Share

Chapter 5: Bigyan Mo 'Ko Ng Anak

“Ate, kapag wala na ‘tong bahay, saan tayo titira?” inosenteng tanong ni Enrico kay Diana habang kumakain silang dalawa sa malawak na dining table.

Natigilan ang dalaga sa tanong ng kapatid. “Saan mo nakuha ang balitang ‘yan?”

Sinusubukan niyang ilihim sa kapatid ang lahat ng pinagdaraanan ng kanilang kumpanya at ang tunay estado ng kanilang kaperahan. Bata pa ito at walang muwang. Para kay Diana, tama nang ang pagdadalamhati kay Armando at Eileen ang isipin ng kapatid at hindi ang ano pa mang bagay.

Kumurap si Enrico, maingat na binitiwan ang mga kubyertos at nahihiyang tumingin sa kapatid. “N-narinig ko sa mga k-katulong sa kabilang bahay, Ate. Sabi nila malapit mo na raw ibenta itong bahay kasi mahirap na tayo. Sa school, may nagtanong din sa akin kung mahirap na raw tayo kasi ‘yon daw ang sabi ng Mama at Papa nila. Totoo ba ‘yon, Ate? Mahirap na ba tayo?”

Agad na humapdi ang dibdib ni Diana sa tanong ng kapatid. Wala sa sariling inabot ang kamay ni Enrico. “M-May mga problema lang tayo ngayon, Echo. Pero ginagawan naman ng paraan ni Ate. Kaya h’wag ka nang mag-alala. Maaayos din ‘yon,” pagsisinungaling niya. Gusto niyang sabihin ang totoo. Kaya lang, hindi niya kaya. She loved her brother so much na handa siyang saluhin ang lahat ng paghihirap para dito. “Sige na, kumain ka na. Sa Linggo, bibisita ulit tayo kina Daddy at Mommy Eileen.”

Ngumiti si Enrico at ipinagpatuloy ang pagkain. Lalo namang bumigat ang dibdib ni Diana. Sa isip niya’y umusal ng lihim na panalangin na sana, magawan niya ng paraan ang lahat ng problemang kinakaharap sa kasalukuyan.

---

Panay ang paglalakad ng paroo’t parito ni Nick sa loob ng kanyang opisina habang hinihintay ang tawag ni Vincent. Inutusan niya itong sadyain mismo sa opisina nito si Diana dahil ayaw pa ring tanggapin ng asawa ang mga tawag niya.

He used to be cool with it but the pressure has been pushing him closer to edge. Ilang araw na lang, board meeting na ng BGC. Kailangang maayos na niya ang tungkol sa kanila ni Diana bago pa man ang meeting na ‘yon. He must assert his power as the heir of BGC before the added provision on his grandfather’s will leaks out.

Kumuyom ang kanyang mga kamay nang maalala ang mga iyon. Ayon sa probisyon, maari lang mapasakanya ang kabuuang shares ng BGC at lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya kung mananatili siyang kasal kay Diana at magkakaroon sila ng anak sa loob ng isang taon matapos pumanaw ni Arturo. If he fails, he will lose control of BGC at ang matitira na lang ay ang thirty percent ng shares na paghahatian pa nila ng kanyang ina. 

Muling umigting ang panga ni Nick. Kung bakit iyon ginawa ng kanyang abuelo, hindi na niya marahil malalaman. Gusto niyang isipin na baka kagagawan iyon ni Diana dahil noon pa man ay malapit na ito sa kanyang abuelo. Madalas maimbitahan ang mga Saavedra sa kanila noong nabubuhay pa ang kanyang lolo at lola. And his grandparents were particularly fond of Diana because according to them, ‘she is such a doll.’

Hindi nagbago ang pakikitungo ng kanyang pamilya sa mga Saavedra kahit nang yumao ang kanyang abuela. Nang tumuntong siya ng highschool at nalaman ng kanyang abuelo na sa iisang school sila nag-aaral ni Diana, the old man spent every minute to throw them at each other. Na lalo pang tumindi nang magpadala mismo si Diana sa kanilang bahay ng isang love letter confessing her love for him.

