Nangingig si Diana habang nakaupo siya sa likod ng ambulansiya na kasama ng mga bumbero na rumesponde sa sunog sa kanilang bahay. Nang dumating ang ambulansiya at bumbero ay agad siyang tinignan ng mga medic. May kaunting siyang galos sa braso. Subalit maliban doon, maayos siya sampu ng mga kasama niya sa bahay na maayos nasa maayos ding kalagayan. Mabuti na lamang at nakalabas sila ng bahay bago pa man tuluyang lumaki ang apoy. Maingay ang paligid dahil sa pagpaparoo't parito ng mga tao na tumutulong sa pag-apula ng apoy, panay rin ang mahinang pagsigok ni Enrico sa kanyang tabi, sabay-sabay rin ang pag-uusap ng mga tao sa paligid. Subalit tila walang naririnig si Diana habang pinagmamasdan ang apoy na sige pa rin sa pagtupok sa kanilang bahay. Ang bahay na siyang solusyon sana sa kanyang mga problema sa kanilang kumpanya. Ang bahay na maaring magbigay ng panibagong buhay sa kanilang dalawang magkapatid. Ang tanging solusyon na kanyang naiisip upang matakasan ang patuloy na kalupita
"Hello, Vincent. May resulta na ba ang initial investigation ng mga bumbero tungkol sa naganap na sunog?" tanong ni Nick sa assistant, humugot ng malalim na hininga bago tinanaw sa may veranda ang bukang-liwayway. Pasado alas singko na ng madaling-araw subalit mula nang makauwi sila sa mansiyon kasama sina Diana ilang oras na ang nakararaan ay hindi na siya muling nakatulog pa. It's the adrenaline, naisip niya."Sir, kanina pa po nag-declare ng fire out ang mga bumbero. Nasa loob pa sila ngayon ng mansiyon ng mga Saavedra at nag-iimbestiga," sagot ni Vincent.Napapisil sa pagitan ng kanyang mga mata si Nick. "Sige, balitaan mo 'ko kaagad kapag may resulta na. Also, h'wag ka nang pumasok sa opisina ngayon. Ako na lang bahala sa sarili ko," sabi niya bago tuluyan pinutol ang tawag.At dahil hindi lang din siya makatulog, pinasya na lamang niyang magtungo sa gym room. His father was a heath buff. Ito ang nagpalagay ng gym sa mansiyon. At sa murang edad, tinuruan na siya nito ng kahalagah
Sandaling natahimik si Nick sa isinagot ni Diana. Ayaw niya sanang isipin dahil hindi naman siya ang uri ng tao na nagsasaya sa kamalasan ng iba, subalit naniniwala siyang naging pabor sa kanya ang nangyaring sunog. Ang inaasahan ng binata ay magmamatigas pa rin ang asawa at kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan upang mapahinuhod niya ito sa kanyang plano. Subalit dahil alam na niya ang estado ng kumpanya ng mga Saavedra, wala nang iba pang pagpipilian si Diana kundi pumayag sa gusto niya. At ngayong napapayag na nga niya ito, hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama. Para siyang nabunutan ng tinik. Finally, his problem with his inheritance is fixed. Tumikhim siya. “I know you’d make the right choice, Diana. You don’t have to worry about your company anymore, I will keep my end of the bargain. I give you my word,” pahayag niya. Hindi agad sumagot si Diana, sandali siyang pinagmasdan. “I know you would,” anito pagkatapos, pabulong, bakas ang lungkot sa tinig. Hindi mapani
“Ano? Bakit ka pumayag? Nahihibang ka na ba talaga, Diana?” mataas ang boses na tanong ni Ella sa kaibigan, marahas na nagbuga ng hininga. Dinig na dinig iyon ni Diana na siyang kausap nito sa cellphoneNang pumutok ang balita na nasunog ang mansiyon ng mga Saavedra, abot-langit ang pag-aalala ni Ella kay Diana. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigan subalit naka-off ang cellphone nito buong maghapon. Ni hindi niya alam kung saan at paano ito mako-kontak. Tapos ngayon tatawag ito sa kanya at sasabihing, tinanggap na nito ang alok ni Nick. Magkahalong gulat at inis ang mararamdaman niya. Why, Nick Gutierrez is the devil personified himself!“Ella, wala lang talaga akong mapagpipilian,” sagot ni Diana sa kaibigan. Nauunawaan niya ang pagtutol nito sa kanyang desisyon. Alam na alam nito ang mga pinagdaanan niya kay Nick.“Anong walang pagpipilian? Sabi ko naman kasi sa ‘yo, bumalik ka na sa pagpipinta. That’s your passion. That is where you thrive! Hindi sa apat na sulok ng opisina ng D
