Share

Chapter 3: Muling Pagkikita

Maingat na humakbang si Diana papasok sa chapel kung saan nakahimlay ang mga labi ni Arturo Gutierrez. Hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang mabait na matanda. Kung mayroon mang mabuting idinulot ang pagpapakasal nila ni Nick, iyon ay nagkaroon siya ng lolo, bagay na hindi niya naranasan dahil maagang pumanaw ang magulang ng kanyang ama at tunay na ina.

Mabait si Arturo, madalas din siya nitong dalawin at kumustahin noong malakas pa ito. Madalas nitong sabihin sa kanya na wala na itong kikilalanin pang asawa ni Nick kundi siya lang. Bagay na nais man niyang sang-ayunan, sadyang mahirap paniwalaan.

"Diana," tawag sa kanya ni Sofia nang makita siya sa kumpol ng mga bisita. Agad na bumaling ang lahat ng atensiyon sa kanya ng mga taong naroroon. Nahihiya man, nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa matandang babae.

"Wala na ang Papa,tayo-tayo na lang," panay ang hikbing sabi ni Sofia nang tuluyang mayakap ang manugang. Lihim itong nagpapasalamat dahil gaano man kalabo ang relasyon nito sa anak niyang si Nick ay hindi ito nag-atubiling magtungo roon nang kusa at damayan sila sa kanilang pamimighati.

"Sorry po, Mama at ngayon lang ako nakadalaw. May mga inaasikaso akong mga papeles sa opisina at--"

"Naiintindihan ko, ang mahalaga ay narito ka ngayon," putol ng biyenan sa kanya, iginiya siya sa unahang pew sa chapel.

Sandali pa silang nag-usap na dalawa hanggang sa makarinig sila ng malakas na paghagulgol sa may entrada ng chapel. Muli, agad na napalingon sa direksyon niyon ang lahat ng mga tao, kasama na sila ni Sofia.

Sunundan nilang lahat ng tingin ang babaeng sopistikada ang pananamit, itim na itim ang maalun-alon na buhok ay may maamong mukha. Diretso itong sumilip sa may ataol at doon muling humagulgol. At gaya sa mga eksena sa pelikula, mula sa kung saan, dinaluhan ito ng lalaking tatlong taon na niyang hindi nakikita, si Nick.

Maingat na kinabig ni Nick ang babae patungo sa dibdib nito na noon ay patuloy pa rin sa paghagulgol. Nang bahagya itong kumalma, pinukol siya ni Nick ng malahulugang tingin na bahagyang nagpatambol sa kanyang dibdib.

Maya-maya pa, iginiya na nito ang babae sa kabilang pew at doon patuloy na inalo. Iyon si Bianca Lopez, ang babeng matagal nang gusto ni Nick.

Nagsimulang magbulung-bulongan ang mga tao. Nagbuga na rin ng inis na hininga si Sofia. Hindi man nito isatanig, bakas sa mukha nito ang labis na inis.  Maya-maya pa hindi na ito nakatiis, tumayo na siya at naglakad patungo sa anak na patuloy pa rin sa pag-alo sa babaeng hindi naman nila kaano-ano.

Umiwas ng tingin si Diana. Pilit na ikinukubli ang hapdi sa kanyang dibdib na walang humpay sa pagtindi. Ni minsan sa loob ng tatlong taon, ni hindi siya nilapitan o hinawakan man lang ni Nick sa ganoong paraan. Ni hindi nga ito dumating sa libing ng kanyang ama at madrasta. Bagay na sadyang pinag-usapan ng mga tao sa mundong ginagalawan nilang dalawa.

Subalit ni hindi siya nagreklamo. Alam ni Diana na may kasalanan siya sa mga nangyari. Ayaw ni Nick na maikasal sa kanya. Subalit, nagpatianod siya sa pagdedesisyon ng mga matatanda sa pag-aakalang matututunan din siya nitong mahalin subalit…

“Hija, hindi ba’t ikaw ang asawa ni Niccolo?” anang isang matandang lalaki na abuhin na ang buhok.

Wala sa sariling napakurap ang dalaga. Ngumiti ang matanda at naglabas ng tarheta. “Isa sa mga araw na ito, naisi kitang makausap. Siguro, pagkatapos ng libing ni Don Arturo.”

