“W-what?” halos pabulong na sabi ni Diana, nanlalaki ang mga mata, hindi maintindihan ang sinasabi ni Nick.
Sanay ang dalaga na laging nakasinghal si Nick sa kanya. Ilang beses niyang ipinagdasal noon na kahit man lang sana maging maayos ang pakikitungo nito sa kanya kahit hindi na siya nito mahalin dahil alam niyang imposible iyong mangyari. Subalit ngayon, na masyado itong pormal at seryoso sa pakikipag-usap, bakit tila hindi pa rin niya maintindihan ang asawa.
“I know you heard me, Diana,” ani Nick, namulsa at humakbang palapit sa naguguluhan pa ring asawa.
Lihim na ipinilig ni Diana ang kanyang ulo, mabilis na inayos ang huwisyo. “Hindi kita maintidihan, Nick. N-noong huling pag-uusap natin ay sinabi ko sa ‘yo ang gusto kong mangyari. I want an annulment. I still want it. Alam kong ‘yon din ang gusto mo. Pero bakit ngayon—“ Hindi na niya naituloy pa ang gustong sabihin, napasapo na lang siya sa kanyang ulo na bahagyang nanakit.
Nagsasalimbayan ang iba’t-ibang uri ng emosyon sa kanyang dibdib. Gusto niyang paniwalaan na marahil gusto na siyang makasama ni Nick bilang asawa. Subalit mas nangingibabaw ang kanyang lohika, imposible ang iniisip niya. Alam niya ang kanyang lugar sa buhay ni Nick noon pa man. Kung bakit nasasabi nito ang ganoon sa kanya ngayon, tiyak niyang may masa malalim na dahilan.
Napakislot pa siya nang mahinang nagmura si Nick. Nang ibalik niya ang tingin dito, naroon muli ang galit sa mga mata nito.
“I do not understand you. You of all people should know the reason behind this. Dahil d’yan ka magaling, sa pagpapaikot ng mga tao. Pero sige, you want to act all innocent, I will indulge you. Nag-iwan ng dalawang bagong probiso si Lolo sa last will and testament niya bago siya mamatay. A provision that involves you and me,” ani Nick, naroon pa rin ang pang-iinsulto sa tinig.
Napakurap si Diana, lalong naguluhan. “P-probiso?”
Sandali siyang tinitigan ni Nick bago ngumiti ng matabang. “Pinabago ni Lolo ang last will and testament niya two months before he died. Maari ko lang manahin ang lahat ng controlling shares ng aming pamilya sa BGC kung manatali tayong kasal sa isa’t-isa at magkaroon ng anak, Diana.”
Lalong pinanlakihan ng mata si Diana, malakas na suminghap na lalo lamang ikinainis ni Nick. “You can act innocent all you want but I’m not buying it. I know you have a hand on this… this damn mess!” nagtatagis ang mga bagang na sabi ng binata.
“N-Nick, all I ever want to annul our marriage. Wala akong alam sa—“ Hindi na naituloy pa ni Diana ang nais sabihin nang tuluyang tawirin ni Nick ang kanilang pagitan at marahs na hinaklit ang kanyang braso. Lalong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga sa paglalapit nilang iyon.
“What game are you playing, Diana? Do you want me to beg? Ano, gumaganti ka sa ‘kin? Is this how you planned it all along, to make sure that you have me wrapped around your fingers? Well, fck you, Diana Saavedra! It will be a cold day in hell bago pa man ako magmakaawa sa ‘yo tungkol sa kahit na anong bagay,” ani Nick, nag-aapoy sa galit ang mga mata. “You started this game, and by god I will make sure I’d finish it,” dugtong pa nito sa nagtatagis na mga bagang bago siya marahas na binitiwan.
Wala sa sariling napaatras si Diana dahil sa matinding poot na nakita niya sa mga mata ni Nick. It was like from that day from three years ago again. Ang araw na tuluyang bumago sa buhay nilang dalawa. Subalit kung noon basta na lang siya nagpatianod sa gusto nang mga matatanda, alam niyang hindi na dapat mangyari iyon ngayon. Tatlong taon na siyang nagdusa para sa kanyang pag-ibig na ni minsan ay hindi man lang nito nagawang suklian.
