“Pakihanda ang financial reports mula sa overseas branches natin, Vincent. I want everything on my table bago magtanghali,” ani Nick habang tumitipa sa kanyang laptop at nagre-reply sa kanyang emails.Alas nuebe pa lamang ng umaga subalit gusto na ng binatang matapos ang lahat ng kanyang trabaho bago mananghali. Pinangakuan niya kasi si Diana na manananghalian sila sa labas. Naisip niyang ni minsan hindi pa sila lumalabas na sila lang dalawa. It’s just another part of him building his friendship with his wife.Friendship.Gustong humalakhak ni Nick. Isang kalokohang matatawag na hanggang pagkakaibigan lang ang mayroon sila ni Diana. Sa nakalipas na isang linggo, halos hindi na sila mapaghiwalay ng asawa. Maaga itong gumigising sa umaga at pinagsisilbihan siya ng kanyang mga pangangailangan bago pumasok sa trabaho. Sa opisina naman, he’d send her text messages to ask how her day is going or just to keep him from wanting to rush home and be with her again. At the end of the day, he’d al
Lakad-takbo ang ginawa ni Diana nang nasa lobby na siya ng five star hotel kung saan sila manananghalian ni Nick. Nawili siya sa pagpipinta kanina at hindi namalayan na malapit na pala siyang ma-late sa lunchdate nila ng asawa.Date.Muling umalon ang kilig sa dibdib ng dalaga nang maisip na magde-date sila ni Nick. Sa katunayan, hindi naman talaga ‘yon date kung tutuusin dahil ang sabi lang ni Nick sa kanya, may pag-uusapan sila. Hindi naman kasi sila maayos na nakakapag-usap sa kanilang bahay dahil kapag umuuwi ito, ibang bagay naman ang agad nilang inaatupag na mag-asawa.Nag-init bigla ang pisngi ng dalaga nang maalala ang mga gabing nagdaan sa piling ni Nick. They never missed a night making love. Alam niyang ang layunin lang ni Nick ay ang magkaroon sila ng anak, anak na siyang magiging susi upang makuha ang kabuuan ng mana nito. Subalit hindi mapigilan ni Diana ang umasa, umasa na baka sa malao’t madali’y matutunan din siyang mahalin ni Nick. Ramdam niya sa bawat halik at hap
“You’re late,” inis na sabi ni Bianca sa kararating lamang na lalaki na pinaghintay siya nang mahigit isang oras sa bar kung saan sila unang nagkita.Ngumisi ang lalaki, pinabukol ang dila sa pisngi. “Why do I sense posssiveness in your voice? Can’t wait to get laid, kitten?” aroganteng sabi nito, inagaw pa ang baso ng alak na nasa harapan ng dalaga at diretso iyong ininom nang hindi nagpapaalam. Rumolyo ang mga mata ni Bianca, hindi pa man, nakukunsumisyon na siya kay Brent De Asis. She was reluctant to include him in his plan. Subalit alam niya, there’s no other perfect man to do the job she had in mind but him. Besides, he is easily manipulated. May hawak siyang alas laban dito. Bastarda lang siya ng isang former general subalit hindi ibig sabihin no’n, wala siyang access sa koneksiyon ng kanyang ama.Oh she has connections. Lots of them. Some are even willing to work just to have one night with her in exchange.“Do not flatter yourself, Brent. I didn’t call you to get laid,” dir
"Mabuti naman at magaling ka na, Diana. Aba'y halos hindi ako nakatulog kagabi nang ibalita sa akin ni Madam Sofia na nagkasakit ka nga raw," ani Yaya Beth nang bumisita si Diana sa mansiyon ng mga Gutierrez. Nagpaalam si Diana kay Nick na dadalaw sa mansiyon ngayon upang kumustahin na rin ang kanyang biyenan upang hindi na ito mag-alala sa kanyang kalagayan. Huli na kasi nitong nalaman ang pagkakaospital niya. Hindi nagsabi ang asawa kay Sofia tungkol sa kanyang kondisyon. Kahit na ang mga katulong na tinatawag ni Nick sa bahay nila araw-araw ay wala ring alam. Saka na lang nalaman ni Sofia na isinugod siya ni Nick sa ospital nang maikwento iyon mismo ng hospital director sa biyenan, na family friend pala ng mga Gutierrez.Tumawag si Sofia sa kay Nick kahit dis oras na ng gabi kagabi at kinagalitan ang anak nito. And to appease his mother, hinayaan siya ni Nick na bumisita ngayon sa mansiyon upang matigil na sa pag-aala ni Sofia.Ngumiti si Diana, hinawakan ang kamay ng matandang ka