That angered him more! Why, she’s not his type! Isa pa, sa edad na sixteen, Diana has already a lot of men in her life. Kalat na kalat iyon sa buong campus, men gossiping about their ‘escapades’ with the sweet and innocent looking Diana Saavedra.

‘But you were her first,’ paalala ng kanyang isip. ‘Yon din ang kanyang ipinagtataka. Subalit ayaw na niyang isipin pa iyon. She could’ve faked the bleeding or she could have had surgery just to make him believe that she was a virgin when they first had sex. Alam niyang kaya nitong gawin ‘yon.

Why? Nagawa nga nitong itulak si Bianca sa pool noong college nang pumutok ang balita na nililigawan niya si Bianca. Bianca could’ve drowned. Mabuti at nailigtas ng janitor na nasa poolside.

Diana Saavedra is one wicked woman. She will go through such lengths just to have him.  At nagawa nga nitong itali ang sarili sa kanya nang walang kahirap-hirap. Sinamantala nito ang kanyang kalasingan tatlong taon na ang nakararaan upang maisakatuparan ang matagal na nitong nais—ang maging asawa niya.

‘I want nothing but one thing. My freedom. Let’s have an annulment, Nick.’

Lalong kumuyom ang kanyang mga kamay ng maalala ang sinabi nito. Parte pa ba iyon ng pagpapanggap nito? O gumaganti kaya ito sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwan dito tatlong taon na ang nakararaan? Hindi malayong alam nito ang tungkol sa probisyon. Heck! Baka nga ito pa ang nagsabi sa lolo niya na idagdag ‘yon sa last will and testament ng abuelo.

“Damn you, Diana!” anas niya dahil sa naisip.

Maya-maya pa, tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya iyong pinulot iyon sa kanyang table upang madismaya lang nang makitang si Bianca ang tumatawag sa kanya at hindi si Vincent. Wala siyang panahong aluin ngayon si Bianca. Hindi ‘yon ang priority niya.

Nang i-decline niya ang call ni Bianca, agad na pumasok ang tawag ni Vincent.

“Vincent?”

“S-Sir, may situation po dito sa Saavedra Electronics. Hindi ko pa po nakakusap si Ma’am Diana.”

“Sige, I’m on my way,” ani Nick, mabilis na lumabas sa kanyang opisina at pinasibad ang kotse patungo sa Saavedra Electronics. Pagdating doon, nadatnan niya ang maliit na rally sa labas ng building.

‘What’s happening?” tanong niya agad kay Vincent nang makalabs siya ng sasakyan.

“Nalaman ng mga tauhan na magsasara na ang kumpanya, Sir.”

Sumulyap siya mga nagra-rally, isang ideya ang nabuo sa kanyang isip. Inilabas niya ang kanyang tarheta. “Ibigay mo sa lider ng raliyista. Kausapin mo sila, tell them you’re my representative, Vincent. Sabihin mong simula ngayon, anumang problema ng Saavedra Electronics, tayo na ang aayos.”

Napanganga si Vincent sa sinabi ng amo. “S-sir?”

“You heard me. Alam kong kaya mong ayusin ‘to,” ani Nick sa assistant. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang binata, diretso itong pumasok sa building at nagpakilala. Ilang sandali pa, nasa pinto na siya ng opisina ni Diana.

Nanginginig na nag-angat ng tingin si Diana nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Napasinghap pa siya nang mabungaran si Nick doon at hindi ang mga tauhan niyang galit dahil magsasara na ang kanilang kumpanya.

“N-Nick…” alanganin niyang tawag sa asawang kinamumuhian siya.

“You don’t have to worry anymore. Nagpadala na ko ng kakausap sa mga nagpo-protesta. From now on, BGC will help you sort your problems, Diana,” anito, pormal.

Kumurap si Diana, iniisip ang dahilan nito sa pagtulong sa kanya. “S-salamat pero, a-anong kapalit?”

Tumikhim si Nick, umigting ang panga, lalong pumormal. “Bigyan mo ‘ko ng anak.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status