Share

Chapter Five

RASHEEQA's POINT of VIEW

"I will take full responsibility of Rasheeqa." 

"Ha?" usal ni Aiah at tila nag-aabang ng sagot kay Spruce.

"I-If she will only sign the contract with us. Natural na maging responsibilidad ko siya dahil ako ang employer." 

Oh geeez. He's still into contract. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Hayok na hayok yan sa katagang successfull. Hindi pwedeng ihiwalay ang pangalan niya sa salitang success.

"Hakdog ka pala e." medyo napasigaw pa si Aiah dahilan para mapatingin samin ang ibang taong kumakain.

"Tama na yan, Aiah. Umalis na tayo." muli ko na naman siyang hinila palayo kay Spruce.

Malaking gulo pagnagkataong mag-eskandalo dito 'tong babaeng 'to. May ugali din kasi siyang ayaw magpaawat.

"I will be seeing Rasheen later this noon. Wanna join?" 

Kunot noo at puno ng pagtataka na napatingin ako sa kanya. 

As if naman na sasama sa isang estranghero ang anak ko. Nag-iisip ba 'to?

"I mean, it would be nice seeing both mother and daughter in the same spot. What do you think?" 

"Anak ng— Paano niya nalaman na anak mo si Rasheen? Don't tell me na sinabi mo sa kanya?"

Napatampal na lang ako sa sarili kong noo dahil kakengkoyan ng kaibigan ko. Bakit ang talas ng tabas ng dila niya?

"Alam na din ba niya na siya ang—"

Kaagad kong tinakpan ang bunganga niya para hindi niya matuloy ang sasabihin niya "Cut it, Aiah." utos ko.

Medyo ginulo ko ang buhok ko na para bang tinatakpan ang mukha ko dahil naagaw na namin ang atensyon ng mga tao dito.

"Inamin niyo din." sabi ni Spruce na para bang nanalo sa pustahan.

Napapikit na lang ako at mahinang bumuga ng hininga. "Nagkakamali ka, Spruce. Hindi ganon ang ibig sabihin ni—"

"That's enough. I'll be fetching you later this lunch to talk about my proposal. And I'm sorry but I badly need to leave right now 'coz I still have things to work on. See 'ya." sabi nito at naunang umalis

Did my manager just dig my own grave? 

"Bakit mo naman kasi sinabi yon?" baling ko kay Aiah na kaagad namang umiwas ng tingin.

"W-What?"

"Aiah naman e. Todo deny nga ang ginawa ko sa kanya kanina, tapos—Argh! Bakit ba ang hindi mo magawang itikom ang bibig mo?" inis kong sabi at naglakad na din palabas ng resto

"Bakit kasi hindi mo sinabi sakin na kilala niya ang anak mo?" tanong niya habang sinasabayan ako ng lakad.

"Paano ko sasabihin sayo kung kaninang umaga ko lang din nalaman? Psh." 

Nagkanda-letche letche na. I better think of a plan kung paano patahimikin ang lokong 'yon. He better not to tell it on media dahil pagnagkataon, this will be the end of my career.

Tssk. 

ᎢᎻᏆᎡᎠ ᏢᎬᎡᏚᎾN'Ꮪ ᏢᎾᏆNᎢ ᎾF ᏙᏆᎬᏔ 

Pagkarating ni Spruce sa palapag na kung saan nandoon ang kanyang opisina, bumungad sa kanya ang sekretarya nitong si Khiya na tumatakbo papunta sa kanya.

"Siiiirrr." 

"What's the matter?" tanong niya nang makalapit ito sa kanya.

Inayos muna ni Khiya ang kanyang sarili bago magsalita. Mas gusto kasi ng Boss niya ang makipag-usap kapag maayos ang postura ng kinakausap niya. 

"Tulungan niyo po ako sir. Si ma'am Collen po kasi, nasa loob siya ng opisina niyo. Anong gagawin ko sir? Papatayin niya daw ako kapag nakita niya ang pagmumukha ko? Hindi ko naman po kasi pwedeng takpan ang mukha ko dahil hindi ako makakapag-trabaho ng maayos. Please siiiir, heeeelp me." desperadang pagmamakaawa nito.

