Chapter 59- HeartSOBRANG dami ng tao sa loob ng bakuran ng mga Montesalvo at parang umaatake na naman ang masakit na tagiliran ni Heart. Hindi niya alam kung dala yun ng kaunting nerbyos niya o may iba pa."Oh my G! Ate Heart!" Iyon ang tili ni Katy na agad na nagpangiti sa kanya at nagpalingon.Ang ganda ni Katy na sobra, at ang pogi na sobra ng kasama nitong lalaki.Bigla siyang niyakap ng desi seis anyos na dalaga pero ang mga mata niya ay nasa kay Lux, na agad din niyang inalis."Good evening po, sir Lux!" Bati ng mga kasama niya."Evening, ladies. Sis, pakilala mo naman ako sa magandang babae na 'yan."Susko. Kilig na kilig na naman ang mga kaibigan niya sa mga pa-style ni Montesalvo pero siya ay hindi ito pinapansin."Magpa-annul ka na muna!"Halos matawa siya sa pabirong sagot ni Katy sa kapatid."Isasako na kita mamaya pa, Katyleene Anne. You better take them to their seats now.""Opo, sir Lux."Natatawa siya sa mga asaran ng magkapatid. Parang na-miss niya tuloy ang mga kamba
Chapter 60 - LuxNAKUKUNTENTO si Lux sa pagmasid kay Heart sa di kalayuan. He was smiling inwardly, kilig pa rin sa pagsabi nitong mahal din siya.God.He has to thank God for finding someone like her in his darkest days. Hindi na siya nagsisisi ngayon sa pagpapalipas niya ng oras sa mga babae tuwing naghahanap siya ng mapupuntahan sa tuwing nasasaktan na sobra kay Diana.Pero kahit na ganun siya, ngayon ay hindi niya kayang magpalipas ng oras sa iba kung sakali man na magkakatampuhan silang dalawa. Isipin pa lang niya na maghahanap siya ng iba ay siya na ang nasasaktan. Hindi niya kaya. He's so faithful to Heart. Alam niyang ganun din ito sa kanya.Mahal na mahal niya ito at sisiguruhin niyang hindi ito magdududa sa katapatan niya. Malayo ang mga katangian ni Heart kay Diana, sobra."Kanina po pa tinititigan 'yang naka-off shoulder na itim, na may clip sa buhok," puna sa kanya ni Destiny.Hindi siya nag-abala na tanggalin ang mga mata niya sa dalagang hindi na nilulubayan ni Katy.Ma
Chapter 61"PALAKPAKAN naman d'yan! I am 8 weeks pregnant! To calculate it, hindi na nine months ang ipaghihintay ni Mama para sa kanyang apo!" Sigaw pa ni Diana sa mic at ganun naman ang ginawa ng ibang tao na walang alam sa sitwasyon.Sa mga sandaling iyon ay tila nakakabingi para kay Heart ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao.Napahikbi siya nang lihim hanggang sa maramdaman niya ang paghawak ni Katy sa kamay niya. Mas lalo siyang naiiyak nang tingnan ang mukha nitong nakikisimpatya sa sakit ng kanyang kalooban."Smile, Ate," Katy mouthed and she nodded.Napakahirap. Kailangan niyang magpanggap na hindi siya nasasaktan kahit na sa totoong buhay ay parang piniga na ang puso niya nang sabihin iyon ni Diana.Pwede naman talagang mabuntis si Diana. Halos nasa iisang bwan pa lang naman silang magkakilala ni Lux. Imposible na hindi nagtatalik ang dalawa nang mga panahon na hindi pa siya binabayaran para maging parausan.Wala na. Napawi na ang kasiyahan na nararamdaman niya nang sabihi
Chapter 62KUMAWALA ang mga luha sa mata ni Lux habang naghihintay sa resulta ng pag-eksamin ng resident doctor sa isang ospital na hindi sikat sa Maynila ngayon at bagong tayo pa lamang.Lalaki nga ang duktor pero wala siyang pakialam. Nakasandal siya sa pader at masama man na sabihin, naghihintay siya sa text ni Heart.Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit wala siyang kasiyahan na nararamdaman sa pagbubuntis ni Diana…biglaang pagbubuntis, take note.He's suppressing his damn self to stop thinking inappropriate thoughts about her pregnancy. Baka nga totoong buntis naman at siya talaga ang ama, napakalaki ng kasalanan niya sa anak nila dahil sa kung anu-anong kaisipan ang tumatakbo ngayon sa buong sistema niya.The doctor went out of the room and so he stood up."Mister Montesalvo, right?" Tanong ng lalaki sa kanya.This guy looks damn familiar."Yes.""I'm doctor Christian Mayor. Your baby is safe.""Thank God," nausal niya."Please take care of the mother. Medyo maselan siya. M
