Catharyn's POV
"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Shiena dahilan para mapalingon ako sa 'kanya.
Tumingin muna ako rito bago nagsalita. "Punta lang ako sa restroom," pagsisinungaling ko.
Tumango naman ito senyales na maaari na akong pumunta sa restroom. Habang nglalakad ako palabas sa meeting place ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Dali dali kong pinunasan ang mga ito at dumiretso na sa restroom.
"Okay, Catharyn. Relax," turan ko nang makarating ako sa tapat ng salamin pagkatapos ay huminga ng malalim.
"Si Xannon lang 'yon at wala ng iba," muling sabi ko sa harap ng salamin.
Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang lumabas subalit muli akong bumalik at naghugas ng kamay.
Pagkalabas ko ng restroom ay gulat akong napaatras nang makita ko si Xannon sa gilid ng pinto.
"How are you?" tanong nito.
Hindi ko siya magawang tignan sa 'kanyang mga mata dahil isa ang mga matang 'yon kung bakit ako nahulog sa 'kanya.
"A-ayos lang," utal na sagot ko dahilan para matawa ito.
"May sasabihin ka pa ba?" kunot noong tanong ko habang ang aking paningin ay nasa kabilang pinto.
"Kamusta ka na?" tanong nito.
Huminga ako ng malalim at akmang magsasalita na sana kaso natutop ko ang aking bibig. Gusto kong sabihin na hindi ako kailanman naging mabuti buhat nang umalis ako sa mansyon niya subalit hindi ko magawa dahil alam kong mali.
Marami akong gustong isigaw sa 'kanya subalit bumabaluktot ang aking dila t'wing binabalak kong sabihin ang mga 'yon.
"Kailangan ko pa po bumalik sa trabaho, sir," turan ko.
"I'm the new CEO here, hindi kita pinagmamadali dahil gusto pa kitang makausap," sabi nito na siyang naging dahilan ng lalong pagbilis ng puso ko.
Naiinis ako, naiinis dahil kahit na anong sakit ang ipinaranas niya sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang tumibok sa 'kanya ang puso ko.
"Kailangan ko pa pong gumawa ng content, sir."
Social media manager ang trabaho ko dito sa SunValley Redemption. Mabuti nalang at hindi sila naghahanap ng degree holder para sa mga gustong maging empleyado dito. Kaya nga sobrang nalungkot ang marami nang malaman naming iba na ang magiging CEO ng kompanya.
Dinig ko ang buntong hininga nito at pilit na ngiti ang isinukli sa akin bago nagsalita. "Don't worry about that. I will be offering you a well-paying job," turan nito.
"Kuntento na ako sa trabaho ko, sir," ngiti ang isinukli sa akin ni Xannon at gulat akong napatingin sa 'kanya ng hatakin niya ang aking bewang papalapit sa 'kanya. "You'll be my personal assistant whether you like it or not."
Hindi na ako nagsalita pa at nang paghiwalayin nito ang aming mga katawan ay nakangiti itong umalis sa aking harapan. Pinunasan ko ang noo ko kung saan ay kanina pa basa dahil sa kabang aking naramdaman.
Pagkarating ko sa meeting place ay agad akong umupo sa tabi ni Shiena. "Bakit ang tagal mo naman yata sa restroom?" kunot noong tanong nito.
Kita ko sa stage ang maskulado at gwapong mukha ni Xannon at hindi ko muling mapigilan ang tibok ng puso ko.
Lumunok ako bago nagsalita. "Ahh, ano kasi. Masakit kasi 'yong ano.. 'yong tyan ko, oo," utal na turan ko dahilan para mas lalong kumunot ang noo ni Shiena.
"Ang weird mo ngayon, nakakita ka ba ng multo?" natatawa at umiiling iling na tanong nito.
"Hehe," kamot ulong sabi ko.