Nangunot-noo si Nick, hindi maintindihan ang sinasabi ni Bianca.“W-what?” halos pabulong na sabi ng binata.Inilabas ni Bianca ang isang envelope sa kanyang bag at inabot kay Nick. “Nitong nakalipas na mga araw, nagpapadala si Diana sa bahay ko ng mga sulat containing threats na kapag hindi ko raw pinutol ang ugnayan nating dalawa, she will not just drown me on the pool but she will make sure that she will make me bleed this time. Go ahead, read it. Basahin mo kung anong klaseng utak mayroon ang napangasawa mo, Nick.”Bumaba ang tingin ni Nick sa envelope at isa-isang inilabas ang laman niyon. May tatlong sulat doon, all single-paged. Iisa lang ang mensahe, gaya ng sinumbong ni Bianca. At ang nakakapanlumo, sa lahat ng mga sulat na ‘yon ay naroon ang pirma ni Diana as the sender. Pamilyar siya sa pirma ng asawa noon pa dahil maski noong nagpapadala ito ng mga love letters sa kanya noong nasa highschool pa sila, ganoon na ang pirma nito.But why? Bakit kailangan pang gawin iyon ni Dia
“Nick, tamang-tama ang dating mo, hijo,” ani Sofia nang makita ang anak mula sa portico ng mansiyon. Kakababa lang nito sa sasakyan at papasok na sa front door nang sumakto ang pagbabalik nila ni Diana mula sa garden. “Dinner will be ready in a few minutes. Mabuti at nahabol mo,” sabi pa ng ginang, magaang niyakap ang anak nang humalik ito sa kanyang pisngi.“I promised that I’ll have dinner here, haven’t I?” ani Nick, ngumiti bago lumipad ang tingin kay Diana na nasa likod lang ng ina.Agad na nawala ang ngiti ni Nick nang magtama ang mata nila ng asawa. She looked so innocent and giddy looking at him. Hindi niya lubos maisip na magagawa nitong pagbantaan si Bianca nang gano’n kabigat. Which makes him recall that incident in the university pool many years ago, nang itulak ni Diana si Bianca sa pool dahil lang ulit sa pag-aakalang nililigawan niya si Bianca.If Diana is capable of doing that before and threatening Bianca now, what more could she do if things won’t go her way? Daratin
Pasulyap-sulyap si Diana sa pang-umagang langit habang nilalapatan niya ng kulay ang canvass na nasa kanyang harapan. Madaling-araw pa lamanag subalit gising na ang dalaga. Hindi rin naman siya gaanong nakatulog nang nagdaang gabi kaya pinasya na lamang niyang gumising ng maaga at ituloy ang kanyang obra.Malapit na niyang matapos iyon, well the half of it. May gusto kasi siyang subukan na concept at ‘yon ang ginagawa niya ngayon sa kanyang project. At isa na roon ang paggaya sa tamang kulay ng kalangitan bago pumutok ang araw sa umaga.Tumigil si Diana sa pagpipinta, sandaling sinipat ang kanyang obra. Napangiti ang dalaga nang makitang nakuha niya nang husto ang kulay ng kalangitan. Subalit hindi buo ang kanyang kaligayahan. Nag-aalala pa rin siya dahil sa hindi pagkibo sa kanya ni Nick kagabi. Nag-aalala siya baka tuluyang magbago ulit ang pakikitungo ng asawa sa kanya dahil lang sa pagpapadala niya ng calligraphy letters sa kanyang mga kakilala.Buong magdamag nang hindi nakatulog
“H’wag kang mag-alala, Diana. Mabait ang doktor na pupuntahan natin para macheck-up ka. She is the dauighter of the hospital director where you were admitted the last time. She also graduated top of her class and was trained both here and abroad. She is an A-List doctor if there’s such a thing,” ani Sofia habang patungo sila sa ospital ni Diana. Magkatabi sila nito sa backseat ng sasakyan. Ito mismo ang sumundo sa manugang upang samahang magpunta sa ospital. Sa puntong iyon kasi, kailangan niyang masiguro na magkakaroon nga ang anak sina Nick at Diana. Ayaw niyang isipin subalit kailangan niyang siguruhin na mapupunta ang kabuuan ng BGC kay Nick at hindi sa kung sino-sino lang.“Mama,” untag ni Diana sa biyenan na tila hulog sa malalim na pag-iisip. Kumarap si Sofia, alanganing bumaling sa dalaga. “Ayos lang po kayo? Medyo namumutla po kayo,” dugtong pa niya.Pilit na ngumit si Sofia, hinawakan ang pisngi nito. “A-ayos lang ako, hija. I just woke up a little early that’s all," pagdad