comments naman jan, pampabuhay lang po. thank you po sa followers ko lapit na po mag 500. anyway. free po kayo mag comment ha. wag pong mahiya.
Chapter 25 - HeartHEART kept on glancing at the digital clock. Nakahanda na siya papunta sa trabaho pero wala pang Lux na dumarating sa condo.Nagpatuloy siya sa pagsisintas ng sapatos at saka siya tumayo. Ang sabi ni Lux kanina sa kanya ay pupuntahan siya at maghahatid sa kanya ng pera. Nag-aalala siyang baka nag-iba ang isip nun pero parang mas nag-aalala siya na baka kung napaano yun sa kalsada, o kaya ay kasama ang asawa kaya hindi siya magawang puntahan.Bigla siyang nakaramdam ng selos kaya napabusangot siya. Daig pa niya ang nanamlay na sobra pero kinuha pa rin niya ang cellphone at nag-compose ng message para kay Lux.Heart: Sir, pupunta pa po kayo? Papunta na po ako sa trabaho.Nag-type rin siya para sa Nanay niya.Heart : Nay, pasok na ako sa trabaho.Pagkasend niya nun ay ipinasok na rin niya ang aparato sa bag, saka niya isinukbit ang backpack. She's ready to go yet she sighed. Parang tinatamad na siya kaagad, wala pa man lang nauumpisahan. She walked lazily toward the do
Chapter 26 - Heart"IS that man courting you, Heart?" Iyon ang agarang tanong ni Senyora Carmen sa kanya matapos siyang makaupo sa tabi nito.Tama ang hinala niya na magkakakilala nga ang tatlo. Gusto man niyang alamin kung paano, hindi na. Wala naman siya sa tamang posisyon para makiusyoso."H-Hindi naman po, Senyora. Bagong kakilala ko lang po siya. M-May kaibigan po kasi akong dito nakatira. P-Pinatatao po ako saglit dito s-sa unit niya.""Good," ipinatong ng matanda ang kanang kamay sa hita niya, nakangiti, "May asawa na yun. Napakaraming lalaki sa mundo, Heart para sa mabait at magandang tulad mo, not a married man like Enrico Mariano."Hindi malaman ng dalaga kung bakit napatingin siya sa rearview mirror at ganun din naman si Lux."Mama, you're intervening in Miss Chavez's life," anito sa lola na napakibit balikat lang naman."Pinagpapayuhan ko lang naman siya, Lux. I don't want her to be bothered by a man who can't give her a hundred percent of his love and time because that m
Chapter 27"Heart, napkin ka ba?" Tanong ni Gigi sa dalaga na agad na napatanga sa kaibigang nagpi-pickup line."B-Bakit?" Kahit ayaw niya ay kusang nanulas sa labi niya ang salitang yun."E kasi lumilipad utak mo kahit wala namang wings."Bwisit.Nagkatawanan silang dalawa."Sira ka talaga. Alam mo yung nagmo-moment ako rito tapos babasagin mo naman ako ng pickup line mo," aniyang iiling-iling sa matalik na kaibigan."E paano ang layo na ng narating ng isip mo. Baka kung pwede lang akong sumakay diyan, nasa Amerika na ako o sa ibang planeta siguro."Sakay sila ng taxi. Dumaan ito sa kanya mula sa ospital. Sinamahan nito ang Nanay niya na magbantay doon, at ngayon ay papauwi na rin ito. Natulog lang naman daw ito sa ospital dahil bakante na ang isang stretcher doon sa kwartong inuukupa ng ama niya.At dahil iisang daan naman ang daan nila, nagsabay na silang dalawa ngayon. Pinagkakatiwalaan naman niya ito kaya kahit malaman nito ang condo na tinitirhan niya, wala yung problema sa kany
Chapter 28NOTE: Sir, kain ka na lang po diyan. May niluto po akong ulam at kanin. Kailangan ko pong umalis ng maaga. Pinababalik po ako sa DSWD para pumila. Balik na lang po kayo bago ako pumasok sa work kung gusto niyo pong mag-lab. Ingat po sa pag-uwi, sir.He smirked, staring at the sticky note plastered onto the door. Nakapameywang siya pero sumulyap siya sa relo na suot.Mag-lab? Did she just call it love making? O baka wala lang sa sistema ni Heart ang bumanggit ng salitang 'sex'. Hindi naman kasi siya bulag para hindi makita na hindi naman yun bulgar.Nagtatanong siya sa sarili kung natulog ba ang babaeng yun, o baka siya ang tulog na tulog kaya hindi niya namalayan kung tumabi ba sa kanya sa pagtulog.Tinanggal niya ang sticky note at dala niya sa paglabas ng kwarto. He walked towards the kitchen to eat. Nagugutom na rin talaga siya at siguro ay dapat nga siyang kumain dahil hindi siya kumain kagabi dahil sa sobrang inis niya kay Diana. Kahit na lola niya ay hindi halos nagsa