“N-Nick, maniwala ka, wala akong alam sa probiso ni Don Arturo. Wala na akong ibang gusto kundi itama ang mga pagkakamali ng nakaraan at—“
“Stop, lying!” marahas na putol ni Nick sa kanya, mahigpit na ikinuyom ang mga kamay. Gusto niyang saktan ang sinungaling na babae sa kanyang harapan na siyang puno’t dulo ng lahat ng ‘di nila pagkakaunawaan ng namayapang abuelo. Subalit namayani ang katinuan ng isip, tumuwid ng tayo, pumormal. “I have an offer to make, Diana Saavedra. Pumayag ka sa hiling ko at paglalahuin ko ang lahat ng mga problemang kinahakarap mo ngayon.”
Napakurap si Diana, alam niyang kayang-kaya gawin ni Nick ang sinasabi nito. Subalit… “Hindi ako maaring pumayag sa hiling mo, Nick. Ayokong madamay ang magiging a-anak natin sa gulo sa ating pagitan at—“
“Well too late for that. Inaayos na ng assistant kong si Vincent ang gulo ng mga empleyado mo sa ibaba. Pinangakuan ko sila na mula ngayon, katuwang na ng Saavedra Electronics ang BGC,” putol ni Nick sa kanya.
Naguguluhang humakbang si Diana patungo sa may glass wall, tinanaw doon ang entrance ng building na kanina lang ay puno ng mga empleyadong nagrereklamo at handa siyang sugurin. Tunay nga, wala nang nagra-rally doon, naayos na ni Nick.
Umangat ang sulok ng bibig ni Nick nang muli niyang ibaling ang tingin dito. “You have no choice but to sa yes to my offer, Diana. O baka gusto mong bumalik ulit ang mga nagra-rally sa ibaba? Magsabi ka lang. Sigurado akong susugurin ka ng mga empleyado mo sa oras na umalis ako.
Makailang ulit na humugot ng hininga si Diana, ayaw niyang magalit kay Nick o sa sitwasyon subalit iyon ang nararamdaman niya. Paanong maitatali na naman siya kay Nick gayong alam na niya kung gaano kamiserable ang buhay sa piling nito?
Subalit isa siyang Saavedra. Nakaatang sa kanyang balikat ang responsibilidad upang isalba ang naghihingalong kumpanya ng namayapang ama. Pakiramdam niyang nasa gitna siya ng dalawang nag-uumpugang mga bato. Na kahit na anong piliin niya’y sa huli, siya ang talo.
“B-bigyan mo ng panahon para mag-isip, Nick,” lakas loob na sabi ni Diana maya-maya.
Sandali siyang pinakatitigan ni Nick bago, “Very well, I’ll give you 48 hours to think about it. H’wag kang mag-alala, this will be just like any business deals. Magkakaroon tayo ng kontrata. All will be fair,” anito, naglakad patungo sa pinto. Muli itong bumaling sa kanya bago pinihit ang seradura. “Inaasahan ko ang sagot mo, Diana. And I hope you’d make the right choice.” Iyon lang bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina.
