Malapit na tayong bumalik sa present, yey! Thank you so much again for making this far! Sana ay masubaybayan po ninyo ang story na 'to hanggang sa dulo, hindi po kayo magsisisi, promiseee. Thank you sa mga readers sa nito as well as sa mga nagbibigay ng gems. Lovelotsss!!
HIS PHONE abruptly beeped as he was ready to lay in bed. Wala sana siyang balak na silipin pa iyon ngunit baka urgent matter dahil wala namang nagtatangkang magpadala sa kaniya ng mensahe sa gano'ng oras. It's already ten o'clock in the evening, and everyone in his company knows that they shouldn't bother him during those hours unless it's necessary. Takot naman ang mga ito sa kaniya dahil aware silang sisante ang kanilang mapapala. Unknown number ang nakalagay ro'n. Nang matapos basahin ang buong nilalaman niyon ay hindi naman pala about business kun'di ay isang estranghero lang na humihingi ng tulong. He wasn't curious why that person knew his name. Hindi maipagkakailang may kasikatan siya dahil nakapaskil ang kaniyang mukha sa mga billboards na nadaraanan sa mga kalsada. He shrugged and was about to ignore it, but his conscience couldn't. Kaya sa huli ay ni-forward na lamang niya iyon sa kaniyang kaibigang pulis na si Ashton. "WHAT THE HELL?! Ano na naman ang pakulo mo, Cass
NAPAKAMOT ITO sa kaniyang ulo. "I m-mean, he loves me kasi ako ang nag-aalaga sa mga anak ninyo, 'di ba? And if h-he dares to hurt me, 'di hamak na automatic akong magreretiro, which is ayaw niyang mangyari dahil ako na ang nakasanayan ng mga batang nasa tabi nila. 'Yon ang ibig k-kong sabihin, sana ay hindi mo na-misinterpret," mahabang litanya nito, tunog defensive. She feels that something's off, pero sa huli ay ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon. May tiwala naman siya rito sa lahat ng bagay, and besides, it's not as if the latter could betray her. They are like sisters to each other, for Pete's sake! Lahat ng kanilang baho ay pareho nilang alam. Kumbaga'y walang lihiman maski maliit na sikreto man. "Nandito ka na pala." Mula sa likuran ay lumitaw roon si Dexter na matamang nakatitig sa kanilang dalawa habang may suot na ngisi sa labi nito. Napagmasdan niya kung paanong patagong pinanliksikan ng mga mata ni May ang lalaki na tila ba isang galit na leon. Dahil yata sa nagin
THEY DISCUSSED the marriage in front of her, not minding if she agreed with their plan. At saka, literal na sa pagkagulat niya ay nakatunganga na lang siya ro'n buong oras. Hindi niya lubos akalaing sasang-ayon si May sa biglaang kasal na 'yon. "Excited ka na ba, Cassandra? You'll enjoy it for sure!" kinikilig na ani pa ng kaniyang kaibigan na hindi niya batid kung saan ba talaga ito kumakampi, sa kaniya ba o sa lalaking kaharap nila? Gulong-gulo siya.She gave her an unbelievable look. "Ayaw kong maikasal, lalo na sa kaniya. 'Tsaka, really? Pinagplanuhan ninyo ito nang wala man lang akong kamuwang-muwang? Did you even try to approach me kung gusto ko 'to? At ano? Bukas?! Kailan pa ako sumang-ayon?!" Biglang napataas ang boses niya sa mga huling kataga. She couldn't control her anger. "Alam mo, May? I felt betrayed by you, sa totoo lang. Nakakadismaya." Marahas siyang napabuga ng hangin.Dexter jumps into their conversation. "What? 'Di ba pumayag ka na noong nag-proposed ako sa 'yo s
TAMA NGA ang kaniyang hinala. Tuluyan na siyang iniwan ni May nang mga sumunod na araw. Gusto niyang magtanong sa lalaki, pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. She ended up locking herself in an empty room while embracing the darkness. Mabuti na lang din dahil walang naganap na kasal kagaya ng kanilang pinaplano. Mukhang tinupad ng kaniyang kaibigan ang mga huli niyang pakiusap. That's good, though; even if she had a difficult time coping with this cruel world, at least she got good news. Ipinagpapasalamat niyang matino si Dexter dahil hindi siya nito ginulo at inirespeto ang nais niyang mapag-isa. Kahit na gano'n ay nagpapadala pa rin ito sa kaniya ng pagkain sa labas ng pintuan just in case makaramdam man siya ng gutom kagaya na lamang ngayon. "The food is here. Please eat when you're feeling hungry, okay? Naintindihan ko kung ayaw mo akong makita't makausap kaya didistansiya muna ako pansamantala," usal ng lalaki sa kaniya matapos kumatok nang ilang ulit. She heard the man's f
