“It’s still early. Bakit nagpasundo ka na kaagad?”Hindi ko sinagot ang tanong ni Dylan at sa halip ay nagsuot na lamang ng seatbelt. I texted him ten minutes ago tapos ngayon, nandito na siya kaagad. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na sinundan niya nna talaga ako kanina pa at hinintay lang ang message ko para magkunwaring sinundo ako.I want to ask him about that but that’s the least of my concern right now. “Why are you sulking? May nangyari ba?” he asked once again.Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago umayos ng pagkakaupo. Marahan akong umiling at sumandal na sa upuan bago tumingin sa labas, iniiwasan ang kahit na anong konbersasyon. Hindi nakatakas sa aking tainga ang malakas niyang pagbuntong hininga kaya’t wala sa sarili akong napatingin sa gawi niya. Ini-start na niya ang sasakyan kaya’t hindi na niya naabutan pa ang pagtingin ko sa gawi niya.My lips puckered while observing him. Mukha naman siyang bagong gising dahil iyon pa rin ang suot niya. Medyo magulo rin
“Ready na ba lahat?”Nag-angat ako ng tingin kay Dylan nang pumasok siya sa loob ng silid namin. I gave him a half shrug before continuing what I was doing. Naramdaman ko naman ang paglalakad niya palapit sa akin. “Tapos ka na kaagad? Gaano bang kaunti ang ipinack mo?” takang tanong ko sa kaniya.He let out a soft chuckle. “I don’t need that much clothes. In fact, hindi mo rin naman kailangan nang marami dahil…”“Dylan,” suway ko sa kaniya at tiningnan siya nang masama. Muli nama siyang tumawa na para bang nakuha niya ang reaksiyong gusto niyang makuha mula sa akin. Napailing na lamang ako at hinayaan na siya. Masaya siyang iniinis ako, e. Bahala nga siya. “Nagpaalam ka ba sa Tita mo na aalis ka? You know, baka bigla kang hanapin,” he asked while helping me fold some of my clothes.I groaned and shake my head. “Dylan, come on. Sa tagal kong nakatira rito sa bahay mo, hindi man lamang niya tinanong kung saan na ako tumitira. Masaya na ‘yong nasosolo niya ang bahay lalo pa’t nakakulo
“Declan, sabi ko, buong katawan ko ang picture-an mo. Bakit mukha ko lang ang nandyan, ha? Ano ‘yan, one by one na I.D.?” I pursed my lips together while looking towards Dylan’s parents. Kadarating lamang namin dito sa New Zealand pero nagbabangayan na sila kaagad. Hindi naman kami ganoon ni Dylan kaya’t hindi ko maiwasang magtaka at mamangha habang pinapanood sila. Bakit kaya hindi pa rin sila naghihiwalay kahit na nag-aaway naman sila palagi? Dylan’s father groaned. “Hindi ko nga alam kung paano tanggalin itong zoom. Sino bang nangialam ng cellphone ko, ha?” Lihim akong natawa habang pinagmamasdan sila. Animo’y nagpapanic na ang tatay ni Dylan dahil hindi alam kung anong pipindutin sa kaniyang telepono. “Dylan, Dylan! Pumarito ka nga!” Napatingin ako sa katabi kong si Dylan nang tawagin siya ng nanay niya. Just like his father, he groaned before getting up on his seat.