Chapter 63 - HeartNAPATDA si Heart sa may pintuan nang buksan niya iyon, at walang tulog na itsura ni Lux ang nabungaran niya.Nakaupo ito sa isang bato, nakatulala sa may carpet. Wala ito sa kaayusan at agad na napatayo nang makita siya.Parang first time iyon sa pakiramdam ni Heart, may kaba."B-Bakit ka nandito? A-Aalis na ako mamaya."Nagpakailing-iling si Lux sa kanya at agad na kinuha ang kamay niya, "No. You stay here."Maluha-luha ang mga mata nito at ipinasok siya sa loob, saka siya hinalikan sa labi. Hindi siya nakatutol pero hindi rin siya nakatugon."You love me, right?" He asked."P-Pero magkakaanak na kayo at ayokong alisan ng tatay ang bata na yun. Ginagawa ko yun…" napalunok siya dahil namuo ang mga luha niya, "kasi…kasi para rin sa sarili ko. Ayokong kagaya mo ay sumbatan ako ng magiging anak mo dahil inagaw kita sa kanila.""No!" Tumaas ang boses ni Lux at napatalikod saka humawak sa may baywang, "Wala kang inagaw, tandaan mo 'yan. It was my decision to take you, ma
Chapter 64 - HeartBUNTONG hininga ang sagot ni Heart sa tanong ni Gigi kung kumusta na siya. Naglalakad silang dalawa papauwi, dumistansya sa karamihan ng mga kaibigan at sabi nila ay may pupuntahan silang dalawa.Dahil sa pagod ay hindi na rin sumama ang mga iyon."Andito, nagpapakatatag kasi feeling ko ang hina niya ngayon.""Mahal ka kasi niya at pakiramdam niya ay mawawala ka na dahil sa sinambulat ng asawa niya. Pero paano kung totoong buntis, kaya mo ba talagang tanggapin?"Hindi siya sumagot dahil sa totoo lang, nasasaktan din siya. Hindi naman siya Santa na may perpektong pagkatao. Kahit na ilang ulit niyang sabihin na okay lang na buntis si Diana, sa isip at puso niya ay may selos siyang nararamdaman, inggit at pait. Iba na kapag lumabas na ang anak ng dalawa. Lux will spend quality time with the baby and she doesn't know how she will deal with it.Ayaw niyang magpanggap na hindi siya apektado dahil sa totoo ay nilalamon ang buong sistema niya ng matinding selos at takot."Hi
Chapter 65 - LuxNAKATULALA si Lux sa cabinet sa loob ng kwarto nila ni Diana, sa dati nilang bahay. Hindi niya alam kung anong ginagawa niya roon pero basta na lang siya dinala roon ng sarili niyang mga paa, pagkatapos niyang maligo sa sarili niyang bahay.Naroon pa rin pala nakatira si Diana. Hindi dun umalis ang babae. Naglakad siya papunta sa walk-in closet at binuksan ang ilang cabinet. May mga damit doon ng babae. Binusiklat niya iyon. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya, malamang ay ebidensya ng iba pang pwedeng lalaki ni Diana.He pulled a drawer and it was locked. Naghanap siya ng susi sa kanyang bitbit na keyholder. Alam niya ang susi roon at mayroon siya.He opened it. Mga botelya ang laman nun. Kinuha niya isa-isa at nakita niya na may sleeping pills, may vitamins at may contraceptive pills.Sinasabi na nga ba niya.Muli niyang kinalkal iyon at may nakita siyang isang papel. Clinic ng doktor ang naroon at reseta iyon kay Diana. Pills nga ang nakasulat at napakatagal
Chapter 66TULAD din ng kanyang desisyon, ang utak ni Heart ay parang hati na rin sa dalawa sa paninimbang at pag-iisip. She really wanted to leave for a moment and be on her own. Gusto niya iyong mapag-iisa sana siya dahil gusto niyang kilalanin ang sarili.Napakalungkot niya at hindi niya matiyak kung siya ba ay makakapagtrabaho ng maayos. Kapag naman hindi siya nagtrabaho, baka maburyong lang siya sa bahay. Parang lahat ng lang ng bagay ay wala siyang buong desisyon.Nakamasid siya kay Lux habang ito ay nag-aasikaso. Naglalagay ito ng mga damit sa bag at nakararamdam siya o nag-iisip siya ng masama, na hindi na ito babalik.Kung nariyan ang Nanay niya baka mapagalitan siya dahil ang sasabihin nun, masyado siyang taliwas sa katotohanan kung mag-isip.Binura niya ang isip na hindi na si Lux babalik. Bibyahe nga pala ito at masama na mag-isip siya ng ganun.Deep inside her, she wanted to go with him."Sana ako na lang siya," hindi napigil na sabi niya at huli na para bawiin.Agad na n