Share

Chapter Fifty-four

Her Point of View.

Tumigil ang tricycle sa isang bahay na gawa sa kahoy pero yero ang bubong. Malapad at dalawang palapag. Ang mga bintana ay halatang sinaunang bintana pa. Yung sliding window na bintana.

"Salamat Romar ha?"

"Ikaw pa ba, Kap? Hindi ka po ba pupunta ng Barangay ngayon?"

"Mamayang tanghali siguro. Mag-iingat ka."

"Opo, Kap."

Nagpaalam kami kay Romar at hinatid namin siya ng tingin.

"Kapitan po kayo dito, Tay?"

"Oo. Tara..pasok tayo."

Napangiti ako nang makita ang gate nila na gawa sa kahoy. Pagkapasok namin ay namangha ako dahil sa iba't-ibang kulay ng rosas at mayroon ding sunflower.

"Tanim iyan ng asawa ko. Ang ganda hindi ba?"

Tumango tango ako.

"Opo. Ang lawak din po ng garden niyo!"

Tumawa si Tatay Jose.

"Ang bahay na ito ay bahay pa ng Nanay at Tatay ko. Ito lamang ang naipundar nila noon. At dahil ayaw kong magkaroon ng pagbabago sa bahay, minabuti kong wag itong baguhin. Matibay ang ginamit sa bahay na ito kaya hanggang ngayon nakatayo pa rin.

"Lolo!"

Sigaw ng i
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status