Laking pasalamat ko nang ibaling nalang nito ang kanyang paningin sa harapan at tinapos panoorin ang palitan ng magagandang salita nila Xannon at Mr. Chan.
Pagkatapos ng kaunting pagsasalo kanina sa meeting place ay sabay sabay na nagsilabasan ang mga tao. Inantay muna namin ni Shiena na lumabas ang lahat ng tao bago namin mapagdesisyunang lumabas sa meeting place. Akmang maglalakad na sana kami paliko kaso biglang humarang sa aming harapan si Xannon dahilan para kiligin ang kaibigan ko.
"OMG! I think Mr. Altamero likes me!" pabulong na may impit na tili na wika ni Shiena.
"Good afternoon, ladies," nakangiting bati ni Xannon.
"Good afternoon, sir," kaswal na wika ko.
Ganito naman ako sa 'kanya noon pa eh. Umaaktong walang pakielam pero kapag siya na ang gumagawa ng paraan para mapalapit kami ay nagiging marupok ako.
"Good afternoon, Mr. Altamero," magiliw na bati ni Shiena dahilan para matawa si Xannon.
"Wouldn't you mind if I ask both of you to go out with me?" tanong nito dahilan para lalong lumawak ang ngiti ni Shiena.
"Hin---.." hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Shiena.
"Ayos na ayos lang, sir!" kinikilig na wika ni Shiena.
"So, it's all set? Let's go," turan ni Xannon kaya dali dali akong hinila ni Shiena palapit kay Xannon nang tumalikod ito sa amin upang maglakad papuntang elevator.
Nang makarating kami sa Bibs barbeque house ay agad kaming umupo. May nakalagay sa lamesa na 'reserved' kung saan kami umupo dahilan para magtaka ako.
Naka-reserved na agad eh paano kung hindi kami pumayag na pumunta?
Kibit balikat nalang akong naghanap sa menu ng maaari kong order-in. Puro mga ihaw ang nasa menu pero dahil paborito ko ang barbeque at hotdog ay 'yong dalawang 'yon nalang ang napili ko.
Ang Bibs Barbeque House ang pinakamalapit na kainan sa kompanya kaya heto ang napili naming kainan. Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang orders namin. Akmang magsasalita na sana ako kaso biglang nagsalita si Shiena na siyang naging dahilan ng pagtingin ko sa daliri ni Xannon.
"OMG! You're already married, sir?!" gulat na tanong ni Shiena na siyang naging dahilan ng pag-usbong ng kirot sa puso ko.
Agad na tumingin si Xannon sa daliri niya kung saan nakasuot ang kanyang singsing pagkatapos ay nagsalita. "Y-yeah," wika ni Xannon habang kinakamot ang kanyang batok.
"Hala! Congratulations, sir!" nakangiting turan ni Shiena dahilan para tumingin silang dalawa sa 'kin na kung saan ay inaantay ang pagsabi ko ng 'congrats' kay Xannon.
"C-congratulations, s-sir," wika ko habang inaayos ang aking pananalita dahil alam ko sa sarili ko na kaunting salita pa ang sabihin ko ay papatak na ang luha ko.
"Kailan pa, sir?" excited na tanong ni Shiena habang ako ay nililibang ang sarili sa pagkain.
Tumikhim si Xannon dahilan para bumaling sa 'kanya ang paningin ko. Pinaikot-ikot nito ang kanyang isang daliri sa 'kanyang singsing pagkatapos ay nakangiting tinignan ito.
"Matagal na rin," nakangiting wika nito at kita ko ang kinang at kaunting butil sa 'kanyang mata dahilan para lalo akong masaktan.
Masakit, masakit dahil 'yong taong mahal mo ay kasal na sa iba.
Hindi ko na na-control ang aking bibig dahilan para magsalita ako.
"M-mahal mo?" utal na turan ko habang ang paningin ay nasa kanyang singsing.
"Mahal, mahal na mahal," wika nito na siyang naging dahilan ng pag-usbong ng sakit sa aking dibdib.