“Ano? Pakiulit nga!” malakas ang boses na sabi ni Ella Apostol, ang dating kaklase at matalik na kaibigan ni Diana. Binisita ng huli ang kaibigan dahil naguguluhan na siya sa sitwasyong kanyang kinakaharap. Kasasabi lang niya rito ang tungkol sa usapan nila ni Nick nang magpunta ito sa opisina niya kanina.“Ella…”Rumolyo ang mga mata ni Ella. “Don’t Ella me this time, Diana. Sa tono mo parang kinokonsidera mo ang offer ni Nick. Matapos ka niyang iwan at saktan, naniniwala ka pa ba sa lalaking ‘yon? Sa dinami-rami ng mga ginawa niya sa ‘yo, dapat lang na magdusa rin siya!”Napabuntong-hininga si Diana, nahihiyang ibinaling sa iba ang tingin. Ramdam na ramdam niya ang galit sa tinig ng kaibigan. Bakit hindi, alam nito ang lahat ng paghihirap niya sa nakalipas na tatlong taon habang kasal siya kay Nick. Well, most of it. May isang lihim pa siyang hindi nasasabi rito. At sigurado siya, kapag nalaman nito ‘yon, hihilahin siya nito at itatago kung saan, h’wag lang siyang makisama ulit kay N
“Gutierrez?” anang estranghero kay Nick. “I didn’t know we’d meet here,” dugtong pa nito. “And I didn’t know you’d hit on married women too, Dimarco,” matabang na sagot ni Nick sa lalaki. Bahagyang natilihan si Diana sa itinawag ni Nick sa lalaki. Kusang naalala ng isip na kaya pala pamilyar sa kanya ang estranghero dahil ito si Ardian Dimarco ang half-Italian half-Filipino na isa sa mga kilalang investor sa iba’t-ibang negosyo sa buong mundo. Nakita niya sa mga lumang dokumento sa opisina ng Daddy niya na sinubukan ng namayapang ama na kunin itong investor sa kanilang kumpanya subalit tumanggi ito. Kung sana'y pumayag lang ito noon na mag-invest sa Saavedra Electronics, siguradong wala siya sa sitwasyong kanyang kinakaharap ngayon.Alanganing pinaglipat-lipat ni Diana ang tingin sa dalawang lalaki. Matalas ang tinginan ng dalawa. Kahit na hindi niya tanungin, ramdam niya ang pagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga ito. Dahil ba iyon sa kanya? Imposible! Ngayon lang sila nagkita
"Ginabi ka yata, Diana," ani Yaya Beth sa dalaga, nang pagbuksan niya ito ng pinto sa mansiyon ng mga Saavedra. Tinanaw pa nito ang papalayong taxi sa labas ng mansiyon, kunot-noong sinundan ng tingin ang alaga, sa dibdib ay ang matinding pag-aalala. Na hindi naman nito maiwasang maramdaman dahil dati itong yaya ni Diana at ngayon nga ay ang kaisa-isang katulong na naiwan sa mansiyon nang mapilitang magbawas ng tauhan ang dalaga dahil sa malaking pinansiyal na suliraning kinakaharap nito. "May pinuntahan lang po kami ni Ella, Yaya," sagot ni Diana, nagdire-diretso sa pagpanhik sa hagdan. "Nag-taxi ka ba, anak? Sana ay tinawagan mo lang ako na magpapasundo ka. Maari ko namang gisingin si Alonzo at--" Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin ng matanda nang pumihit paharap dito si Diana at bahagyang ngumiti. "Don't worry, Yaya. Maayos naman po akong nakauwi," anito akmang muling aakyatng hagdan. "Sandali, kumain ka na ba? Teka iinit ko 'yong pagkain kanina at--" "H'wag na po, Yaya. Kuma
“Echo, ano sa tingin mo kung lumipat tayo ng bahay? ‘Yong mas maliit at ‘yong kasya lang tayong apat nina Yaya Beth at Alonzo. Pero may kwarto ka pa rin. ‘Yong toy collection mo, dadalhin din natin. Tapos pipiliin nating bagong bahay, ‘yong may access pa rin sa pool at malapit din sa school mo at saka sa work ko. Ano sa tingin mo?” alanganing tanong ni Diana sa kapatid habang kumakain sila ng hapunan. Silang dalawa lang ulit sa mahabang dining table. Natigilan si Enrico, marahang tumingin sa nakatatandang kapatid. “A-Ate, ibebenta na talaga natin itong bahay?” malungkot na tanong nito, unti-unti binitiwan ang mga kubyertos na hawak. Bumigat naman ang dibdib ni Diana. Nakukunsensya siya. Alam niyang nangako siya sa kapatid na hindi sila aalis sa bahay na iyon kung saan sila lumaki at namulat. Ang bahay na saksi sa masasayang araw ng kanilang pamilya. Subalit, nagdesisyon na siya. Mas mabuti pa na ang mansiyon na lamang na ibenta niya ang mansiyon kaysa tuluyang matali kay Nick at sa
