NANGUNOT ANG NUO NI ELENA nang pagbukas ng pinto sa kanya ng lalaki ay mapansin niya ang isang nakatapis na babae sa likod nito at tantiya niya ay tatatapos lamang magsex ng mga ito. She was not born yesterday. Kung ito ang boyfriend ng babaeng nagngangalang Natalia, ibig sabihin ay wala pang isang buwan simula nang iuwi ang Natalia na iyon sa bahay ni Matt ay pinagtataksilan na kaagad ito ng boyfriend nito? “Are you Timothy Cruz?” Tanong niya sa lalaking nakausot ng boxer shorts. Tumango ito. Napaismid siya, “Pwede bang magbihis ka muna ng disente? Hihintayin kita sa kotse after. Gusto kitang makausap.” May authority sa tonong sabi niya dito “Tungkol saan?” “Tungkol kay Natalia!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niya itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.“SINO SIYA? Anong kinalaman niya kay Natalia?” Nag-aalalang tanong ni Dela kay Timothy habang nagsusuot ito ng pantalon at tshirt. As much as possible a
“MA’AM pinatatawag po kayo ni Sir sa salas,” sabi ng maid na si Vicky nang sunduin siya nito sa kuwarto. “Nandyan po sa ibaba ang boyfriend ninyo!” Napabalikwas siyang bigla. Nagmamadali siyang bumangon at patakbong bumaba sa salas. Inabutan niya si Timothy na kausap ni Matt. Masayang-masayang niyakap niya ang kasintahan at siniil ng halik sa mga labi. “Tim,” mangiyak ngiyak na sabi niya. “Dala ko na ang 70 million kabayaran sa pagkakautang ng Papang mo. Iuuwi na kita.” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang binata, “S-San ka kumuha ng pera? Don’t tell me ibeneta mo ang. . .” Tuluyan na siyang napaiyak, hindi niya akalaing gagawin ni Timothy ang lahat para sa kanya, “Sabi ko na nga ba, talagang mahal na mahal mo ako!” walang pagsidlan ng kagalakang sabi niya rito saka taas ang baba na bumaling siya kay Matt, “See, I told you, hindi ako magtatagal dito,” puno ng pagmamayabang na sabi niya rito saka hinila na ang kasintahan, “Tara na
HALOS maubos na ni Timothy ang laman ng whisky. Pakiramdam niya ay napakainutil niyang tao, ni hindi man lamang niya naipaglaban si Natalia. Inihilamos niya ang kamay sa mukha, kanina ay gustong-gusto na niyang suntukin si Matt. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi man lamang niya naipaglaban si Natalia. Bakit ba hindi siya ipinanganak na mayaman at makapangyarihan? “Tim, ginawa mo na ang best mo,” sabi ni Dela, hinagod nito ang likuran niya, “ I guess, hindi ka na susumbatan ni Natalia, at least naging mabuti kang boyfriend sa kanya.” “Talaga ba?” May sarcasm sa tonong tanong niya sa kaibigan. “Tim, hindi ka pwedeng maging martir na lang sa kanya. Look, pati negosyo mo naapektuhan na dahil sa mga problemang dala ni Natalia at ng pamilya nya. Tama ang parents mo, Tim. Kalimutan mo na si Natalia. Nandito naman ako para saiyo,” malambing na sabi nito, “Huwag mong sayangin ang buhay mo sa taong wala ng ginawa kundi magdala ng pr
NAGDIDILIM ang paningin na pinagsasampal niya si Timothy, “Hayup ka!!! Hayup ka!” Galit na salit na sigaw niya rito saka napopoot na tiningnan niya si Dela, “I thought you were my friend. Akala ko talagang concern ka sakin!” sabi niyang napaismid, “Wala ka rin palang ipinagkaiba sa mga ahas mong kamag-anak!” Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang tumakbo apartment nito. “Natalia, let me explain!” Sabi ni Timothy habang hawak ang isang braso niya. Hinila niya ang suot nitong kwintas na regalo niya dito nuong third year anniversary nila. Sayang din iyon, hindi nito deserve ang kwintas na ilang buwan niyang pinaghirapang pag-ipunan. “Natalia. . .” Sinampal niya ito ng ubod lakas, “Explain mong mukha mo!” Umiiyak na sabi niya rito saka nagmamadali nang sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay nila. Hindi siya makapaniwala. Hanggang ngayon ay parang nasa utak pa rin niya ang kahindik-hindik na nasaksihan niya kanina. Bakit ang tanga-tanga k