Wala sa sariling niyuko ng dalaga ang tarhetang ibinigay ng matandang lalaki. Attorney Sta. Ana, iyon ang nakasulat sa tarheta. Alanganin niyang muling ibinalik sa matanda ang mga mata, sa isip ng dalaga’y kalituhan. Subalit bago man siya nakapagtanong, ngumiti na ang abogado at tuluyang lumayo.

Nagtiim-bagang naman si Nick nang masaksihan ang maiksing pag-uusap nina Atty. Sta. Ana at Diana. Kahit hindi niya tanungin, may hinala na siya kung tungkol saan ang pinag-usapan ng mga ito.

Hindi na siya nakatiis at nilapitan si Diana. “Mag-usap tayo sa may kitchen. Ngayon na,” aniya sa asawang halos dalawang taon na rin niyang hindi nakikita. Lalong tinakasan ng kulay ang mukha ni Diana. Hindi niya gusto ng away ngayon dahil bugbog na bugbog na ang kanyang puso sa sunod-sunod na trahedya na kanyang kinaharap. At base sa dalawang pagkakataon nag-usap sila ni Nick sa loog ng tatlong taon, they are not good at talking.

Subalit bakas aang determinasyon sa mukh ani Nick. Alam niyang kapag tumanggi siyang kausapin ito, baka lalo lang itong magalit. Napilitan na siyang tumango at tumayo, sinundin ito sa may kusina.

“Everyone leave,” sabi ni Nick sa mga kasamabahay na naroon at naghahanda ng merienda para sa mga bisita. Agad namang tumalima ang mga kasambahay. Ilang sandali pa naiwan na ang dalawa.

Halos mapugto ang hininga ni Diana nang bigyan siya ni Nick ng matalim na titig. Malayong-malayo iyon sa masuyong tingin na ibinigay ni Subalit mabilis na hinamig ng dalaga ang sarili. Ano bang dapat niyang asahan? Matagal nang nagkakagustuhan ang dalawa. Marahil ang mga ito ang nagkatuluyan kung hindi siya pumasok sa eksena.

Maya-maya pa, nagpakawala ito ng marahang hininga. “Kumusta ka, Diana? I heard about your father and stepmom. I-I’m sorry about your loss,” anito, pormal.

“S-Salamat pero sigurado akong hindi ‘yan ang dahilan kung bakit mo ‘ko gustong kausapin ngayon, Nick,” ani Diana.

Humugot ito ng marahas na hininga at naglakad palapit sa kanya. “Tama ka. Hindi kita pinatawag dito upang mangumusta. I’ll go straight to the point then. Anong sinabi sa ‘yo ni Atty. Sta. Ana?”

Kumurap si Diana, sa isip ay pagtataka dahil hindi nito inaasahang makikita ni Nick ang maiksing pag-uusap nila ng abogado gayong abala ito sa pag-aalo kay Bianca. “Gusto raw niya akong kausapin pagkatapos ang libing ng L-lo… ni Don Arturo.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick, pilit niyang binabasa ang mga emosyong dumaraaan sa mga mata ng asawang hindi niya lubos na kilala. Sa ibang babae, lalo na kay Bianca, madalas niyang mahulaan ang mga emosyon nit. Subalit pagdating kay Diana, ni hindi niya mahulaan kung anong iniisip o nararamdaman nito. That added to the intrigue and anger he has for the woman he married.

 “Sinabi ba sa ‘yo kung tungkol saan ang pag-uusapan ninyo?” ani Nick, maya-maya. Umiling si Diana. “Good. Ako na lang ang bahalang kumausap sa kanya,” sabi niya, hahakbang na sana palabas ng kitchen subalit muli siyang tinawag ng asawa.

“N-Nick…” umpisa nito. Napilitan siyang muli itong harapin. “K-kung tungkol ito sa mga pamana n-ni D-Don Arturo, gusto kong malaman mo na, I want nothing but one thing.”

Matabang na ngumiti si Nick, umigting ang panga. He knew she wanted money. Subalit kailangan niyang makatiyak. “So you did want something. What is it?”

“My freedom. Let’s have an annulment, Nick.”

Sasagot pa sana si Nick subalit sumungaw sa may pinto ng kitchen si Bianca. Sandali nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa na naroon. Bahagyang bumangon ang inis ng makitang nag-uusap ang dalawa nang masinsinan.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Bianca at nilapitan si Nick, ikinawit ang kamay sa braso ng lalaki. “Honey, I don’t think I can drive. Please, take me home.”

Makahulugang tumingin si Nick kay Diana bago tuluyang nagpatangay palayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status