Catharyn's POV
PAGKARATING namin sa bahay namin sa Nueva Ecija ay agad kaming sinalubong ng aking pamilya ng matamis na ngiti at maiinit na yakap.
"Ang laki mo na, apo!" nakangiting turan ni Nanay kay Xandro.
"Good evening, Lola!" magiliw na bati ng aking anak kay nanay.
"Nasaan si Kristel, nanay? Charlie?" tanong ko kila nanay at sa pangatlo kong kapatid na si Charlie patungkol sa aking bunsong kapatid pagkatapos nilang mag-usap.
Panganay si Ate Katrina sa aming magkakapatid at ako ang pangalawa. Sumunod naman sa akin si Charlie at bunso namin si Kristel.
Bata pa lang kami ay kami na ni Ate Katrina ang magkasangga. Kami ang tagapagtanggol ng aming dalawang kapatid laban sa mga nambubuyo sa kanila. Madalas kasi ay inaasar ang aming mga kapatid dahil wala na kaming tatay.
"Ah si Kristel ba? Naroon siya sa iyon
Catharyn's POVDINIG ko ang pagkalabog ng pinto ng aking kwarto dahilan para mapabalikwas ako ng bangon. Mabuti nalang at hindi nagising ang aking anak sa lakas ng kalabog na 'yon."Ano ba...--" hindi ko na natuloy pa ng dapat kong sasabihin nang biglang magsalita si Charlie habnag tumitili."Oh my gosh, ate!!! 'Yong gwapo mong boss nasa labas!!!" wika nito habang natili.Kunot noo akong tumingin sa 'kanya bago nagsalita, "Si Mr. Galilie ba ang nasa labas?" takang tanong ko."Basta boss niyo raw siya ate! Hindi ko alam ang pangalan niya eh," kamot ulong wika ng kapatid ko.Si Mr. Galilie nasa labas? Pero ano ang sadya niya at pumunta siya dito? Hindi naman basta basta napunta si Mr. Galilie sa isang lugar kung wala siyang importanteng gagawin. Ah! Marahil ay tatanungin niya kung ano ang magiging flow ng isho-shoot namin!&
Catharyn's POVKINAUMAGAHAN ay nagising ako ng maaga. Hindi ako masyadong nakatulog dahil iniisip ko kung paano ko sisimulang sabihin kay Xannon ang tungkol sa anak namin.Maraming tanong sa aking isipan kung ano ang magiging reaksyon niya; kung matutuwa ba siya? Magagalit? O di kaya'y hindi niya tatanggapin ang anak namin?Natigil lang ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang kumalabog ng malakas ang pintuan ng kwarto namin. Agad ko itong binuksan at kita ko ang nakangiting mukha ni Ate Xash."Napag-isipan mo na ba ang suggestion ko?" nakangiting tanong niya.Seryoso?! Gigisingin niya ako ng ganitong oras para lang tanungin kung napag-isipan ko na ba ang suhestisyom niya?"Maaga pa ho Ate Xash," kamot ulong turan ko.Kita ko ang pagnguso nito pagkatapos ay isinukbit niya ang kanyang kamay sa aking braso. "A
Xannon's POVDINIG ko ang pagtawag sa akin ng aking kapatid subalit hindi na ako nag-aksaya pa na lumingon sa 'kanya.Alam kong masakit ang mga salitang binitawan ko kay Xandro subalit 'yon lang ang tanging paraan para mailayo ko ang aking anak sa kapahamakan.Kapag nalaman ng organisayson ng China na may anak ako ay maaari nila 'yong gawing dahilan para kalabanin ako at maaaring mapahamak ang anak ko, maging si Catharyn.Akmang sasakay na sana ako sa sasakyan ko kaso bigla akong hinawakan ni Ate Xashvin sa aking palapulsuan pagkatapos ay sinapak ako! Inis akong tumingin sa 'kanya pagkatapos ay nagsalita."What the hell is your problem?!" inis na tanong ko sa 'kanya."Bumalik ka doon at kausapin mo ang anak mo," malumanay na wika ni Ate Xashvin pero mahihimigan mo sa tono ng pananalita niya na galit siya.
