Share

Chapter 5 - Rejected

Chapter 5 - Heart

HINDI halos makahakbang si Heart nang tuluyang isara ni Vandros ang pintuan ng condo unit. Naroon na siya sa loob. Naihatid na siya. Napakaganda ng unit na yun, napakalaki na parang isang malaking pamilya ang pwedeng tumira. Napakayaman talaga ng lalaking bumili sa puri niya. Walang simpleng may kaya ang kayang bumili ng ganun klase ng condo unit. Hindi lang basta may kaya si Kerokeroppi, ubod yun ng yaman sigurado.

Ano pa bang gagawin niya, tatayo na lamang? Nag-text ang nanay niya na malapit na ang mga iyon sa Maynila. Kailangan na niyang magmadali sa pag-aasikaso ng certificate na siya ay virgin.

Tuluyan ng humakbang ang dalaga matapos niyang makapag-chat kay Gigi na naroon na siya sa bago niyang tirahan.

Tirahan nga ba o lugar ng parausan? Kahit ano pa man, wala na rin siyang magagawa. Kahit na ilang milyong beses man niyang tanungin ang sarili, ulit-ulitin sa sarili, wala na. Tapos na. Pagmamay-ari na siya ng isang lalaking mahilig sa sex.

Heart walked. May mga pinto siyang nakikita, tatlo, apat.

Hindi na niya naitanong pa kay Vandros kung saang kwarto siya tutuloy. Pwede naman siguro kahit na saan sa mga kwartong yun, basta nasa loob ng condo unit na yun.

Diretso lang ang tinumbok ng mga paa niya sa paglalakad. Pinakagitna rin na pinto ang tinapatan niya. She held the knob and twisted it. It ticked.

Bigla siyang nakaramdam ng takot. Mag-isa siya. Hindi naman siya takot sa multo pero dahil sa napakalaki ng unit ay nagkakaroon siya ng mga imahinasyon na mga hindi magaganda, mga nakakatakot.

Susko. Tinakot pa talaga niya ang sarili niya. She inhaled deeply and pushed the door.

Napanganga siya nang sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng kabuuan ng kwarto.

Everything is white. Parang tulugan yun ng hari kung tititigan niya, napakaganda at napakaelegante sa simpleng aspeto. She doesn't know. Simple pero elegante. Ngayon lamang siya nakakita ng ganun. Walang maraming abubot doon. May isang couch sa paanan ng kama, may dalawang bedside table. May closet, may sofa na kulay puti, may sariling telebisyon, malaki.

Naglakad ulit siya papunta sa isa pang pinto na kulay brown. Binuksan niya iyon at tumambad sa mga mata niya ang napakagandang shower room, na may banyo. Kulay puti rin iyon, highlights ay ang brown na kabinet na may lavatory na rin sa ibabaw.

Hindi na siya pumasok pa. Isinara ulit niya ang pinto na yun saka siya dumiretso naman sa mga kabinet. Salamin ang mga iyon. Isa-isa pa niyang binuksan ang mga yun pero lahat naman ay walang laman. She just put out her towel and her personal things. Isinaksak na lang niya ang kanyang bag doon, at ang dala niyang paper bag pagkatapos.

Pumunta siya sa banyo at pinakamasdan ang paliguan. Hindi siya tumapat sa shower dahil baka mamaya ay mainit ang ibuga nun na tubig, baka pinakuluang tao ang labas niya.

Todo ilag siya sa tapat ng shower pero walang tubig. Peste! Pinaikot-ikot niya ang handle pero wala talaga. Paano siya maliligo kung wala roong tubig?

Aksidente niyang napindot ang laylayan ng handle ng control valve at bigla na lang bumuhos ang tubig.

"Ay! De push, pull pala. Naloka ako. Wala kasi nito sa Japan," natatawa siya sa sarili niya. Maligamgam ang tubig na lumalabas doon kaya naman napapikit siya dahil iba ang hatid nun sa katawan niyang parang nanghihina kahit na umaga pa lang.

Daig pa niya ang isang kriminal na naghihintay ng oras ng kanyang bitay dahil mawawala ang kanyang virginity.

HAWAK niya ngayon sa kanyang kamay ang certificate na nagpapatunay na wala siyang anumang lacerations sa kanyang hymen. Mayroon na rin siyang sleeping pills at spray.

Nagtataka siya paano kung magising naman siya kahit na gumamit siya ng mga ganun?

