Share

Chapter 4: Mga Lihim

CHAPTER 4: Mga Lihim

“Honey, are you listening to me?” ani Bianca kay Nick nang mapansing tahimik ito. Nasa tapat na siya ng kanyang apartment subalit hindi pa rin siya bumababa sa sasakyan ng lalaki dahil napansin niyang tila tulala ito habang nasa manibela. Marahan niyang hinaplos ang braso nito nang hindi pa rin ito sumagot. “Nick, are you okay?”

Kumurap si Nick, bumaling kay Bianca. “Y-you’re saying?” Hindi alam ng lalaki kung bakit tila siya nabibigla sa sinabi ni Diana kanina sa kanya. He had always thought that she’s after the money—his money. At hindi nito makukuha iyon kung makikipaghiwalay ito sa kanya unless magkusa siyang magbigay ng pera dito.

‘Well, she has her monthly allowance that you never fail to give. Baka sapat na iyon sa kanya,’ naisip niya. Subalit hindi niya pa rin maintindihan, she wanted annulment even with the provision from his grandfather’ will.

Gumaganti ba ito sa kanya?

Damn!

Lalong umigting ang kanyang panga.

“Oh my poor honey, I know how you loved your Lolo so much. That’s why I’m here, I want to join you in your grieving and comfort you too. Don’t worry, magiging maayos din ang lahat,” si Bianca, sinubukan pa siyang halikan sa labi subalit umiwas siya na siyang nagpangyari upang malukot ang magandang mukhang dalaga.

“You’re hurting me, Nick. Hindi ka naman dating ganito. My presence used to cheer you. Dahil ba nasa malapit lang ang asawa mo?” diretsong tanong nito. “I wonder what you two were talking about na kailangan niyo  pang magsarilinan sa kitchen.”

Humigpit na ang kapit ni Nick sa manibela. Masyado siyang maraming iniisip ngayon at ayaw niyang patulan ang pagta-tantrums ni Bianca.

“You’ve said it yourself, I’m grieving, Bianca.  I don’t have time for other things,” malamig na tugon ng binata.

“But Nick, it’s me. I’m not other things,” sabi ni Bianca, hindi makapaniwala sa ibinigay na rason ni Nick. Sa isip niya’y gustong tuklasin kung bakit biglang nagbabago si Nick sa pakikitungo sa kanya matapos nitong kausapin si Diana.

Kumuyom ang mga kamay ng dalaga. Si Diana talaga ang panira sa kanyang mga plano kapag hindi niya naagapan. At hindi niya hahayaan iyong mangyari! Nagtagumpay na siyang alisin si Nick sa buhay ni Diana sa loob ng tatlong taon. Hindi niya papayagang magkalapit ang dalawa, ngayon pa na wala na si Don Arturo.

“Alright, we’re both tired. Ako sa biyahe ko mula sa Singapore at ikaw naman dahil sa burol ng lolo mo. I will expect your call tomorrow then. Goodnight, Nick,” ani Biana bago tuluyang bumaba sa sasakyan at pumasok sa apartment nito.

Naiwan si Nick na nasa malalim na pag-iisip. Maya-maya pa, tinawagan nito si Vincent. “I want you to check on someone.”

“Sir? Check? Did you mean background investigation?” sagot ng assistant sa kabilang linya.

“Yes.”

“Of course, Sir. Sino ang—“

“Diana. Diana Saavedra.”

---

Pagod na umupo sa swivel chair si Diana. Kakatapos lang niyang kausapin ang manager ng Prestige Bank. Sinusubukan niya kasing umutang para maisalba sa Saavedra Electronics kaya lang, gaya rin ng iba pang bangko na kinausap niya, hindi na raw siya maaring umutang dahil sa estado ng kanilang kumpaya na malapit nang ma-bankrupt.

Napabuga ng hininga si Diana at tuluyang ibinigay ang buong bigat sa upuan. Ilang linggo na rin niya iyong ginagawa, naghahabol at nakikiusap sa mga directors at managers ng bangko para sa kinakaharap niyang problemang pinansiyal subalit lahat ng mga ito ay tumatanggi. At ngayon nga, hindi niya alam kung ano na ang gagawin, idagdag pa na wala naman talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Isa siyang fine arts major, for crying out loud! Anong alam niya sa management strategies?

