Please, no. I was trying my best to protect your image because you were the father of my children. H-Huwag namang ganito. Ayokong mapahiya ang mga anak natin kapag nalaman ng buong mundo na tayo ang mga magulang nila. So please, ayokong masira ang imahe nating dalawa. I almost sobbed. Unti-unti na rin akong napapaluha ngunit pilit ko itong pinipigilan. Willing akong masira ang imahe ko para sa'yo... G-Ginagawa ko ito para hindi bumalik ang balita sa scandal natin dati. Para sa mga anak ko... "Shianna." Naramdaman kong hinawakan ni Solei ang kamay ko. Malungkot ko siyang tiningnan at siya'y napatiim-bagang. Kunot-noo niyang binalingan si Vincent na halatang walang pakialam sa akin. "Shianna and I kissed in her room. Kung may parusa para rito, I am willing to take it then." Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha. Kung hindi lamang hawak ni Solei ang kamay ko ay paniguradong mararamdaman ko na nag-iisa lamang ako. "Shianna?" Bumaling sa akin ang heads. "Did you
"Finally, you've come back. Na-miss ka rin ng mga bata rito, Miss Shianna. Apat na araw ka ring nawala rito sa Kalinga." Hindi ko sinagot ang Kalinga staff na aking katabi. Diretso lamang ako naglalakad habang tuwid ang aking paningin sa daanan. Agaw-pansin ang mga bata na gulat na nakatingin sa akin. "Miss Lebratica," untag ko rito at saglit siyang sinulyapan. "It's already 10PM pero bakit gising pa rin ang mga bata?" "A-Ahm..." Napayuko ito. "Patawad po, Miss Shian. Pero hindi sila makatulog ngayon at noong mga nakaraang araw dahil... wala ka." Dahil sa sinabi ng staff ay mas napatingin ako sa kan'ya. Natahimik ako at pinagmasdan ang ibang mga batang malungkot na nakatingin sa akin. "They should be asleep. Gusto n'yo bang mawalan ng trabaho? Kayong lahat ng mga staff?" Bahagyang nanlaki ang mga ni Miss Lebratica bago ito tumuwid ng tayo. Saktong huminto kami sa harapan ng aking kuwarto nang hinarap ko siya. "Wala namang nakialam rito, 'di ba? As what Cayer told me, lahat kayo
Why? Maayos na ang lahat. Pero bakit kailangan mong sirain? I did my best para hindi masira ang pangalan mo dahil ama ka ng mga anak ko. P-Pero... ano'ng ginawa mo? Mas sinira mo ako. Habang ikaw ay matiwasay dahil ikaw ang kinampihan ng lahat. Tumingala ako at mas napaluha. Ilang segundo akong natulala sa aking madilim na kuwarto bago nagpasyang tumayo. Halos matumba pa ako nang lumapit ako sa aking study table. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa upuan nito bago ko kinapa ang laptop na binuksan ko. Bahagya pa akong nasilaw nang bumukas ang screen nito. Saglit akong napapikit at nang dumilat ako ay naiiyak kong tinipa ang password ng laptop sa keyboard nito. "Shianna... May nakakuha ng video mo na naghahalikan kayo ni Vincent sa loob ng kuwarto mo." Kinuha ko ang flashdrive na nasa bulsa ng aking pantalon at sinalpak ito sa laptop. Mabilis kong hinanap ang file na nakalagay rito at binuksan. Tumambad sa akin ang video na paniguradong tinutukoy ni Solei. Naiiyak pa ako bago binu
"Calm down?" Halos matawa ako sa sinabi niya. "Hudson, paano ako kakalma kung alam kong may taong nanonood sa bawat kilos ko? Ang mas malala—may cameras na nakatanim sa kuwarto ko?" Mas nagwala ako ngunit maingat akong itinulak ni Hudson sa pader. Hinawakan niya ang aking dalawang palapulsuhan at nilagay ito sa aking magkabilang gilid. Umiiyak pa rin ako nang sinandal ni Hudson ang kan'yang noo sa aking noo. "I know, Shianna." Huminga siya nang malalim. "But please, kumalma ka. Ano na lamang mangyayari kung malalaman ng mga tao ang ganito mong sitwasyon? A-Ayokong kuhain nilang tyansa iyon para saktan ka!" Natigilan ako sa sinabi ni Hudson at napaangat ng tingin sa kan'ya. Nilayo niya ang kan'yang mukha sa akin at nagkatitigan kami. Binitiwan niya ang ang mga kamay kaya sinapo ko ang kan'yang pisngi. Kumislap ang kan'yang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha rito. "I'm sorry." Bumagsak ang aking kamay at kinuha itong pagkakataon ni Hudson upang hatakin ako pabalik sa aking kuwart