Pasensya na anak, kasal na ang papa mo sa iba. Masaya na siya, masaya sa piling ng iba.
TO BE CONTINUED
Catharyn's POV"Oh? Saan ang punta mo?" tanong ni Shiena dahilan para mapalingon ako sa 'kanya.Tumingin muna ako rito bago nagsalita. "Punta lang ako sa restroom," pagsisinungaling ko.Tumango naman ito senyales na maaari na akong pumunta sa restroom. Habang nglalakad ako palabas sa meeting place ay hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Dali dali kong pinunasan ang mga ito at dumiretso na sa restroom."Okay, Catharyn. Relax," turan ko nang makarating ako sa tapat ng salamin pagkatapos ay huminga ng malalim."Si Xannon lang 'yon at wala ng iba," muling sabi ko sa harap ng salamin.Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang lumabas subalit muli akong bumalik at naghugas ng kamay.Pagkalabas ko ng restroom ay gulat akong napaatras nang makita ko si Xannon sa gilid ng pinto. 
Catharyn's POVPAGKATAPOS naming kumain ay agad kaming bumalik sa kompanya. Kita ko ang mga mata ng chismosa kong ka-trabaho na nakatunghay sa amin. Palibhasa ay kasama namin ni Shiena si Xannon kaya ang lagkit ng tingin nila sa amin."Mauuna na ho ako sa faculty namin, sir," pilit na nakangiting turan ko dahilan para mapahinto si Xannon at Shiena sa paglalakad."Hindi ka muna ba sasama sa amin para i-tour si sir?" tanong ni Shiena dahilan para matutop ko ang aking labi."Ahhh, hindi na hehe. Gagawa pa kasi ako ng content," turan ko habang pilit na ngiti ang ipinupukol ko sa kanila."I already told you about your 'new' job, Ms. Gualvez. Do I still need to repeat it?" wika ni Xannon.Muli kong tinignan ang kanyang daliri kung saan nakasuot ang kanyang singsing.Kasal na siya at hindi ka niya kailanman mi
Catharyn's POVHABANG naglalakad ako sa hallway ay kita ko ang paningin ng karamihan sa akin. Isipin na nila ang gusto nilang isipin pero wala akong pakielam sa kanila.Alam ko naman umpisa pa lang na wala sa isip ni Xannon ang magka-anak pero umasa pa rin ako, umasa na baka matanggap niya pa si Xandro pero nagkamali ako. Hindi pa rin pala nagbabago ang pananaw ng g*go! Sarili pa rin niya ang iniiisip niya!Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nagbabagsakan pababa sa aking pisngi. I stopped walking and inhaled and exhaled to cast away the negativities that's unfortunately inside me.Nang makarating na ako sa faculty ng crew ay agad ko silang kinausap tungkol sa napag-usapan namin ni Mr. Galilie. Agad naman silang pumayag at nagsigawan dahil sa tuwa. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi matutuwa kung ngayon ka nalang ulit makakatikim ng bakasyon. Alam ko na hindi naman bakasyon an
Catharyn's POVRAMDAM ko ang butil ng ulan na naglalaglagan sa aking katawan. Hindi pa rin ako makapaniwala, panong ngayon ko lang nalaman na wala namang ibang habol sa akin si Xannon kung hindi ay ang s*x? Sa sobrang sakit ng ulo ko ay biglang nag-blur ang aking paningin dahilan para mapahiga ako sa sahig.Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa labas ng bintana. Bahagya kong pinikit ang kanan kong mata dahil sa araw na dumadapo sa aking balat at tumatama sa aking mga mata."Anong oras na ba? Arghh," bulong ko."It's already 6:15 in the morning," turan ng lalaki na nagmamay-ari ng baritonong boses na kung saan ay pamilyar sa akin.Pagkalingon ko sa taong 'yon ay gulat akong napaatras sa kama na aking kinahihigaan at tinignan ang aking katawan na nakabalot sa makapal na kumot.W-wala akong d-damit?!"Anong gi
