Share

Chapter One

"Devin Fajardo, the most successful young businessman in the country is with Katherine Revamonte; the daughter of a hotel magnate. It seems like they just came from a dinner date. Is the most eligible billionaire bachelor in the country not single, anymore?"

Below the caption is a video of Devin and that girl Katherine going out of a famous restaurant.

Reporters from different stations immediately approached them, but Devin used his arms to cover the woman's face habang nagmamadali silang pumasok sa nakahanda nang pulang Lamborghini Aventador.

Nag-unahan sa pagtakbuhan ang mga reporters pero huli na sila dahil humarurot na palayo ang sasakyan.

I don't know what will I felt with the scene that I've witnessed. Madidis-appoint ba ako dahil hanggang ngayon wala pang nakaka-alam na matagal na kaming kasal ni Devin o magagalit dahil kung hawakan niya si Katherine ay parang wala siyang asawa na makakakita sa ginagawa niya.

Sabagay, sino ba kasi ako? Kahit nga nagkikita kami sa pagtitipon noon, hindi naman kami kahit kailan nagka-usap. Baka nga kong hindi pa kami ikinasal sa papel ay baka hindi pa niya alam na nag-eexist ako sa mundong ito.

"Ate, bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan?" Usisa ni Portia nang dumaan siya sa harapan ko.

"Huh? Pinagsasabi mo? Hindi naman." Sagot ko sa pilit na pinasiglang boses.

"Kung wala kang gagawin, tulungan mo nga akong magluto." Utos ko sa kanya para ibahin ang usapan.

Pinatay ko ang tv nang iba na ang ibinabalita. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa sofa at nagderetso sa kusina upang magluto. Narinig ko ang padyak ng paa ni Portia sa likuran ko tanda na sinundan niya ako.

Kung noon, hirap na hirap akong utusan si Portia, ngayon ay hindi na. Marami na siyang pinagbago magmula nang maghirap kami.

Pareho pa kaming nangangapa sa buhay na bago saamin. I don't know how we will survive, but one thing is for sure, I will guide and help Portia to achieve her dream. Wala na kasi kaming maaasahan kay tito Henry. Magmula nang lumipat kami rito, palagi na lang siyang nasa kwarto. I don't know if he's depressed or he was just ashame to face us.

I hope he will reflect for his mistake and will never do gambling again.

Bumuntunghininga ako. Nang tignan ko ang orasan sa dingding ng kusina ay nakita kong pasado alas-singko na pala ng hapon. Oras na upang magluto ako. Mula kasi nang lumipat kami dito, ganitong oras ako nagsisimulang magluto ng dinner namin.

Inaabot kasi ako ng dalawa hanggang tatlong oras sa pagluluto dahil pinag-aaralan ko pa kong paano ang tamang pagluluto.

Adobong karne ng manok at salad na dahon ng kamote ang balak kong lutuin ngayon. Sa tantiya ko, aabutin ako ng tatlong oras kaya kailangan ko nang simulan.

Itinali ko ang aking buhok bago ako naglagay ng apron sa aking katawan.

Naka-defroze na ang manok. Ang kailangan ko na lang ihanda ay ang mga sangkap na gagamitin ko.

Pinagsaing ko si Portia. Hindi na niya kailangang bantayang maluto ang bigas dahil bumili ako ng rice cooker. Nagpalagay rin ako ng induction stove sa kusina namin dahil hindi ko alam kong paano gumamit ng gas stove. Actually, lahat ng mga gamit namin dito ay puro de kuryente. Sa katulad kong hindi sanay magluto, mas safe na ang ganito kaysa naman masunog ko ang buong apartment.

Habang nagsasaing si Portia, inihanda ko naman ang mga sangkap ng lulutuin ko. Naghiwa ako ng bawang pagkatapos ay sibuyas. Dahan-dahan ang ginawa kong paghihiwa dahil ilang beses na akong nasugatan. Ang ibang mga sugat ko sa nakaraang pagluluto ay hindi pa naghihilom. Kada magluluto kasi ako ay hindi pwedeng hindi ako masugatan.

Ang nakakainis pa, kada maghihiwa ako ng sibuyas, naiiyak ako. At ito na nga, nagsimula nang mamuo ang luha sa ang aking mga mata kaya hindi ko na nakita ang hinihiwa ko dahilan para mahiwa ko nanaman ang daliri ko.

Malakas akong napadaing. Binitawan ko kawaagad ang kutsilyo at nagderetso sa gripo upang hugasan ang sugat ko.

Pigil ang hininga ko habang pinapadaluyan ng tubig ang kamay ko.

Gosh! Ang hapdi.

"Ate, nasugatan ka nanaman?" Nag-aalalang tanong ni Portia.

Lumapit siya saakin at tsinek ang sugat ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Ate, napalaki yata ang pagkaka-sugat mo sa kamay mo ngayon?"

