagay mayaman nama yata kayo" Kipit balikat kong sabi sa kaniya 

"Isa kami sa investor doon kaya may sarili kaming room, that's why" sabi pa niya 

" Ang dami niyo palang negosyo, yaman niyo naman pala." paulit-ulit ako sa mayaman. 

Hindi nya kasi sinasagot kung mayaman ba sila o talagang nagsumikap lang sila. Alam ko nama matalino siya at makakamit niya lahat ng iyon kung buhos lahat ng oras niya sa work. 

"Hahaha hindi sipag lang. Since high school business minded na kami ni raven kaya lahat ng kinita namin pinaikot lamang namin sa iba't ibang company na pwede maginvest. Money works hahah " sunod sunod na paliwanag niya.

"Gusto mo kape? " tanong ko sa kaniya ng makita ko siyang humikab 

"No. Iinom later e baka sumakit tyan ko" sagot niya 

"Bakit hindi kayo sumama sa bahay. Wag na puro kayo bar maiba lang tayo di ba?" offer ko sa kaniya. 

Sa buong panahon na nagwowork ako dito walang ibang ginawa ang dalawang babaeng iyon kung hindi magbar bago umuwi sa kanila. 

"Anong gagawin?" tanong niya 

"Kakain lang?" Patanong na sagot niya 

"Luto ni Mama don't worry" Offer ko ulit sa kaniya 

"Ask ko muna si Raven." Sabi niya 

"Wag na. Dalhin mo na lang siya para di tumanggi. Masarap din naman kaming kasama nila Mc, Maingay din kami if you wanna know" paliwanag ko sa kaniya 

"Okay. Let see" sabi niya habang kinukuha phone niya. 

Hindi naman na ako sumagot pa. 

Tinext ko si mama na magluto ng masasarap at damihan na din niya. I call Mc kaso hindi siya sumagot kaya tinext ko ulit si mama na magprepare ng lamesa sa labas ng room dahil pupunta sila Aira at Raven which our boss.

Nagtaka pa si mama na may pagtataranta pero sinabi ko na magrelax lamang siya dahil mababait ang mga ito. 

Sa taas ng building na ito ay may tatlong room at isang medyo malaki laki na garden.Kung titingnan sa labas para itong roofdeck ng opisina

Si mama na ang nagaalaga ng garden simula ng dito na kami nakatira. Dalawang empleyado from botique din ang nakatira dito maliban lamang sa HR namin dahil may pamilya na siya. 

Magkakasundo naman kami kaya kampante ako na makaksundo din nila si Raven at Aira hindi bilang boss kung hindi bilang isang kaibigan na din. 

"Halaa. Si maam, Hello po Maam Raven and Maam Aira. Bakit po bigla kayong napadalawa, may problema po ba tayo?" Tanong ni Mc 

"Hahaha hindi sila pumunta dito dahil boss natin sila. Pumunta sila dito bilang kaibigan natin, Tumatawag ako sa iyo para sabihin hindi ka naman sumasagot." mahabang paliwanag ko 

Inasikaso naman nila ang dalawa. 

Sinaibihan ni Aira na wag mailang sa kanila dahil tao lang din sila at magkakasing edad naman sila. Masaya silang nagkukwentuhan. 

"Buti na nga lang hindi kayo nagtayo ng pharmacy" sabi ni Kaila 

"Bakit naman. Anong problema sa pharmacy" Sabi ni Raven 

" Wala naman. Kung wala kang masyadong pasensya di ka kasi pwede doon. Alam niyo ba isang beses nagwork ako dyan tapos may isang bumili sa akin ng Baby Powder iyong sikat na Johnson.' sabi niya at huminto saka sumubo ng Crackers 

"So anong nangyari" Inosenteng tanong ni Raven 

"Kasi madaming beses siyang bumibili tapos mga tatlo or apat na beses kasama niya bestfriend niya. Tapos ang bff niya laging gustong buksan muna daw para makita nasaloob baka daw gawgaw nasa loob hindi poldo. Sympre noo-

"Di ba gawgaw naman talaga ang laman ng Powder na iyon kapalit ng talc " Putol ni raven 

Grabe ang talino talaga ng babaeng ito kahit puro sila Bar. 

"Exactly madam. So everytime na bumibili sila pinapakinggan ko lang at sinasabing if hindi niyo bibilhin hindi niyo mabubuksan and once you open it bawal na ibalik. Ang kaibigan niya ayos lang sa kaniya na bilhin kasi mahilig talaga siya sa polbo. Tapos nagbubulong bulong pa si bff and then last bili nila hindi na ako nakatiis sabi ko "Hindi ka ba nag-aaral-

"Hahahahhaha"

"HAHAHAHAHAHA"

"HAHAHAHAHAHAHAHA ang sama ng ugali moo" sabi naman ng isa namin kasama 

"Hindi pa tapos HAHAAH diba tinanong ko nga siya. Sabi ko kung hindi mo napagaralan try to search it first and mag fact check ka hindi puro ka trending bumabase. Trending is not always  the truth. Then umalis na sila and sabi niya lang sa kasama niya na 'search natin mamaya' tatawa tawa pa siya pero nung nakalayo na biglang sumigaw ng EDI IKAW NA NAG-ARAL. " 

Nagtawanan na lang kami pero ramdam namin gigil ni MC dahil hindi siya nakasagot sa sigaw noong bata. 

Lumipas ang ilang oras na nagkukwentuhan lang kami ng mga bagay bagay at mas madalas na kinukwento ay mga katarantaduhan, katangahan at lutang moment namin noong nagaaral oa. Kahit walang alak, walang maingay sa paligid na-enjoy pa din namin ang magkakasama.  Inumaga na kami sa kakachismisan kaya napagdesisyonan naming lahat na late na mag-open bukas para makapagpahinga kami ng sapat. Dito na din sila natulog dalawa dahil may room pa naman available at ready to use. 

Masaya ako na simple lang ang kasiyahan ng isang kagaya niya. Mas lalo ko siyang nakilala at nagustuhan

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status