Share

Kabanata 32

Kabanata 32

Nang magkaroon ako ng malay ang una kong ginawa ay hawakan ang aking tiyan. Hindi pa man ako nakakamulat ay nataranta na agad ako nang wala akong makapa na umbok sa aking tiyan.

Sa aking pagmulat ay naramdaman ko na ang paghapdi ng aking mga mata. Maya-maya lamang ay naramdaman ko na ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ang...baby ko? Nasaan.. ang baby ko?" Pautal-utal na tanong ko sa isang babae.

Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin. Itinuloy niya ang pag-aayos ng swero sa aking kamay. Babangon na sana ako ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng pagkababae ko. Pati na rin ang likod ko ay sumasakit din.

"I'm sorry po," Nakayuko na sabi ng nurse.

Parang biglang may pumitik sa aking sintido. Kahit nahihirapan ay bumangon ako mula sa pagkakahiga. Tinulungan ako ng nurse upang makaupo. Lumuluhang hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat.

"Hindi!" Malakas kong sigaw.

"Bakit ka nag-so-sorry? No! Nasaan ang baby ko? Hindi!" Binitawan ko siya at pagkatapos ay hinaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status