Share

CHAPTER 43

"MAKINIS pala ang babaeng ito, boss. Napakaganda pa at bango," maya-maya pa ay sabi ng driver at alam ni Samantha na sa likod ng maskra ay nakangisi ito.

Niyakap ng dalaga ang sarili dahil sa kilabot na naramdaman niya sa sinabi ng lalaki. Hindi siya makakapayag na dungisan ng mga ito ang kanyang pagkababae, magkamatayan man sila.

"Magtigil ka, Gago. Kahit ako man ay takam na takam sa babaeng 'to, pero hindi pwedeng salingin," sagot ng katabi ni Samantha.

Kahit paano ay nakahinga ng maluwag ang dalaga. Mukhang hindi inutos ng kung sino man ang galawin siya.

Hindi alam ni Sam, kung ilang minuto ang ginugol nila bago sila nakarating sa pagdadalhan sa kanya. Isang bahay iyon sa loob ng kagubatan. Tanging mga huni lamang yata ng ibon ang maririnig.

"Baba!" pasigaw na utos sa kanya ng lalaki.

Nanginginig ang mga tuhod ni Sam habang bumababa. Iginala niya ang paningin sa paligid sa pag-asang baka makakita siya ng kahit isang bahay o
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status