Chapter 29PAGOD na pagod si Heart nang matapos ang araw na yun ng kanyang pag-aasikaso. Positibo naman ang resulta ng nilakad niya. Nasa otsenta mil ang ayuda na mababawas sa bill ng tatay niya, sa oras na lumabas na yun sa ospital. Tumawag na raw ang ahensya sa ospital at may voucher na ang eighty thousand.The doctor already restitched her father's wound. Maayos na daw yun, sabi ng Nanay niya.Naglalakad siya sa lobby ng condo nang makaramdam siya ng pagkahilo at panghihina pero sinusubukan niya na tawagan ang mga kapatid niya para kamustahin ang mga yun.Si Lexus ang sumagot sa kanya kaya kahit paano ay napangiti siya."Ate," magiliw na sabi nito sa kanya."Si Lexi?""Nandun ate sa sala, gumagawa ng project. Ang dami namin ateng assignments.""Kaya 'yan. Mag-aral lang kayong mabuti at akong bahala sa inyo," sumakay siya sa elevator pero agad siyang parang nawalan ng balanse nang umalog iyon, kaya napasandal siya at napahawak sa dingding.Nawala rin naman ang pagkahilo niya kaya in
Chapter 30 - HeartNAPAPIKIT si Heart nang sa pagmulat niya ng mga mata ay napakaliwanag ng ilaw na bumati sa kanya.She groaned.What happened?"Thank God, you're fucking awake!" Bulalas ng boses ni Lux kaya kahit na nasisilaw man ay natingnan niya ang pinagmulan ng boses nito.Ganun na lang ang pag-itsa nito ng hawak na magasin at agad na tumayo mula sa isang sofa.Nakatunghay lang siya rito at nagtataka kung bakit wala sila sa condo.Nang makalapit ito ay sinalat siya nang paulit-ulit at saka inilapat ang pisngi sa noo niya.She passed out. That was what happened and she already remembered. Yun lang ang huli niyang natandaan pero ang dating sa kanya ngayon ay isang panaginip lang, na hindi niya mawari kung totoo bang nangyari o hindi.Kumurap siya kay Lux nang mag-angat ito ng mukha at tiningnan siya sa mata."You're not too hot anymore," Nakangiting sabi nito sa kanya.Heart just simply nodded, "Salamat sa paghatid mo sa akin dito pero sana dun na lang ako sa condo. Dagdag pa ito
Chapter 31 - HeartNAGULAT si Heart nang biglang bumukas ang pintuan habang kinukunan siya ng dugo. Alas syete na ng umaga at hindi pa siya kumakain.Bumaba si Manang Siony para bumili raw ng mainit na sabaw sa kainan, malapit sa ospital."Good morning, Puso!" Sabay-sabay na bati ng mga kaibigan niya sa kanya.Natawa siya nang makita ang mga iyon, sa pangunguna ni Gigi."Ang aga niyo naman," sabi niya at tila hindi na naramdaman ang sakit nang itusok sa ugat niya ang karayom."Aba, syempre. Hindi namin pwedeng ma-miss ang ganda ng mukha mo kahit umaga," anang bestfriend niya pero napansin niya ang lalaki sa may likod ng grupo.Napakunot noo siya habang sinisilip yun."Sumama ang Bombay," bulong ni Gigi sa kanya, sabay irap."Hayaan mo na, wala tayong magagawa. Mag-aaway lang kayo niyan.""Ang kulit, parang alipunga.""Anong nangyari sa'yo, Puso?" Tanong ni Aiza sa kanya.Sa pagkakataon na yun ay itinago na ni Franco ang celphone at hinarap na rin siya. Ngumiti ang lalaki sa kanya."Nam
Chapter 32 - Lux"Bye, sir!" One of his female employees in the lobby said when he passed by, yet he remained stern and grumpy.Lagpasan lang ang tingin niya roon.He couldn't fake a smile, damn it! Napakainit ng ulo niya mula pa kaninang umaga. Sa umpisa ay hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang mood niya pero habang lumilipas ang sandali, na parang may mga imahe na nakapkaster sa loob ng utak niya, nalaman niya kung anong ipinagpuputok ng butsi niya.Mali ang kanyang nararamdaman. Hindi yun tama dahil nabibwisit siya nang dumating siya kanina sa ospital, at nabungaran niya ang pesteng si Franco Rodriguez, nakahaplos sa ulo ni Heart.He's claimant. In his mind, he was concluding that Heart was his. She's his woman, damn it! Walang ibang dapat na humahaplos kay Heart, siya lang.Why was that man acting like he was her boyfriend? Baka nagsisinungaling sa kanya si Heart. Baka talagang may relasyon ang dalawa ng Franco na yun.And she didn't protest about the wedding. Siya naman si