Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na nagtanong pa kahit na naguguluhan ako sa kung ano bang ikinakagalit niya. Baka nga tama siya at may trabaho talaga si Lieutenant Creed sa loob at iniwan lang para makipag-chikahan sa akin. Hindi naman siya magagalit kung walang dahilan, ano. Tulad kanina ay pinagbuksan niya akong muli ng pinto sa kotse niya. Agad naman akong sumakay at walang imik na nagseatbelt—ganoon din siya. Ang pinagkaiba lamang sa kanina, ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin kaya’t ilang beses akong napalunok at napaayos ng upo. Galit ba siya dahil nakipag-usap ako sa katrabaho niya? Peke akong umubo at humarap sa gawi niya. “Si Lieutenant Creed… hindi ko siya chinichika, ha,” depensa ko at muling nag-iwas ng tingin. “Akala niya lang ako ang asawa mo kaya siya lumapit. Malay ko bang may trabaho siya sa loob saka susunduin ka nga niya dapat kasi akala niya, ako si Kaia. Nilinaw ko naman na hindi—“
“Blooming ka, Thalia, ah? Happy?”Tumigil ako sa pakikipaglaro kay Rory nang marinig ang boses ni Ma’am Brielle. Kakabukas niya lamang ng pinto at mukhang kadarating lamang galing sa trabaho. Nagkibit balikat ako at tipid siyang nginitian. “Ganito naman ako palagi, Ma’am Brielle,” tanging sagot ko sa kaniya ngunit animo’y nanloloko siyang ngumiti sa akin pabalik kaya’t napailing na lamang ako. Mula nang makauwi ako galing sa pagtatrabaho kay Dylan, halos araw-araw na niya akong tinutukso kahit na sinabi ko na sa kaniyang hindi ako kumportable roon. Hindi rin naman niya directly sinasabi sa akin na tinutukso niya ako kay Dylan pero… nararamdaman ko naman. Hindi niya sinasabi pero halatang-halata rin naman. Lumakad siya palapit sa amin at binuhat si Rory. Hinalikan niya ang pisngi ng anak bago lumingon sa akin. “Ikaw na ang magpatulog dito kay Rory, hmm? Magpapalit lang ako ng dami
“Where are you two going? At least tell me where, kahit na hindi niyo ako isama.” Sabay kaming napatingin ni Ma’am Brielle sa gawi ni Sir Aziel. Buhat niya si Rory na nakalingkis ang braso sa kaniyang leeg at kung makayakap ay parang aalis ang ama at ayaw magpaiwan. Malakas na bumuntong hininga si Ma’am Brielle kaya’t ibinaling ko ang aking atensiyon sa kaniya. “Thalia and I are going to have a girl’s me-time. Hindi mo ‘yon alam kaya huwag ka nang makisali,” sagot niya sa asawa habang umiiling. Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang marinig ang sinabi niya. Me-time? Ano naman ‘yon? “Ang sabihin mo, mags-shopping kayo.” “Right,” pagsang-ayon ni Ma’am Brielle kay Sir Aziel at tinaasan ito ng kilay. “At isa pa…” Lumingon siya sa akin at ngumiti. Wala sa sarili ko namang itinuro ang aking sarili dahil sa ginawa niya. Ako? Wala akong pambayad sa shopping
“You’ve been here in Manila for what… two months? Three months? How come we didn’t even know that a certain Thalia Esquivel who exactly knows like Kaia exists? The media… hindi ka nila nakita? How about Kuya Dylan’s friends? Paanong hindi namin alam ang tungkol sa ‘yo.”Umayos ako ng tayo nang tanungin ako ng tahimik na babae kanina. Base sa obserbasyon ko at sa naririnig kong pagtawag sa kaniya ng mga kasama niya, siya si Maurice Fontanilla. Hindi ko alam kung sinong mas matanda sa kanila ni Danielle Fontanilla—ang babaeng malakas ang boses at aakalaing eskandalosa—pero sa tingin ko ay halos magkasing-edad lamang silang dalawa. Hindi tulad ni Danielle Fontanilla na malakas ang boses at intimidating, si Maurice Fontanilla ay mahinhin ang boses at kalmado ngunit sa kabila niyon, ramdam ko pa rin ang awtoridad sa kaniyang boses na para bang isang mali lang na salita ang sasabihin ko, pakiramdam ko’y mamatay ako sa paraan ng pagtingin niya.