Naglalakad siya sa tabing kalsada at nag-iisip nang malalim. Alerto siya sa mga tawag at texts sa kanya kaya hawak lang niya ang kanyang phone.

Tumunog na nga yun, at kakambal ng pangalan ni Vandros ay ang kaba na bigla ring sumusulpot kapag nakikita niya ang number at pangalan ng amo.

"S-Sir…" tumikhim siya.

"Where are you? Dadaan ako sa condo."

"N-Naglalakad pa po ako, sir. Galing ako sa duktor. May tanong sana ako paano kung magising ako, s-sir? Paano yung sabing papagamit ng tulog?" Luminga siya dahil baka may makaranig pero wala namang mga tao sa nilalakaran niya dahil office hours pa. Alas diyes pa lang ng umaga.

"Magpapanggap kang tulog. You will wear a blindfold. Hindi mo yun tatanggalin, Heart. Terminated ang kontrata kapag may nilabag kang isa sa rules. You will repay."

Susko.

"H-Hindi ko po ibi-break ang rules."

"Alam ko. May tiwala ako sa'yo. Oh, there you are. Stop right there, Heart. I'll get the certificate."

She automatically refrained from walking. Tumingin siya sa kalsada at natanaw niya ang paparating na sasakyan ni Vandros. Tumigil ito sa may mismong tapat niya at bumaba. He's the most handsome Vandros ever.

Iniabot kaagad niya rito ang certificate galing sa duktor.

"Buy your fold, Heart. Maglibot ka sa condo building para makita mo ang kainan dun. If you're hungry, grab something to eat. Here's the card. Ipapakita mo lang ito sa cashier. Anything you want, nandun lahat. May grocery dun sa baba. Ito rin ang ipapakita mo."

Kinuha nito sa wallet ang isang card na kulay platinum. Nakamasid lamang siya rito, walang salita. Kinuha niya yun at saka siya tumango.

Hindi niya alam kung magpapasalamat siya dahil bayad naman lahat ng yun ng kanyang serbisyo sa kama.

"Baka magbago ang rules. Depende yun sa gusto ni boss."

Tumango siya muli. Kung sana ba ay kasinggwapo ng apo ng Senyora ang sinasabi nitong boss, kampante sana siya kahit paano.

Gaga man siyang matatawag, naghahangad din naman siya ng gwapong aangkin sa kanya, huwag naman literal na Kerokeroppi talaga.

Diyos ko. Hindi pa man lang ay nasusuka na siya.

"B-Binigyan ako ng pills. L-literal na pills p-para hindi…mabuntis."

Alanganin siyang nakatingala sa amo, na kaswal lang naman na tumango. Seems like Vandros is already immune to this kind of work. Ilang babae na kaya ang natulad sa kanya, na dating waitress nito? Hindi naman niya ito pwedeng ireklamo. Siya naman ang may kagustuhan ng lahat. Wala naman itong kasalanan.

Sinabi niya sa duktor na pinapunta siya roon ni Vandros. Yun kasi ang bilin nito kanina sa kanya. Parang alam na alam na rin ng duktor ang gagawin. Uminom na raw siya ng pills. Eksakto pa naman na kakatapos lang ng regla niya nung isang araw. May kaunti pa nga kahapon pero hindi na halos tumalab sa panty niya.

"Take it."

Halos mapapikit na naman siya. Wala siyang alam. Kapag nabuntis siya, paano? Pero susundin niya ang sabi ng duktor para siguradong walang mintis. 

Hangal siya sa pakikipagtalik. Ni panonood ng mga malalaswang panoorin ay hindi pa niya nagagawa kailanman.

Balaha na si Batman.

"I'll go, Heart." Tumalikod ito pero agad na pumihit ang ulo papatingin sa kanya, "Nga pala, Lola Carmenzita already granted the request. Magsa-salary deduction ka na sa sunod na buwan. Ipu-fully paid ng management ang utang mo sa House Credit na laptop at idaragdag na lang sa utang mo sa restaurant."

"Talaga po?" Masayang tanong niya sa naiiyak na tono. Maluha-luha na kaagad ang dalaga.

"Yes. I told her your problem. Besides, may donation silang one hundred thousand. Galing sa foundation niya."

Napatalon siya at wala sa loob na yumakap kay Vandros.

"Salamat po!" Tuluyan siyang humagulhol pero marahan lang siya nitong hinagod.

