Share

Chapter 32

Elizabeth POV

Nagmamadali ang mga tao sa kumpanya na pinagta-trabaho-an ko. Dahil ngayon daw darating ang CEO ng kumpanya. After 5 years ay nakabalik na ito.

Dalawang taon na ako sa kumpanya na ito at ngayon ay makikilala ko na ang CEO ng aming kumpanya. Abala ang lahat. Dahil ayon sa mga kasamahan ko ay masyado daw stricto ang CEO.

"Eliza, halika. Tulungan mo akong ipaghanda ang si Sir Azrael."

Bigla akong kinabahan. Dahil first time kong makaharap si Sir Azrael. Noong marinig ko ang pangalan ng boss namin ay akala ko ay iisa sila ng lalaking nakilala ko, 5 years ago. Pero mukhang hindi naman. Wala din akong makitang larawan ng boss namin. Pero ngayon, bigla akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Wag kang kabahan. Hindi naman sobrang masama si Sir Azrael. Mabait naman iyon, talagang stricto lang iyon. Gusto kasi noon, tapos agad ang trabaho." Ngumiti na lang ako. "Mas naging strict si Sir Azrael, nang mamatay ang fiancee nito."

Nalungkot ako bigla. Dahil sa nalaman ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status