NAPATINGIN SIYA sa kaniyang harapan nang naglikha ng tunog ang paper bag na nabitawan ni May. Mukha yatang may dala itong pasalubong na pagkain. Natanaw pa niya ang malawak nitong ngiti na kalauna'y unti-unti ring naglaho. "K-kuya? C-cass?" nauutal na tawag nito sa kanila. She gulped hard. How is she going to tell her friend about this? "Ano'ng n-nangyari? B-b-bakit duguan s-siya?" Tanging iling lang ang kaniyang naisagot dito. Nakayuko siya habang hindi matigil sa pagdaloy ang kaniyang mga naglalandas na luha patungo sa kaniyang pisngi. Hindi niya kayang harapin ito at maski nga siya ay gulong-gulo rin sa nangyari. She can't remember a damn thing! Rinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanilang direksyon. Kapagkuwan ay napahagulgol na ito nang malakas, ramdam niya ang pighating dala-dala ng kaniyang kaibigan. Ngayon niya na lamang ito ulit nasaksihan na nasasaktan nang gano'n. And how pathetic to think that she was the reason behind it... again. "C-cass? B-bakit may hawak kang k
TILA NABLANGKO ang kaniyang isipan nang mga sandaling 'yon. Kung paano siya madalas na bangungutin noon mapa-hanggang ngayon, iyong mga pasang naging peklat, ang ilang taong pangungulila niya sa kaniyang mga anak, at kung ano pa na sinapit niya. Na sa kabila ng mga pinagdaanan niyang iyon ay parang napunta lang ang lahat sa wala. What a pain that was, indeed. Unti-unting nanubig ang kaniyang mga mata. It takes a lot of courage to tell him everything that has happened in her past, at nang mga oras na nalabas na niya iyon kay Nathan ay may malaking parte talaga sa kaniya na nakaramdam ng labis na kaginhawaan, na parang ang mga binubuhat niyang hinanakit all this time ay naglaho na. Pero matapos niyang mapagtanto ang katotohanan, na hindi pala ang lalaking 'yon ang dahilan ng kanilang paglaya, parang mas dumoble 'yong bigat na dinadala niya. Imagine that you have sacrificed everything, including your happiness and peaceful life, but ended up with nothing, na hindi nagbunga ang lahat ng
MAGKATABI SILANG nakaupo habang hinihintay si May na siyang nagpresinta na mag-order ng kakainin nilang tatlo. They are still inside the company. May nagtitinda sa 4th floor na pinahintulutan noon ni Nathan para hindi na mapagod pa sa paglalakad ang mga empleyado sa oras na sila ay dalawin ng kagutuman dahil hindi maipagkakailang may kalayuan ang restaurant mula roon. How considerate the CEO was. Hindi lang iyon na-appreciate ng halos karamihan dahil mas lumilitaw ang kasungitan nito sa kanila, but the truth is, he cared for them. Gusto lang nitong maging istrikto upang madisiplinahan sila sa lahat ng bagay, and luckily, it worked. Subalit aminado naman ito sa kaniyang sarili na mali ang gawain niya noon na basta-basta na lamang nagsisisante, kaya ipinag-utos niya kumakailan lang sa kaniyang mga tauhan na hanapin ang mga employees na 'yon upang pabalikin sa Alvarez's Company. And if that succeeded, he would willingly apologize to them for being unreasonable back then. "Mainit ba?"
ISANG NGITI ang naging tugon nito sa kaniya na para bang ipinapahiwatig niyon na huwag siyang mag-alala. But she can't help it. He's in such a critical condition right now, so how in the world was she supposed to remain calm?Umubo-ubo pa si Nathan ng dugo na mas lalo niyang ikinataranta. Gustuhin niya mang tulungan ito sa kahit anong paraan ay hindi niya magawa dahil tila napako siya mula sa kaniyang kinatatayuan. Seeing blood frightened her.Hindi pa man gaanong nakalalayo ang lalaking gumawa niyon ay natigil na ito mula sa pagtakbo nang may mga pulis na pumalibot dito. Visible sa mukha nito ang labis na pagkabigla na marahil ay hindi inaasahang may mga parak na bigla na lang susulpot sa daan.Hindi na nakapanlaban pa si Axel at kusa na lamang na sumuko. Rinig pa mula sa kanilang gawi ang mga malulutong nitong mura bago tuluyang madala sa loob ng sasakyan na hindi gaanong kalayuan.They all abruptly vanished after the siren made a sound. Napanatag kahit papaano ang kalooban niya dah