"Pakatatag ka, Heart. You'll move on from this. Remember, hindi kita ipapahamak. Makinig ka lang sa pinag-usapan natin, makaka-survive si Tatang."

"Opo, salamat po," kusa siyang bumitaw dito at nagpahid siya ng luha.

Ngumiti ito nang kaunti sa kanya at saka muling sumakay sa sasakyan. She looked at his car as it moved away. Nang tuluyan na lumiit iyon sa mga mata niya ay saka niya binawi ang paningin.

She looked at the card in her hands and smiled.

Nasa tabi niya ang Diyos at hindi siya pinababayaan. Napakalaking halaga ng one hundred thousand para sa tulong sa ama niya. 

Lux

"BRO," nakangising bati ni Vandros kay Lux nang dumating ito sa parking ng law firm.

He was there, waiting for his wife, Yana.  Naninigarilyo pa siya kaya hindi pa siya pumasok. Naisipan niyang sunduin ang asawa niya kaya maaga siyang lumabas sa opisina. May imbitasyon ang College friends niya para kumain sa labas. Siya pa lang ang inimbita at siya na lang daw ang magsabi kay Diana. Kasama roon si Vandros.

"Here's what you need," anito saka inilabas sa isang envelope ang certification.

"This belongs to her?" He asked.

Naniningkit ang mga mata niya sa paghithit ng sigarilyo habang nakatingin sa papel.

Tumango siya pagkatapos. That lady doesn't have any lacerations. Ngumisi siya sa isip. He's totally safe. Apparently, may mga nauna naman na hindi na virgin, isa o dalawang beses nagpagamit kaya obligado siyang mag-condom. Mas mababa ang halaga ng ganun. Pero dito sa bago niyang laruan, hindi siya gagamit ng condom. Hindi pa sila magkikita. Depende sa tawag ng sitwasyon.

"Give me your phone," Vandros told him and he obeyed without questions.

May-ipinagtype ito roon. Dating gawi. Nag-save ito ng number at pangalan.

"Kapuso," anito sabay tawa kaya nailing siya.

"What's her name…Heart?" Lumiit ang isa niyang mata dahil hindi siya sigurado pero parang yun ang naalala niya.

He had read that name tag pinned on her left boob.

Ah, shit.

Naalala niya ang katawan ng babae na yun. It was enough reason for him to feel a sudden pinch of pain in his groin.

"Yes, bro. Paano mauna na ako. Settled na lahat."

Tumango siya habang nakatingin sa kaibigan.

"See you later."

Tango lang ulit ang isinagot niya. See you later kung pumayag si Diana. Hindi pa niya alam sa asawa niya. Depende pa sa mood nun kung sasama sila o hindi.

He glanced at his wristwatch.

Lumabas na sa main door ang staff ni Diana, ang lalaking ang karakas ay parang ang daming ibubuga, ang GGSS version sa lalaki, Gwapong Gwapo sa Sarili. Natutunan niya yan sa kanyang lola. Napupulot ng matanda ang mga ganung salita sa mga bakla sa salon. Natututunan na rin niya kasi ginagamit ng lola niya sa mga amiga nun at sa mga kasambahay.

Tumingin sa kanya ang lalaking empleyado ng asawa niya.

Hindi siya roon ngumiti. Nag-bow yun sa kanya nang kaunti pero hindi na niya pinansin. Maya-maya pa ay lumabas na si Diana kaya sinalubong na niya. She just looked at him.

Hinalikan niya ito sa pisngi.

Kinuha niya ang bag nito pero umiling ito.

"Why did you come? Aren't you busy with your work?"

"I'll finish it tomorrow."

"Sarili mo lang ang paghihirapan mo. I can drive alone. You don't have to pick me up."

Hindi siya umimik. A simple thank you will make his heart grow bigger. Gusto ni Diana ay trabaho lang ang pagtuunan nila ng pansin na dalawa. Masyado itong workaholic. Siya naman, pilit niyang binabalanse ang kanyang oras. He makes sure he doesn't neglect her. Parati niyang ipinakikita rito na nariyan siya.

Kapag nag-text ito at kailangan siya, itinitigil niya ang lahat para gawin ang hiling nito. Tinanggap na niyang ganun si Diana, seryoso sa buhay at masyadong pinaiikot ang mundo sa Accounting firm nito. Hindi lang niya makuha kung bakit hindi ito nagseselos at wala itong pakialam kung umuwi siya ng umaga na o ano pa man. Masyado siyang malaya rito. Ang rason nito, gusto raw nitong suklian niya ng ganun din ang lahat ng ginagawa nito. She wants freedom and privacy. Yun din ang ibinigay niya kasi yun daw ang ibinibigay nito sa kanya.