Subalit naroon na siya. At bilang panganay na anak ni Armando, responsibilidad niyang alagaan at proteksiyonan ang kanilang kumpanya sa lahat ng maisip niyang paraan.

Isa pa, inaalala niya ang kapatid. Napakabata pa nito at gaya niya ay nagdadalamhati rin. Kapag hindi niya nagawan ng paraan ang tungkol sa kanilang kumpanya, saan sila dalawang pupulutin?

‘Simple lang. Bumalik ka na lang ulit sa pagpipinta’, anang isang bahagi ng isip niya. Bahagya siyang natawa. May bibili naman kaya sa mga obra niya gayong taon na rin ang biniling nang huli siyang magpinta?

Ang pagtunog ng intercom ang nagpabalik ng kanyang huwisyo sa kasalukuyan. “Ma’am, nasa line po si Mr. Gutierrez, kakausapin niyo po ba?” tanong ni Ms. Jhema, ang sekretarya ng kanyang yumaong ama.

Nahigit ni Diana ang kanyang hininga. Mahigit isang linggo na rin mula nang huli silang magkita ni Nick sa libing ni Don Arturo. Subalit wala naman itong sinabi kung anuman sa kanya noon. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit panay ang tawag nito sa kanya nitong nakalipas na mga araw.

“Paki-decline na lang, Ms. Jhema. Pakisabi na lang na nasa meeting ako ngayon,” sabi niya sa sekretarya.

She’s too stressed out these days. Hindi muna niya gustong marinig ang kung anong sasabihin ni Nick. Dahil may ideya na siya kung bakit panay ang pagtawag-tawag nito. Tungkol iyon sa invitation niya to discuss their annulment na ipinadaan niya mismo sa kanyang abogado. Ipinaayos niya iyon agad kay Atty. Fonacier matapos ang libing ni Don Arturo.  Malinaw sa sulat na pinadala ni Atty. Fonacier na sa abogado niya gustong ipadaan ang lahat ng proseso ng kanilang paghihiwalay. Kaya siya nagtataka kung bakit panay pa rin ang tawag nito sa kanya sa nakalipas na mga araw.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga bago kinuha ang maliit na blue stuffed toy sa kanyang drawer. Unang kita pa lang niya roon nang mapadaan siya sa mall ay naisip na niya agad ang pagbibigyan. Mabilis niya iyong inilagay sa kanyang bag at tuluyang umalis ng opisina.

Nag-drive siya sa lugar na kanyang pinupuntahan minsan sa isang linggo nitong nakalipas na mga taon, saksi sa isang lihim na siya lang ang nakakaalam. Ni sina Armando at Eileen, hindi alam ang lihim niyang iyon.

Pumasok siya sa pribadong columbarium at tumigil sa tapat ng marmol na urn na napapalibutan ng iba’t-ibang laruan na kulay blue. Sa harap niyon ay may picture ng sonogram. Maingat na inilagay ni Diana ang dala niyang stuffed toy sa tabi ng urn at wala sa sariling hinaplos ang nakaukit na pangalan sa urn—Niccolo Alessandro Saavedra-Gutierrez Jr.

Nang humagulgol si Diana, tuluyan na siyang dinala ng kanyang mga alaala sa nakaraan kung saan nag-umpisa ang lahat. Ang lahat-lahat.

---

“Columbarium? Anong ginagawa niya d’yan? Visiting her parents?” inis na tanong ni Nick nang itawag sa kanya ni Vincent na lumabas ng opisina nito si Diana at dumiretso sa isang pribadong columbarium. Pinasundan na siya sa assistant ang asawa dahil hindi nito sinasagot ang tawag niya.

“Hindi ko sigurado, Sir. Sa musoleo ng mga Saavedra nakalibing ang mga magulang ni Ma’am Diana pati na rin ang stepmother niya.”

Napabuntong-hininga si Nick, napapisil sa pagitan ng mga mata. Masyado siyang maraming iniisip ngayon dumagdag pa ang pagmamatigas ni Diana na kausapin siya. If not only for that added provision, hindi siya maghahabol ng gano’n kay Diana.

“Umalis ka na d’yan, Vincent. Try to call her personal number for me. I need to talk to her ASAP.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status