“Are you all right?” Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Dylan. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at gulat siyang tiningnan. “H-Huh?” Wala sa sariling tanong ko. “Well, you’re spacing out. May problema ba?”Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya at sa halip ay naguguluhan lamang na tumingin sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Brielle kanina. Matapos naming mag-usap ay inihatid na niya ako sa bahay ni Dylan. May spare key naman ako kaya nakapasok ako kaagad sa loob at hinintay na lamang ang pagdating ni Dylan mula sa lunch nila ng mga pinsan niya. ‘ Ilang beses akong napakurap habang pinagmamasdan si Dylan. He’s looking at me confusedly as if he’s trying to read what’s going on in my mind. Wala sa sarili akong napalunok at kapagkuwan ay nagbaba ng tingin. “Si Ma’am Brielle…” panimula ko.
“Are you sure you’re not really mad at me? Or you know… irritated?” “Why would I?” Ilang beses siyang kumurap at tinaasan ako ng kilay. “Sabi sa akin ni Aziel, nag-eenglish ka raw kapag galit ka ibig sabihin… galit ka nga?” tanong niya kaya’t muli akong napabuntong hininga. Nag-angat akong muli ng tingin sa kaniya at kaswal siyang tiningnan. “Bakit nga ako magagalit? Saan? Kanino?” Natahimik siya dahil sa tanong ko kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang mapailing. Ibinalik ko ang aking mga mata kay Rory na ngayon ay pinaglalaruan na ang buhok ko. “Baby, hindi ‘yan laruan. That’s not a toy, okay?” suway ko at inalis ang kamay niya sa aking buhok. Tulad ng inaasahan ko ay umiyak siya dahil sa ginawa ko. “Let me.” Tumingin ako kay Brielle nang marinig ang boses niya. Hindi na naman ako nagreklamo at ibinigay na sa kaniya ang anak niya. Wala sa saril
“Mabuti nalang pala at hindi ka nagpakulay ng buhok, ano, Thalia?”“Ha?”Tumawa si Brielle at tinapik ang aking balikat. “Kasi kung oo, iisipin ko na talaga na ikaw si Kaia. I mean, iniisip ko na naman na ikaw pero you know, mas lalo mo akong makukumbinsi. At least pinutol mo lang ang buhok mo,” sambit niya. Napipilitan may ay ngumiti pa rin ako sa kaniya. Wala naman akong balak magpakulay ng buhok, ano. Tingin ko ay hindi bagay sa kutis ko. Si Kaia Clemente naman kasi, para siyang naliligo sa gatas dahil sa puti ng balat niya tapos ako, heto at nabilad sa araw. Saka hindi ko talaga hilig ‘yong ganoon. “Basta tulad ng palagi kong sinasabi sa ‘yo, kapag may hindi ginawang maganda si Dylan, tawagan mo lang ako, hmm? Susunduin kita roon,” dagdag niya pa. Wala sa sarili akong napaayos sa aking kinauupuan. Nasa sasakyan na kami at ihahatid niya ako ngayon sa bahay ni Dylan. Mabilis na namang lumip
Ang simpleng pag-atras ko ay nasundan pa nang nasundan hanggang sa napansin ko na lamang ang sarili ko na tumatakbo papunta sa aking silid. Hindi ako sinundan ni Dylan pero hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko. Wala sa sarili kong nasapo ang aking dibdib at naghahabol ang hiningang umupo sa kama ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. It feels… weird. Si Dylan… hinalikan niya ako. Hinalikan ako ni Dylan! Sinampal ko ang sarili ko sa pag-aakalang nananaginip lamang ako ngunit nakailang sampal na ako pero hindi pa rin ako nagigising—dahil gising na naman talaga ako. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at nanginginig ang kamay na kinuha ang telepono ko sa may bed side table. Ititipa ko pa sana ang pangalan ni Brielle sa contacts pero hindi ko na nagawa nang bigla akong natigilan. Kapag ba sinabi ko sa kaniya na hinalikan ako ni Dylan… ano ang mangyayari? Hind