Catharyn's POVPAGKABALIK ko sa 'kanyang kwarto ay mahimbing na ang tulog ni Xannon. Gustuhin ko 'man na gisingin siya upang mapalitan ang kanyang damit ay hindi ko na ginawa dahil sa himbing ng pagkakatulog niya.Nag-iwan nalang ako ng note sa bedside table niya katabi ang gamot at pagkain niya pagkatapos ay napagdesisyunan kong kunin ang mga gamit ko at sumakay ako ng taxi.Habang nasa byahe ay tinignan ko ang aking cellphone at nagulat ako nang makita kong maraming missed calls si ate Katrina dahilan para pagmadaliin ko ang taxi driver.Nang makarating ako sa apartment na aming tinutuluyan ay agad akong tumakbo papasok sa bahay. "Mom!" mangiyak ngiyak na tawag sa akin ng anak ko at yumakap sa aking bewang."What took you so long? Akala namin may masamang nagyari sa 'yo!" lumuluhang sambit ng anak ko.I held her cheeks then kissed hi
Catharyn's POVGALIT kong kinuha ang kanyang kamay pagkatapos ay inilagay ang susi ng kotse sa kamay niya."Iyo na, ano nanaman ba ang pina-plano mo, hah?!" galit na tanong ko dito."Tss, kunin mo nalang," inis na turan ni Xannon pagkatapos ay muling ibinigay sa akin ang susi.Ngumiti ito bago tumalikod sa 'kin. I hissed then started to walk towards him and then I spoke. "Xannon!" inis na wika ko.Subalit, imbis na lumingon ito ay patuloy pa rin itong naglakad papunta sa kotse niya."Hindi ka talaga lilingon?!" sigaw ko gamit ang galit na galit na tono na siyang naging dahilan ng paglingon nito sa akin."What?!" kunot noong bulyaw nito sa akin."Ayoko ng kotse na 'yan," seryosong saad ko.He raised his right eyebrow then started to walk near me. "What?" he
Catharyn's POVPAGKARATING namin sa tapat ng opisina ni Xannon ay agad akong kumatok pagkatapos ay binuksan ang pinto."What are you doin' here?" kunot noong tanong nito."May nag-hahanap ho sa 'yo," nakayukong turan ko.Tinignan ko sila Xash at agad silang pumasok sa opisina ni Xannon dahilan para mapamura si Xannon."Fvck! What are you all doing here?! Where's your bodyguards?!" galit na sigaw nito dahilan para mapaatras ako.Xash chuckled and sat infront of Xannon's glass table. "You know that we can protect Lolo La Nortus, don't you?" nakangiting wika ni Xash.Dinig ko ang buntong hininga na pinakawalan ni Xannon. Napunta ang atensyon nilang lahat sa akin nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Nag-excuse ako sa 'kanila at agad ko itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Mang Esme na siyang t
Xannon's POVKITA ko ang paningin ng aking pamilya na nakatunghay sa akin. Dahil sa hindi na ako komportable sa ngiti nila Lolo La Nortus, Yacob, Yael at Ate Xashvin ay hindi ko na napigilan pa na magsalita. "What are you guys lookin' at?" kunot noong tanong ko sa kanila."You like that girl, don't you?" nakangiting tanong ni Yael gamit ang nang-aasar na tingin.I rolled my eyes at him and then I spoke. "G*go!" I cursed."Pikon ang k*ng ina! I was just asking you, Xan. So, what's the score between the two of you?" tanong ni Yael pero mahihimigan mong nang-aasar siya dahil sa tono ng kanyang pananalita."I'm.. uhm.. her boss? Yeah, I'm her boss and she's my employee. That's all," I proudly said.I was about to speak but my older sister Xashvin suddenly interrupted me. "That girl wouldn't dare to shout at you in front of us if you're not