Lux walked his wife to his car and opened the door for her. Sumakay naman ito doon.

"Sweetie, there's a dinner—"

"Pagod ako, Lux," matabang na sagot nito, "May kailangan akong tapusin. You can go if you want. I will not mind."

May ngiti itong tumingin sa kanya kaya tumango siya, "I will not go."

Pinaandar niya ang sasakyan at saka dahan-dahan na nagmaneho para umuwi.

"No, okay lang. You go," kinalkal nito ang bag at kinuha ang phone.

Sumulyap lang siya roon.

Umiling lang siya at itinuon ang mga mata sa kalsada. Balewala sa kanyang hindi makapunta sa dinner na yun. Mga kaibigan lang naman niya ang naroon at mga asawa nun.

PAGDATING sa bahay ay sabay sina Diana at Lux na umakyat sa kwarto. Hawak niya ang smartphone at nag-chat kay Vandros na hindi sila makakarating sa dinner.

Vandros : What am I expecting from your wife? Lol.

Lux felt that his nostrils enlarged. Naiirita siya sa mga ganung linyahan sa kanya pag tungkol sa asawa niya kaya lang ay wala siyang magawa dahil totoo naman. Diana never made friends with his friends.

Itinago niya ang phone at pinag-seen lang ang kaibigan niya. Nilapitan niya si Diana na nasa harap ng salamin, may itini-text. Parang aburido na naman ang itsura ng misis niya. Mukhang stressed na stressed ito sa trabaho.

He held her waist while looking at her in their reflection. Niyakap niya ito nang tuluyan at hinalikan ito sa balikat. His body moved involuntarily, pressing her torso against her back.

" I thought you were going out," she said while still chatting, eyes on her phone.

"Nope," mahinang sagot niya sabay halik sa leeg nito saka sa panga pero biglang umalis si Diana at naghubad ng suot na tube top.

"You better go. Hindi kita maaasikaso, Lux. I have loads of work to finish. May bago akong kontrata sa Mariano Tours."

Napakunot noo siya at umawang ang labi. Hindi niya maalala kung sino ang may-ari ng Mariano Tours pero mas higit pa yun sa pamilyar.

"Enrico Mariano Tours, my ex-suitor, remember?"

Tumangu-tango siya. Naalala na niya. Hindi lang yun basta simpleng manliligaw. Sa pagkakaalam  niya ay naging boyfriend yun ni Diana, at naghiwalay lang ang dalawa nang makakilala ng iba ang lalaki, pero ang kwento nito at ng mga magulang nito ay ito ang umayaw kay Enrico.

"I offered him my consulting agency and he accepted it," nakangisi nitong sabi kaya naman ngumiti rin siya, "I'll make so much money from it."

"Of course. Does your work start tonight?"

"Yep," mabilis nitong sagot saka naglakad papunta sa banyo, hubo at hubad.

Para lang siyang pinasasakitan ni Diana. Hanggang tingin siya. Kapag kasi ayaw nito ay wala siyang nagagawa. He can't force her to make love to him. Ayaw niyang makasuhan ng rape.

"I'll just take a shower. Help yourself after and enjoy the dinner." Nakangisi nitong sabi, parang siyang-siya sa nakuhang deal.

Kung siya, pwede namang hindi na ito magtrabaho. Mayaman naman sila. Marami siyang negosyo at pera, but working is Diana's passion and who is he to stop her from building her biggest dream? Asawa lang siya pero hindi niya ito pag-aari dahil hindi niya ito binili tulad ng mga babaeng binabayaran niya ang serbisyo para gamitin niya at palipasan ng oras.

Tulad ngayon na sumisigaw ang pagkalalaki niya at kailangan niyang ilabas ang dapat.

He looked at his phone and searched his contacts. Pinindot niya ang pangalan ni Heart at nag-compose ng text message, gamit ang kanyang isa pang sim, registered to Vandros.

Lux : I'll be there in an hour. Clean yourself. This is the boss.

Mga Comments (69)
goodnovel comment avatar
Lyn B. Sales
gosto koy ipagpatuloy
goodnovel comment avatar
Mercy Ares Obina
gusto ko magpatuloy pls
goodnovel comment avatar
Ruel Domel
napakaganda ng story....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status