Hindi siya pinansin ng anak ko at patakbong yumakap sa akin. Tinukod ko ang isa kong tuhod sa sahig upang salubungin ang yakap niya. Nang magkalapit kami ay mahigpit ko siyang niyakap at ganoon din ang ginawa niya. "I miss you, Mommy!" Lumayo siya at inosenteng tiningnan ako. "Ilang araw rin p-po kitang hindi n-nakita." Sinsero akong ngumiti at ginulo ang kan'yang buhok. "I miss you, too, Ashy. Sorry kung ilang araw nawala si Mommy." "It's fine po. I know po... na may asikaso ka!" Marahan kong pinagmasdan si Ashy, sunod ay si Nash na naiiyak na nakatingin sa akin. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin at patakbo niya akong niyakap. "Mommy!" Umiyak siya sa dibdib ko at marahan kong hinagod ang kan'yang buhok. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan nang marinig ang bawat paghikbi niya. "Na-miss po kita. H-Hindi po ako makatulog kapag wala ka." "Shhh... I am now here, Anak." Lumapit si Ashy sa amin kaya niyakap ko silang dalawa. "Pasensya na kung nagkulang ako sa inyo." "Mommy, we
Tumango ako at tipid siyang nginitian. Binuksan niya ang pinto ng kuwartong aming kaharap. Ramdam kong humigpit ang pagkakahawak ng mga anak ko sa aking dalawang kamay. Nagbaba ako ng tingin sa kanila at binigyan sila ng tipid na tango. Tumango rin sila sa akin at saka nagpasyang pumasok sa bukas na kuwarto. Sumunod din ako sa kanila at ang unang bumungad sa akin ay si Lily na nasa tabi ng kama ni Cassie. Kausap niya ang aking pinsan at napatingin sa amin nang napansing pumasok kami. "Hi, Lily!" Lumapit si Ashy kay Lily at excited na kinausap ito. "Nandito ka rin pala! L-Let's play!" "Ashy," pagtawag ko sa kan'ya. "I didn't bring you here to play. Hospital isn't also a playground." Humarap sa akin si Ashy at napayuko. "I'm sorry, M-Mommy." Lahat kami ay natahimik at tiningnan si Lily na lumingon kay Cassie na maamong nakatingin sa kan'ya. Sunod siyang tumingin sa amin at maya-maya ay tumango. "I'll leave na po, Tita Cass. Magandang umaga rin po, Mommy Shianna." Saglit na yumuko si
"Shianna!" Bumakas ang galit sa kan'yang mukha ngunit pinili kong ignorahin ito. "Ano'ng ginagawa mo?" "What do you think, Cassie?" Tuluyan akong lumuhod sa harapan niya at kalmado siyang tiningnan. Ngunit ang totoo ay nasasaktan ako na nakikita siya sa ganitong sitwasyon. Nag-iwas ako ng tingin upang hindi niya makita ang mga mata kong unti-unting naluluha. "Dahil sa akin, n-nasaktan ka, Cass. Dahil sa akin ay hindi ka na m-makalakad ngayon." "S-Stop it!" Suminghap si Cassie at pinigilan ang sariling mapaluha. "Wala kang kasalanan, Shianna!" "I k-know." Mapait akong ngumiti. "Pero hindi niyon matatabunan ang katotohanang isa ako sa mga dahilan kung bakit ka napahamak. Kung wala lamang ako ay paniguradong ligtas ka ngayon—" "You're wrong!" napasigaw si Cassie kaya napatingin ako sa kan'ya. Nangangatal ang kan'yang mga kamay. "I don't hate you, Shianna. So, please, stop doing this. H-Huwag namang ganito. I don't blame you. Alam nating lahat na walang may nagnais na mangyari ito."
"At anong mga p-plano 'yon?" Lumuluhang tiningnan niya ako. Tumayo ako at tiningnan siya habang siya ay nakatingala sa akin. "Cassie." Nabalot ng matinding lamig ang aking mukha. "Sisuguruhin ko na madudurog ang lahat ng nanakit sa akin. It's too impossible to retreat now. Huwag mo rin akong diktahan na kalimutan ang mga paghihirap na naranasan ko." Umatras ako at tinalikuran siya. "Dahil nagbago na ako. Handa akong maging isang masamang tao para lamang makausad sa tinahak ko. Dahil kayo ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon." "Shianna!" Hindi ko na pinansin si Cassie at lumabas sa kuwarto. Sakto ay dumating din ang doctor at mga nurse na paniguradong narinig ang pagsigaw ni Cassie. Mas nagwala ang pinsan ko, at bago ko sinara ang pinto ay nakita ko pa siyang humahagulhol na nakatanaw sa akin. Sumandal ako sa pinto at dito na ako bumigay. Tahimik akong napaluha habang pinapakinggan ang palahaw ni Cassie. Unti-unti itong humina hanggang sa tuluyan itong nawala. Napayuko na laman