Share

c10

C10

TAHIMIK na pumasok si Heart sa kwarto nila at dumiretso siya sa walk-in closet. Ramdam niya ang paghabol ng titig ni Lux sa kanya pero nag-iipon lang siya ng lakas ng loob na magtanong.

She's getting herself ready to hear his words and answers to all the questions she will fire at him. Sana, magsabi ito ng totoo. Ang tanong, handa ba siyang marinig ang totoo kung sakaling masakit iyon?

Pumasok siya sa banyo para maligo na muna. Paglabas niya ay may nakahandang pagkain sa bedside table. Nilapitan niya iyon at tahimik siyang kumain. Kinuha rin ni Lux ang isang plato sa tray at kumain din ito habang nakaupo naman sa kama.

Wala silang imikan na dalawa hanggang sa matapos siya. Kinuha niya ang mga pinagkainan nila.

"Ako na," anito pero nagpatuloy lang siya at lumabas ng kwarto.

Pagdating niya sa kusina ay naramdaman niya na nakabuntot si Lux sa kanya.

"Baby, galit ka," anito sa kanya.

Sumandal ito sa may malapit sa kanya pero nagpatuloy siya sa paghuhugas ng plato, sa halip na isaksak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
update pls Ang ganda grabe
goodnovel comment avatar
belle2294
Thank you Miss Author sa update!... Naku Heart,wag kang pakampantr dahil bala alam ni Silvana na si Lux yung nakabili sa kanya noon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status