“What the fuck?”An eerie silence filled the van upon we heard what Dylan told us. Maging ako ay hindi makapaniwala sa aking narinig. Ano raw? Ako… kami… ikakasal na ngayon?! “Dylan, cut the crap. Huwag kang magloko nang ganiyan,” seryosong sambit ng tatay ni Dylan kaya’t maging ako ay hindi mapigilang kabahan. Hindi siya palaging seryoso lalo pa’t kasama niya ang nanay ni Dylan ngunit ngayon… Wala sa sarili akong tumingin kay Dylan habang hinihintay niyang sabihin na joke lang ang sinabi niya subalit kahit ilang minuto na ang nagdaraan ay hindi pa rin siya nagsasalita at sinasabing joke lang ang sinabi niya. Alam kong ikakasal kami. Pero hindi ko alam na… ngayon pala? What the fuck? “Dylan ‘nak, hindi ‘to magandang oras para magbiro.” Hindi tulad ng tatay ni Dylan na inis na inis na at animo’y nagpapanic, mukhang kalmado naman ang nanay ni Dylan. Nang tingnan k
“They’re getting married.” “W-What? Are you serious?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. He let out a harsh breath. “Their parents arranged them for a marriage. Ikakasal sila after four months.” “I have an offer.” Ibinalik ko ang aking tingin kay Dylan nang muli siyang magsalita matapos ang katahimikan sa pagitan namin. Kunot noo ko siyang tiningnan. “What is it? Kanina mo pa sinasabi ‘yang offer mo na ‘yan pero hindi mo naman sinasabi kung ano,” I asked him. “Gusto mong umuna sa kanila?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. “What do you mean?” He smirked as he leaned closer towards my direction. Hindi ko naman mapigilang mapalunok dahil sa ginawa niya. “Marry me, Kaia,” God knows how much I tried to resist the
“So how does it feels like to be married?” Dylan and I groaned in unison when Iverson asked that question for the umpteenth time. “Isang tanong mo pa ng tanong na ‘yan, tatamaan ka na talaga sa akin, Iverson,” banta ko at pinanlakihan siya ng mga mata. “Ano? Nagtatanong lang, e.” He looked towards Dylan’s mother and pouted. “Tita, oh. Inaaway ako ni Kaia. Huwag niyo ngang i-accept sa pamilya niyo.”Inirapan ko na lamang siya dahil kanina pa siya ganito. “Tingnan mo pa, Tita Layla, oh. Ayaw nilang maghiwalay. Hindi na yata makapaghintay ng honeymoon—““Iverson,” sabay na suway namin sa kaniya ni Dylan. Dylan’s mother cleared her throat. “Don’t worry, Iverson. Matutulog lang ang dalawang iyan,” sambit niya at tumingin sa gawi ko. My eyes widened as I looked down. Alam na alam ko na kung ano ang tinutukoy niya ngunit kaming tatlo lamang ni Dylan ang nakakaal
“Mag-ooffer sana ako kung kailangan niyo ng katulong sa paglilipat ng gamit pero nakalimutan kong sa bahay mo na nga pala nakatira si Ate Kaia bago pa kayo ikasal,” natatawang sambit ni Lance kay Dylan. “Is that a good thing to say or…” I trailed off. Lance chuckled. “A good thing, of course. At least hindi na kayo mahihirapan sa paglilipat ng mga gamit,” mabilis na bawi niya kaya’t maging ako ay natawa. Niloloko ko lang naman siya, masiyado siyang seryoso. “Bakit nga pala hindi ka pa nagpadaan sa bahay? Hindi ka sa bahay uuwi?” Napatingin ako kay Dylan nang marinig ko ang tanong niya kay Lancce. Wala sa sarili naman akong napatango. Kauuwi lang namin galing New Zealand at idinaan na namin ang Mama at Papa ni Dylan sa bahay nila subalit nagpaiwan si Lance kasama namin. Sina Danielle, Maurice at Iverson naman ay dumiretso sa Batangas para pumunta sa hacienda nina Danielle kaya’t humiwalay na
“Today is your father’s hearing. Hindi ka ba pupunta?”I let out a harsh breath upon hearing Dylan’s question. “Dylan, tinatanong pa ba ‘yan?” pabalang na tanong ko sa kaniya pabalik.“Sabi ko nga, dapat hindi na ako nagtanong,” naiiling na tugon niya kaya’t muli akong bumuntong hininga. “I’ll just go home early. Is that all right?”Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagkibit-balikat. “Aalis nga pala ako,” seryosong sambit ko.Just like what I am expecting, his brows immediately drew in a straight line. “Saan ka pupunta? Wala ka namang sinabi sa akin kahapon na aalis ka.”“Pupunta muna ako kay Lola. Baka bukas na ako ng umaga umuwi,” kaswal na sagot ko sa kaniya. Bumangon na ako mula sa higaan at tumingin sa kaniya. “Huwag mo na akong sunduin. Magcocommute nalang ako pauwi.”“Bukas ka nalang kaya pumunta? I’ll go with you tomorrow.”Mabilis akong umiling at tumayo na upang makalapit sa kaniya. Kagagaling niay lamang sa banyo at katatapos lamang maligo kaya naman basa pa ang kaniyang