"I am okay, Portia. Ikuhanan mo nga ako ng band-aid." Utos ko sa kanya.

Pinunasan ko ang dumaloy na luha sa aking pisngi nang makatalikod siya saakin.

Ang hapdi ng sugat ko pero hindi ko pwedeng sabihin kay Portia dahil baka mas lalo siyang mag-alala saakin.

"Ate, huwag ka nang magluto. Bumili na lang tayo ng ulam natin." Suhestiyon ni Portia habang nilalagyan niya ng bad-aid ang hintuturo ko.

"Hindi na, sayang naman itong manok kong hindi natin lulutuin." Sagot ko.

Napangiti ako nang makita ko kong paanong ingat na ingat siya sa paglalagay ng band-aid. 

"Ano ka ba ate, lutuin muna iyan sa ibang araw. Ilagay mo ulit sa freezer. Ang laki ng sugat mo ngayon kaya huwag mo nang pilitin na magluto." Saway niya saakin.

Huminga ako ng malalim. Mukhang hindi nga ako makakapagluto ng maayos dahil sa sitwasiyon ng kamay ko ngayon.

"Sige, mag-order na lang tayo online. Saang restaurant mo gusto?" Pagpayag ko.

Portia's face lit up. She got excited all of a sudden.

"I am craving for a Japanese food today. Matagal-tagal na rin nang huli akong makakain ng masarap." Nakangiting sagot niya.

Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi. Para na rin niyang sinabi na hindi masarap ang luto ko na totoo naman.

When Portia realized something, her smile immediately fade away and looked at me apologetically.

"I'm sorry, ate. I am not complaining." Nakangiwing sagot niya.

I softly chuckled. She's so cute. I want to pinch her nose pero baka ako naman ang sumunod na humingi ng sorry sa kanya. Ang pinaka-ayaw na ayaw pa naman niya ay ang hinahawakan ang kanyang ilong.

"Tsskk. I know you are. Pasensiyana. Aminado naman akong hindi masarap ang luto ko. It should be me who should apologize. Mukhang pumayat ka na nga."Komento ko.

Napangiti ako ng bigla siyang tumayo at dambahin ako ng yakap. Muntik na kaming matumba sa sahig kong hindi agad ako nakahawak sa gilid na lamesa.

"Ate. Don't apologize. I'm sorry. I really am." At ito na nga, nagsimula na siyang humikbi.

"Hoy, anong iniiyak-iyak mo diyan? Mag-oorder ba tayo sa labas o mag-iiyakan na lang tayo dito?" Pagbibiro ko upang tumigil na siya sa paghikbi.

I knew her very much to know that she is guilty right now. Portia is very sensitive when it comes to me. As much as possible, she is avoiding to offend me. Pero minsan, walang preno ang kanyang bibig kaya nakakabigkas siya ng mga salita na akala niya ay ikakasakit ng damdamin ko.

Kung alam ko namang totoo ang kanyang sinasabi, there is no need for me to get offended. Alam ko namang hindi niya iyon sinasadiya. She was too pure and innocent para magalit ako sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. I love this girl very much and I am so blessed that she came into my life.

"Sige na. Linisin na natin dito at magbihis na tayo. Mas mabuting tayo na mismo ang pumunta sa restaurant na gusto mo. Isang linggo na pala tayong hindi nakakalabas. Mukhang kailangan na nating lumanghap ng sariwang hangin." 

Magmula kasi nang makita ko si Devin sa mall ay iniwasan ko muna ang lumabas sa pangambang baka makita ko nanaman siya. Pero mukhang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana dahil nakita ko nanaman siya sa Japanese restaurant na pinasukan namin ni Portia. May kasama siyang dalawang lalake na sa tingin ko ay mga ka-meeting niya.

Medyo malayo siya sa kina-uupuan ko pero malinaw kong nakikita ang kanyang mukha. He was so focused sa mga kausap niya kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na titigan siya. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil maya't-mayang nagsasalubong ang kanyang dalawang kilay. His jaw is repeatedly clenching kapag may sinasabi ang kausap niya na hindi niya siguro nagugustuhan.

"Ate, tumutulo na ang laway mo. Sino ba ang tinitignan mo?" Eksaheradong sambit ni Portia. Muntik na akong mapalundag sa pagkagulat.

Iniwas ko kaagad ang mga mata ko kay Devin at hinarap si Portia.

May bitbit siyang dalawang paper bag na may tatak ng Japanese restaurant na kinaroroonan namin.

Nataranta ako nang tumingin siya sa direksiyon nina Devin.

Kumunot ang nuo ni Portia na parang kinikilatis ang mga lalaking naka-upo doon.

Kilala ni Portia si Devin kahit hindi pa sila nagkikita. Alam niya ding kasal kaming dalawa.