SINIIL ng halik ni Natalia si Matt, mapusok, punong-puno ng pag-aalab. Gusto niyang ipalasap kay Matt ang pinakamasarap niyang halik, bagay na kahit kalian ay hinding-hindi na matitikman pa ni Timothy. Para siyang asong nauulol habang ginagawa niya iyon, mabagsik, mapangahas. Never siyang naging ganito kawild sa kama. Galit siya. Galit na galit. Gusto niyang patunayan kay Timothy na siya lang naman ang babaeng sinayang nito. Ang napakasarap na babaeng pinakawalan nito. Itinulak niya si Matt pahiga sa kama, wala siyang pakialam kung magmukha siyang cheap sa paningin nito. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang kasuotan habang nang-aakit ang kanyang mga matang nakatingin dito. Bigla siyang hinatak pahiga ni Matt at pumaibabaw ito sa kanya. “Gusto kong maramdaman mo na walang bnatbat ang tarantado mong boyfriend sa galling ko,” nakangising sabi nito sa kanya, sinupsup nito ang boobs niya na animo’y isa itong leong gutom na gutom na nang makakit
NAGISING SI NATALIA na nakayakap siya kay Matt. Pareho silang hubo’t hubad. Napaawang ang mga labi niya nang maalala ang nangyari kagabi. My God, lasing na lasing ako kagabi pero natatandaan ko ang lahat, natatandaan ko ang bawat kiliting dumaloy sa kasulol-sulukang ugat ko habang nagtatalik kami ni Matt. Muling nag-init ang kanyang katawan habang naalala ang naganap sa kanilang dalawa. Hindi lang isa, hindi lang dalawa. Pareho silang mapusok at mainit. Animo’y mga hayup na gutom na gutom kaya nang makakita ng masarap na pagkain ay hindi na tinantanan pa. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang braso saka nagmamadaling tumayo. Ayaw niyang maabutan pa siya dito sa kuwarto ni Matt. Diyos mio, paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi? Mabilis niyang dinampot ang kanyang mga damot at natatarantang isinuot iyon. Pagbukas niya ng pinto ng kuwarto ni Matt ay inabutan niyang nakatayo duon ang body guard nitong si Rigor. Pinamul
“MA’M pinagbibihis po kayo ni Sir.” Hindi alam ni Natalia kung bakit bigla na lamang siyang na-excite, “Dumating na si Matt?” Hindi maitago ang excitement sa boses niya. Kagabi ay hindi rin niya ito nakasabay mag-dinner kaya expected na niyang magtatagal ito sa Cebu. At di man niya aminin, hinahanap-hanap niya ang presence nito. Iyong anticipation na makita ito marahil ang coping mechanism niya para hindi niya damdamin ng labis ang paghihiwalay nila ni Timothy. “Opo, kaninang madaling araw,” sabi ni Vicky, napangisi ito, “Namiss mo sya, ano?” Tudyo nito sa kanya. “B-bakit ko naman siya mamimiss?” Todo deny na sabi niya. Napakibit balikat ito, “Sinabi nyo eh.” Sabi nitong tinalikuran na siya. “Saan daw kami pupunta?” “Ay, basta ang sabi ni Sir, magbihis ka.” Sagot nito sa kanya saka lumabas na ng kuwarto. Isang simpleng bistida ang nakita niya sa closet, kulay pink iyon na may floral desig
NANG MAKAALIS na sina Matt ay nagmamadali niyang tinawagan si Timothy. Halata ang excitement sa boses nito nang marinig siya. “Natalia, magkita tayo. Nasaan ka, pupuntahan kita. Gusto kong magpaliwanag sa mga nakita mo.” “Iyong nakita ko, hindi na iyom mababago kahit ilang beses pa tayong mag-usap at paulit-ulit ka pang magpaliwanag,” Giit niya rito, “Pero sige, makikipagkita ako saiyo dahil kahit na paano ay may pinagsamahan naman tayo.” “Natalia, I miss you so much. Mahal na mahal kita at. . .” “On the way na ako dyan sa apartment mo!” Iyon lang at pinindot na niya ang end button ng kanyang cellphone. Kabisado na niya si Timothy. Tuwing Sabado at ganitong oras ay nasa apartment nito ito at abala sa paggawa ng mga designs. Architecture ang tinapos nito ngunit sa ngayon ay mas focus ito sa pagdedesign ng mga furnitures para sa sinimulan nitong business. Paglapag niya ng taxi ay nasa may pintuan na si Timothy at nakaaban