Isang navy blue Nike tshirt at puting short ang isinuot ni Andrea na sinipat pa ang sarili sa salamin bago bumaba sa hardin. Masaya siyang tila maghapon niyang makakasama si Anthony ngayon dahil wala itong binanggit na aalis ito. Gusto niyang isiping tuluyan nang nawala ang pagkailang sa kanilang dalawa at umaasa siyang tuluyan na silang magkakaayos.
Naabutan niya itong kausap ang ilang tauhan sa may hardin na kaagad namang ngumiti nang makita siyang paparating.
Si Anthony ay nakatanaw lang kay Andrea mula sa balkonahe. Hindi niya maipaliwanag ang nakita nitong lungkot at galit sa mata ng dalaga kanina bago ito lumabas ng silid. He cursed himself for being arrogant and selfish. Ipinagkaloob ni Andrea ang sarili sa kanya kahit wala siyang ipinangakong kahit na ano. Ngayon ay nag-iisa ito sa dilim at malamig sa labas. Pero alam niyang kahit babaan niya ito'y hindi rin naman siya kakausapin ni Andrea. Bukas ay kakausapin niya ang ina tungkol sa mga lumabas na balita.Kinabukasan ay tangh
Alas otso ng gabi ng naisin ni Andrea na maghanap ng coffee shop na malapit sa tinutuluyang hotel. Kung ang iba'y hindi nakakatulog kapag nagkakape, sa kanya ay baligtad. Coffee soothes her nerves when tensed or confused. At lalo kapag hindi siya dalawin ng antok.Luckily ay may starbucks siyang nakita doon. Mangilan-ngilan lang ang tao na halos nakasubsob lahat sa laptop o teleponong hawak. Nakasuot siya ng jacket na may hood, at salaming wala namang grado. Dumeretso siya sa counter at umorder pagkatapos ay naghanap ng pwesto
Tanghali na ay wala pang balita si Anthony kung nasaan na si Andrea. O kung pabalik na ba ito. Gusto niyang liparin ang Puerto Princesa pero paano kung nasa daan na ito pabalik ng Dumaran?Damn, Andrea, why are making this hard for both of us?In desperat
Halos hindi makapasok sa opisina ng FGC si Anthony sa dami ng reporter na nag-aabang para ma-interview siya. Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos mailathala sa dyaryo na ikakasal sila ni Andrea ngunit hindi natuloy dahil walang balita kung nasaan ang dalaga. He was devastated and hurt. Isang linggo siyang hindi makausap nang maayos ni Margarita. Kung hindi lang siya binantaan ng ama na susugurin sa hacienda ay hindi pa siya luluwas sa Puerto Princesa.Hindi itinuloy ang preparation ng kasal dahil alam nila Olive na walang
Nakatanaw si Andrea sa bintana ng condo na tinitirhan ni Perly at ng asawa sa Singapore. Puro ilaw ng mga sasakyan at matatayog na gusali ang natatanaw niya. Dalawang buwan na mula ng umalis siya ng Pilipinas at ni minsan ay hindi siya tumawag sa manager tulad ng ipinangako niyang tatawag-tawagan niya ito. Sa loob ng pananatili niya dito'y nalibang siya sa dalawang pamangking si Samantha at Nicholas. Ito ang inaalagan ng ina dito sa Singapore na mga anak ni Perly dahil nagtatrabaho ang pinsan sa isang advertising agency. Inalok din siya ng trabaho nito dahil may bakanteng posisyon na pwede niyang applayan. Kung hindi lang sa kalagayan niya ngayon ay hindi siya magdadalawang isip na tanggapin iyon.
Sa lobby nagtungo si Anthony pagkalabas sa silid ni Andrea. Kaninang pagkakita niya sa dating kasintahan ay gusto niya itong yakapin ng mahigpit at aminin ang totoong damdamin niya dito. Pero nang makita ang galit sa mga mata ni Andrea ay nawalan siya ng lakas ng loob. Nang hindi siya lantarang ipinagtabuyan ay lalo lang siyang nadaig ng takot.Nagtungo siya sa isang hotel na katabi lang ng condo ni Andrea. Kailangan niyang makapag-isip ng maayos at makapaghanda sa susunod na pagkikita nila ni Andrea.
Wala pang isang oras ay kumatok na ang manager niya sa pinto na ikinagulat niya. Ni hindi pa siya nakaka-recover sa pag-uusap nila kanina. At ngayong umaga ay tila hinahalukay ang tyan niya. Ipinagpaliban muna niya ang pagkain para hindi madagdagan ang nararamdamang bigat sa tyan."Nakapag-usap na ba kayo ni Anthony kung ano ang idadahilan niyo sa pagkansela ng inanunsiyo niyong kasal?"
"Hindi mo kailangang um-attend sa interview sa akin, Anthony," mahina niyang wika."Nasabi ko na sa manager mo na sasamahan kita. Kumain ka na ba?" masuyo nitong tanong na nagtungo sa kusina at binuksan ang ref."Marami kang trabaho sa hacienda, hindi kita gustong abalahin."