Wala pang alas otso ng umaga kinabukasan, nakabihis na si Diana. Handa na siyang magtungo sa opisina ni Nick upang pirmahan ang kanilang kasunduan. Subalit mabibigat ang kanyang mga paa, alam niya sa sariling isang malaking pagkakamali ang kanyang gagawin subalit… tadhana na mismo ang nagtulak sa kanya sa daang iyon at wala na siyang magagawa pa.Muli, ay malungkot niyang pinagmasdan ang repleksiyon sa salamin, tinatanong sa sarili kung kailan ba matatapos ang lahat ng paghihirap sa kanyang buhay.Ilang minuto din siya sa ganoong ayos nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong tinignan at nakita ang text message ni Alonzo.‘Ma’am, hindi pa po ba tayo aalis?’ anang driver na kasama na nilang tumuloy sa mansiyon ng mga Gutierrez kagabi. Kababalik lang nito mula sa paghatid kay Enrico sa eskwelahan nito.Agad siyang nag-reply bago nagmabilis na lumabas ng guest room. Kanina pa naka-alis si Nick. Her husband had a knack on doing things on time and the right way. Well, noon p
“Ma’am, okay lang po kayo?” may bahid ng pag-aaala na tanong ni Vincent kay Diana. Nasa backseat ito ng sasakyan at kasalukuyan niyang ipinagda-drive patungo sa bahay nito at ni Nick na nakatayo sa loob ng isang sikat na exclusive subdivision.Pababayaan na lamang sana ng assistant ang asawa ng amo kaya lang kanina pa ito walang imik at tila tulalang nakatingin sa labas ng sasakyan.Kumurap si Diana, mabilis na inayos ang huwisyo at tumingin sa rearview mirror kung saan siya sinusulyapan ni Vincent. Pilit na ngumiti ang dalaga bago. “O-okay lang ako, Mr. Hipolito.” pormal niyang sagot.“Vincent na lang po, Ma’am,” pagtatama nito, ngumiti bago muling itinutok ang mga mata sa daan. “H’wag po kayong mag-alala, Ma’am. Nakaayos na po ang bahay ninyo ni Sir. Sa nakalipas na taon ay ako po ang laging nagpapalinis doon. Kaya maayos po at malinis na bahay ang madaratnan ninyo.”Nagbuga ng mabagal na hininga si Diana, hindi alam kung ano ang tamang isasagot kay Vincent. Kasama sa pinirmahan niy
Napapikit si Diana nang agad siyang maliyo sa ginawang paghalik ni Nick sa kanya. Na lalo pang pinatindi nang mabilis na pumaloob sa kanyang roba ang kamay ng asawa at ekspertong nilaro ang kanyang hinaharap. Napasinghap si Diana, lalong nanghina ang mga tuhod kaya kusa niyang ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Nick. She had never been kissed that way before, at least not that she was aware of. Dahil hanggang ngayon, hindi pa niya lubusang maalala ang kabuuan ng namagitan sa kanila ni Nick nang gabing may mangyari sa kanila tatlong taon na ang nakararaan. May mga pasulpot-sulpot na alaala subalit hindi sapat upang muli niyang maramdaman ang mga ipinararamdam ni Nick sa kaya ngayon.Tila siya isang kandila na unti-unting nauupos, nalulunod sa samu’t-saring emosyong dulot ng halik at paghawak sa kanya ni Nick.Maya-maya pa, tuluyang naglakbay ang mga labi ni Nick sa kanyang leeg habang unti-unting kinakalas ang pagkakabuhol ng kanyang roba.“N-Nick…” wala sa sariling usal ni Diana na
8 YEARS AGOPagod na ibinagsak ng maglalabing-anim na taong gulang na si Diana ang sarili sa bunkbed ng retreat house na tutuluyan nila ng tatlong araw para sa retreat ng student council officers ng St. Benedict University. Sa totoo lang ayaw siyang pasamahin doon ng Daddy niya. Baka raw kasi delikado at may mangyari sa kanya. Subalit, hindi naman puwedeng siya lang sa mga officers ang wala. Lalo pa at siya ang junior high represenatative, silang dalawa ni Ella. Kailangan siya doon. Kaya naman nakiusap siya talaga sa ama na payagan siya. Pinakiusapan din niya ang kanyang madrasta na si Eileen na tulungan siya sa pagkumbinsi sa ama. Mabuti na lang at pumayag din sa huli ang Daddy niya.Subalit sa haba ng ibiniyahe nila, halos limang oras din, parang gusto na niya tuloy na magsisi na sumama-sama pa siya roon.“Di, may nakita akong trail na patungo sa burol malapit doon sa may lake. Puntahan natin mamaya,” anang kaibigan na si Ella. “For sure okay mag-selfie doon.”Bumuntong-hininga si