Catharyn's POV"I don't want to go there, mom," sabi ni Xandro nang kausapin kami kanina ni Ate Xash kanina."I don't like him anymore! He rejected me and he made you cry," turan ng anak ko dahilan para matigil ako sa pag-e-empake ng gamit namin.I smiled at him and then I spoke, "Anak, ano man ang ginawa ng papa mo sa 'yo tatay mo pa rin siya. Don't act and think like that, anak," turan ko dahilan para mapayuko ang anak ko."I'm sorry, mom," nakayukong ani Xandro.Huminga ako ng malalim at ngumiti bago nagsalita, "Come here, Xandro," wika ko pagkatapos ay lumapit siya sa tabi ko."Huwag na huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa papa mo, okay? Pagbali-baliktarin man ang mundo papa mo pa rin siya. Wala ka sa mundong 'to without him kaya huwag kang magagalit sa 'kanya okay?" nakangiting turan ko.Natigi
Catharyn's POV"KAMUSTA ka na?" tanong nito dahilan para mapabuntong hininga ako."Heto, walang nagbago. I'm gonna tell you this straight to the point, Jake ha? I already have a child. Ayaw ko na munang makipag-date or what sa ibang tao dahil sa ngayon kuntento na ako sa kung anong mayroon ako," wika ko pagkatapos ay muling bumuntong hiningaJake just chuckled then right after that he spoke, "Hindi ba pwedeng gusto ko lang makausap ang kaibigan ko?" aniya pagkatapos ay tumikhim."So, you already have a boyfriend?" tanong niya.I smiled bitterly then sighed, "W-wala," turan ko.Totoo naman 'yon. Naanakan lang naman ako at hindi porket pinagbakasyon dito si Xandro ay may namamagitan na sa amin ni Xannon. Ayaw ko na rin naman na may mamagitan sa amin ni Xannon dahil para sa akin kuntento na ako sa anak ko. Kung may darating man, handa akong tanggapin
Catharyn's POVPAGKAAKYAT ko sa kwarto namin ni Xandro ay wala pa dito ang anak ko. Marahil ay kasama pa ito ni Ma'am Xandrea na siyang mommy ni Xandro kaya wala pa siya. Ipinikit ko ang aking mga mata pagkatapos ay inihiga ang aking katawan sa kama.Hindi ko naman na siya mahal, hindi ba?Ginulo ko ang aking buhok at inis na tumayo upang puntahan ang anak ko.Nang makarating na ako sa kwarto ng mag-asawang Altamero ay agad akong kumatok. Binuksan naman ito ng daddy ni Xannon at dali dali akong nagtanong."Si Xandro po?" tanong ko."Pasok ka, hija. Natutulog pa si Xandro," nakangiting turan ni Sir Ian na siyang papa ni Xannon at ibinuka pa lalo ang pintuan upang makapasok ako.Nang makapasok ako ay hindi ko mapigilang mapahanga sa taglay na ganda ng kanilang kwarto. Kulang ang salita upang maipahayag ang gand
Catharyn's POV"FVCK! Ms. Gualvez! Seriously?! Sa party ng anak natin?!" galit na turan nito pagkatapos ay sinuntok nag pader dahilan para mapapikit ako.Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nagbabagsakan sa aking pisngi pagkatapos ay humingi ng tawad sa 'kanya."H-hindi ko sinasadya, X-xannon. Sorry," lumuluhang turan ko.Hindi ko mawari kung ano ang aking tunay na nararamdaman. Nagi-guilty ako at natatakot. Masama ba na maging masaya kahit saglit lang? Alam ko mali ang saya na nararamdaman ko kapag kasama ko si Jake pero anong magagawa ko gayong doon ako masaya?"Sorry?! Anong magagawa ng sorry mo, Ms. Gualvez?! Paano kung may makakita sa... sa kalandiang ginawa mo kanina?! T*ng ina lang! Ang g*go lang kasi eh! Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko! Basta ang alam ko nagagalit ako!" galit na turan nito.Wala akong ibang masa
Catharyn's POV"ANO bang problema mo?!" galit na tanong ko dito at akmang lalabas na sana nang kwarto kaso hindi ko alam ang password ng kwarto ni Xannon kaya hindi ako makalabas."Buksan mo ang pinto!" sigaw ko dito!"No!" turan nitoHumugot ako ng isang malalim na hininga pagkatapos ay inis siyang tiningnan."Xannon, ano ba talagang gusto mo, hah?! Napipikon na ako sa totoo lang!" galit na sigaw ko dito!Totoo 'yon! Konting konti nalang masusuntok ko na 'tong lalaking 'to dahil sa inis!"Ikaw," wika nito na siyang naging dahilan ng pagkatulala ko sa 'kanya."A-anong sabi mo?" utal na tanong ko."You are my problem, Ms. Gualvez! Why do you keep on making everything hard for me, huh?!"Hindi ko maiwasang kumunot ang aking noo dahil sa