"Ako na ang bahala." he said as he smiled and tapped her shoulder as assurance.

"Talaga sir?" hindi naman makapaniwala ang kanyang sekretarya kaya tinanguan lang siya ng binata. "Teka, bakit parang iba yata ang ngiti mo ngayong umaga? May nangyari ba sir? Na-close mo na ba ang deal kay Sir Lorenzo?" pag-uusisa pa nito.

"Bumalik ka na sa trabaho mo. Ako na ang kakausap kay Collen." 

"Sige po."

Pumasok si Spruce sa kanyang opisina. Nakita niya si Collen na nakaupo sa malaking sofa at nang matunugan nang dalaga na may pumasok, kaagad itong tumayo at pumunta sa gawi ni Spruce.

"Thank God. Dumating ka din sa wakas." sabi nito na para bang naibsan ang pagkabagot sa paghihintay.

"What can I do for you?" 

"Maniningil lang naman sa utang mo sakin kahapon."

"May inaasikaso ako kahapon." 

Tinungo ni Spruce ang kanyang mesa at umupo sa sarili nitong upuan. Pinasadhan niya ang mesa gamit ang kanyang hintuturo at tiningnang mabuti kung may bakas ba itong alikabok.

"Spruce naman e. Unang branch ng boutique ko kahapon ang nagbukas. Bakit hindi mo man lang magawang suportahan ang pinakamamahal mong pinsan?"

Nang masiguro niyang malinis at walang dumi ang kanyang mesa, sinimulan na niyang gawin ang trabaho niya. 

"Babawi ako sa susunod." 

Kinuha ni Spruce ang kanyang salamin at sinimulang basahin ang ilang dokumento na nakapatong sa kanyang mesa. Medyo marami-rami na din ito dahil hindi siya pumasok kahapon kasi mas inuna niyang alamin ang tungkol sa anak ni Rasheeqa.

May inutusan naman siyang mag-imbestiga dito, pero hindi siya mapakali at gumawa ng sariling pananaliksik patungkol kay Rasheeqa makalipas ang siyam na taon magmula nang maghiwalay sila.

"Ngayon ka na lang bumawi." nakangising sabi ng pinsan niya at napatawa pa na para bang tuwang tuwa sa kung ano man ang naisip niya.

"Stop grinning, Collen. Nagmumukha kang mangkukulam." suway niya rito.

"Psh. Sa ganda kong 'to?" lumapit sa kanya si Collen at pinatong ang magkabilang siko nito sa kanyang mesa at umakto na parang nagpapa-cute dahil nakapatong ang baba nito sa kanyang palad. "Anyway, kung gusto mo talagang makabawi sakin, gawin mo na lang ang pabor na hihilingin ko." nakangiting sabi nito kaya saglit na napabaling sa kanya si Spruce at bumalik ulit sa ginagawa.

"Spill it." 

"Makipag-blind date ka sa kaibigan ko mamayang gabi—"

"I decline." maikling sagot ng binata na nakapag-nguso kay Collen.

"Pretty please." pagpupumilit pa nito.

Pinirmahan ni Spruce ang isang dokumento at binasa ang ilang pang mga dokumento na nasa kanyang mesa. "Ask me anything maliban sa dating thingy." sabi nito dahil hindi pa din umaalis ang kanyang pinsan sa harap niya.

"Promise. Mas maganda 'to kumpara sa dati kong nireto—"

"Still, no."

"Sabi mo babawi ka. 'yon lang naman ang gusto ko." nakangusong sabi ni Collen na daig pa ang batang gustong magpabili ng laruan sa magulang.

Inilapag ni Spruce ang hawak nitong dokumento at napasandal sa inuupuan nito. "Maghanap ka muna ng asawa mo, tsaka ko papatulan ang mga nirereto mo sakin." he retorted na mas lalong nakapagpainis sa pinsan niya. 

He has a point. Why would his cousin bother him to start dating when they are both sharing the same boat. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Visitor
Pinsan lng pla
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pinsan nya pala si collen,tama nga nman collen bakit ang kinukulit mo samantalang parehas lang kayong single
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status