"Ate, hindi ba at si Kuya Devin iyon?" Siguradong tanong niya saakin.

"Oo." Hindi na nakaligtas na sagot ko.

Tumingin ulit ako sa direksiyon nina Devin. Nag-uusap parin sila. Mukhang hindi nagugustuhan ni Devin ang sinasabi ng mga kausap niya dahil sobrang dilim na ng kanyang mukha.

Portia's face mirrored excitement when I drew my gaze back at her. Tuwang-tuwa siyang makita si Devin kahit hindi naman siya kilala ng lalake.

"OMG ate, is fate playing a trick on you? Parang pinaglalapit kasi kayo ni Kuya Devin kahit anong iwas mo sa kanya." Masayang komento niya.

Napaikot ako ng mga mata.

"What fate are you talking about? Don't you know the word coincindence? Ang dami mong nalalaman. Kung wala ka nang bibilhin, umuwi na tayo." Angil ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya dahil parang wala na siyang planong umalis. Balak na niya yatang titigan si Devin hanggang magunaw ang mundo.

"Wait ate, he saw us. He was looking at our direction." Excitement laced on Portia's voice.

Parang may mga paro-parong nagrambulan naman saaking tiyan dahil sa kanyang sinabi. I know this is nervousness. Hindi naman ako excited na makita siya. Kung pwede nga lang, gusto kong lumayo sa kanya, iyong malayong malayo. Kung maaari, iyong hindi ko na sana siya makikita.

"Ate, he smiled at me." Kinikilig na sambit ni Portia.

"Shit! Ate, ang gwapo niya talaga kapag nakangiti."

I want to scold her here, but I prefer not to for us not to get any attention. Medyo dumadami pa naman na ang mga taong pumapasok dito.

I know Portia is just happy. She is very vocal about wanting to meet Devin so I am not surprised with her reaction, anymore. Para ngang siya ang asawa ni Devin dahil mas updated pa siya sa nangyayari sa buhay ng lalaki kaysa saakin. Everytime Devin made an achievement, Portia is the first one to tell me. Her eyes twinkled everytime she is talking about Devin. I can see that she admire him very much.

Suddenky, Portia's mouth formed an O while her eyes widen.

"Omg ate, he is walking in our direction." Kulang na lang tumalon-talon si Portia dahil sa excitement.

Nanigas ang katawan ko dahil sa kanyang sinabi. Sinulyapan ko ang direksiyon nina Devin kong papunta nga ba siya dito saamin at totoo nga. 

He is walking without taking his eyes off of us especially, to me. Napalunok ako ang magtama ang mga mata namin.

His brown eyes is deeply staring at me making my heart beat erratically.

Kagat ang mga labing nag-iwas ako ng mga mata. Nahuli ng tingin ko ang dalawang lalaking kausap niya kanina na palabas na sa restaurant.

Kung ganoon, tapos na pala ang meeting nila? Are we being expectant here? What if pauwi na rin pala si Devin at dito lang sa direksiyon namin niya napiling dumaan?

"Devin, honey." Parang nakulili ang tainga ko nang may malamyos na tinig ang tumawag sa pangalan ng lalake.

Awtomatik na hinanap ko kaagad kong saan nanggagaling ang boses. 

Three meters away from us, I saw two women clad in an elegant dress, high heels, with an expensive bag in their left hand. They are both wearing a match dangling earings and bangles. Just by looking at the design and the materials that were used, I bet it wasn't just an ordinary accessories. And judging from the way how they carry theirselves, they are obviously not just an ordinary persons.

The woman who called Devin is familiar to me, but the other one is not. Sa tantiya ko ay kaedaran niya si mommy. She has that strict and unfriendly aura sorrounding her. Ang aura niya ay katulad ng mga kontrabidang nanay ng mga mayayamang bidang lalake sa mga kdrama na napapanood ko.

Hindi ko alam kong napansin ba niya na may nakatitig sa kanya dahil lumingon siya sa direksiyon namin ni Portia.

Nakita kong saglit na nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga mata namin. Bakit parang gulat na gulat siyang makita ako? Kilala ba niya ako? Pero hindi ko naman siya kilala. Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita.

Nagtaka pa ako nang ismiran niya ako bago siya nag-iwas ng tingin.

Sinundan ko ang kanyang tinitignan nang bigla siyang ngumuti. Parang may pumilipit sa dibdib ko nang makita kong magkayakap si Devin at Katherine.

Devin smiled at Katherine and messed up her bangs when they withdrew from their hug.

I swallowed the lump in my throat. Kumurap-kurap ako dahil parang maiiyak ako sa nakita.

"A-ate." May pag-aalalang sambit ni Portia.

Pilit ko siyang nginitian. Wala na ang kislap sa mga mata niya kanina. Napalitan na ng pag-aalala at dissappointment.

"L-let's get out of here, P-Portia."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status