Nangingig si Diana habang nakaupo siya sa likod ng ambulansiya na kasama ng mga bumbero na rumesponde sa sunog sa kanilang bahay. Nang dumating ang ambulansiya at bumbero ay agad siyang tinignan ng mga medic. May kaunting siyang galos sa braso. Subalit maliban doon, maayos siya sampu ng mga kasama niya sa bahay na maayos nasa maayos ding kalagayan. Mabuti na lamang at nakalabas sila ng bahay bago pa man tuluyang lumaki ang apoy. Maingay ang paligid dahil sa pagpaparoo't parito ng mga tao na tumutulong sa pag-apula ng apoy, panay rin ang mahinang pagsigok ni Enrico sa kanyang tabi, sabay-sabay rin ang pag-uusap ng mga tao sa paligid. Subalit tila walang naririnig si Diana habang pinagmamasdan ang apoy na sige pa rin sa pagtupok sa kanilang bahay. Ang bahay na siyang solusyon sana sa kanyang mga problema sa kanilang kumpanya. Ang bahay na maaring magbigay ng panibagong buhay sa kanilang dalawang magkapatid. Ang tanging solusyon na kanyang naiisip upang matakasan ang patuloy na kalupita
"Hello, Vincent. May resulta na ba ang initial investigation ng mga bumbero tungkol sa naganap na sunog?" tanong ni Nick sa assistant, humugot ng malalim na hininga bago tinanaw sa may veranda ang bukang-liwayway. Pasado alas singko na ng madaling-araw subalit mula nang makauwi sila sa mansiyon kasama sina Diana ilang oras na ang nakararaan ay hindi na siya muling nakatulog pa. It's the adrenaline, naisip niya."Sir, kanina pa po nag-declare ng fire out ang mga bumbero. Nasa loob pa sila ngayon ng mansiyon ng mga Saavedra at nag-iimbestiga," sagot ni Vincent.Napapisil sa pagitan ng kanyang mga mata si Nick. "Sige, balitaan mo 'ko kaagad kapag may resulta na. Also, h'wag ka nang pumasok sa opisina ngayon. Ako na lang bahala sa sarili ko," sabi niya bago tuluyan pinutol ang tawag.At dahil hindi lang din siya makatulog, pinasya na lamang niyang magtungo sa gym room. His father was a heath buff. Ito ang nagpalagay ng gym sa mansiyon. At sa murang edad, tinuruan na siya nito ng kahalagah
Sandaling natahimik si Nick sa isinagot ni Diana. Ayaw niya sanang isipin dahil hindi naman siya ang uri ng tao na nagsasaya sa kamalasan ng iba, subalit naniniwala siyang naging pabor sa kanya ang nangyaring sunog. Ang inaasahan ng binata ay magmamatigas pa rin ang asawa at kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan upang mapahinuhod niya ito sa kanyang plano. Subalit dahil alam na niya ang estado ng kumpanya ng mga Saavedra, wala nang iba pang pagpipilian si Diana kundi pumayag sa gusto niya. At ngayong napapayag na nga niya ito, hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama. Para siyang nabunutan ng tinik. Finally, his problem with his inheritance is fixed. Tumikhim siya. “I know you’d make the right choice, Diana. You don’t have to worry about your company anymore, I will keep my end of the bargain. I give you my word,” pahayag niya. Hindi agad sumagot si Diana, sandali siyang pinagmasdan. “I know you would,” anito pagkatapos, pabulong, bakas ang lungkot sa tinig. Hindi mapani
“Ano? Bakit ka pumayag? Nahihibang ka na ba talaga, Diana?” mataas ang boses na tanong ni Ella sa kaibigan, marahas na nagbuga ng hininga. Dinig na dinig iyon ni Diana na siyang kausap nito sa cellphoneNang pumutok ang balita na nasunog ang mansiyon ng mga Saavedra, abot-langit ang pag-aalala ni Ella kay Diana. Sinubukan niyang tawagan ang kaibigan subalit naka-off ang cellphone nito buong maghapon. Ni hindi niya alam kung saan at paano ito mako-kontak. Tapos ngayon tatawag ito sa kanya at sasabihing, tinanggap na nito ang alok ni Nick. Magkahalong gulat at inis ang mararamdaman niya. Why, Nick Gutierrez is the devil personified himself!“Ella, wala lang talaga akong mapagpipilian,” sagot ni Diana sa kaibigan. Nauunawaan niya ang pagtutol nito sa kanyang desisyon. Alam na alam nito ang mga pinagdaanan niya kay Nick.“Anong walang pagpipilian? Sabi ko naman kasi sa ‘yo, bumalik ka na sa pagpipinta. That’s your passion. That is where you thrive! Hindi sa apat na sulok ng opisina ng D