“Hindi ako kasal kay James Bautista.” Unang sagot ko, kaniya-kaniya naman ang bulungan nila at napatingin ako sa Lolo niyang seryoso at kunot noong nakatingin sa akin.
“Ngunit malinaw na nakalagay ang image ninyong dalawa ni James Bautista na isa rin sa mga may malalaking negosyo sa bansa. Sinasabi mo bang may nag-edit lamang sa picture ninyong dalawa na kumakalat ngayon sa social media?” muli muna akong humugot ng malalim na hininga saka ngumiti.“Hindi ko sinasabing edit lang ang mga pictures totoo ang lahat na iyun at hindi ko itatanggi subalit hindi ako kasal kay James Bautista.” Mas lalong umingay ang paligid subalit hindi ko iyun pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita. “Nakatakda kaming ikasal ni James Bautista nitong nakaraang linggo subalit bago pa man magsimula ang ceremony ay isiniwalat ko ang lihim na relasyon nila ng Ate ko. Ikakasal lang kaming dalawa para sa negosyo at hindi ko iyun gusto, hindi ko kayaKINABUKASAN..Tanghali na akong bumangon saka lumabas ng kwarto, tiningnan ko pa ang kwarto ni Samuel. Baka pumasok na iyun. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina, naabutan ko naman si Anna.“Good morning ma’am,” nakangiti niyang bati.“Good morning.”“Siya nga po pala ma’am, sinabi sa akin ni Sir Samuel na baka gabihin na raw po siya ng uwi dahil marami raw siyang aasikasuhin sa opisina dahil ilang araw daw po siyang walang nagawa.” Napataas naman ang kilay ko, Do I need to know that?“Madalas ba talaga siyang kausapin ka? I mean magbibilin kapag aalis?”“Hindi po ma’am, saka lang po niya ako sinimulan na kausapin noong nandito ka na. Ayaw ka raw po kasi niyang gisingin.” Napatango-tango na lamang ako, kumuha naman na ako ng gatas sa fridge saka ininom.Wala man lang ba akong gagawin? Nakakabagot maghintay
“Akala ko ba ay gagabihin ka pa ng uwi? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya habang may hinahanap siya sa cabinet niya.“Tinawagan ako ni Anna dahil iba na raw ang pag-uusap niyo ng Daddy mo. Bakit ba kasi pinapasok mo pa rito?” bakas ang inis sa tinig niya, ayaw ko namang isipin niya na basta-basta na lamang akong nagpapapasok sa mansion niya habang wala siya.“Pinapasok siya ni Anna pero hindi niya naman alam, pinapasok niya dahil sinabi ni Dad na Daddy ko siya.” humarap naman na siya sa akin ng salubong ang kaniyang mga kilay saka naupo sa kama niya katabi ko. “Ayos lang naman ako, hindi naman malala eh.” Saad ko ng hawakan niya ang kamay ko pero hindi niya ako pinansin at itinuon ang atensyon niya sa kamay ko ng namumula dahil sa pagpilit na paghila sa akin ni Daddy. Hindi ko alam na matatalim pala ang kuko ni Daddy o sadyang humigpit talaga ang pagkakahawak niya sa akin kaya bakat ang mga kuko niy
“Hindi ko mahal si Ava, sinabi ko naman sayong may pangangailangan din ako. Ikaw ang mahal ko Tiffany at hindi si Ava.”“That’s bullshit! Don’t you dare to tell that you love me James! Hindi na kita mahal, si Samuel ang mahal ko matagal na. Hayaan mo na akong magpakasaya.” Inis kong saad sa kaniya, hindi ko man alam kung kailan nila ako sinimulang lokohin ay wala na akong pakialam.“Iyun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong isama noon sa New York? Iyun ba?! Para makipagkita sa kabit mo?! Bakit? Dahil ba mas mayaman siya sa akin?!” isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya.“Hindi pa tayo kasal James para sabihin mong kabit ko si Samuel at lalong hindi ako mukhang pera para sabihin mong dahil mas mayaman siya sayo! Kasal na kayo ni Ava kaya bumalik ka na lang sa kaniya! huwag ka ng magpapakita sa akin James at sabihin na mahal mo ako!” inis kong saad sa kaniya. Tinalikuran ko
Hindi ko na namalayan pa ang pagdaan ng mga araw. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad na ngayon sa pulang carpet habang nakasuot ng white wedding gown at lalaking naghihintay sa akin sa unahan. Ang kasal na pinangarap ko ang biglang naglaho, ang magpakasal sa taong gusto kong makasama habang buhay, ang lalaking papakasalan ko dahil mahal ko ay nawala. Ang lahat ng mga pangarap ko para sa sarili ko ay tila naging abo na lamang at sumama na lang sa hangin. Ang malafairy tale na pag-ibig na pinangarap ko ay hindi ko aakalaing ganito ang kakalabasan. Magpapakasal ako sa lalaking hindi ko mahal, sa lalaking hindi ko kilala. Hindi ako sigurado sa kaniya habang nasa iisang bahay kami, hindi ko makita sa kaniya na siya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda. Gusto ko sanang ikasal sa lalaking pinangarap ko at hindi sa lalaking hindi ko kilala.Pero sadyang ganun talaga ang tadhana, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Hindi lahat ay katulad ni Cinderella, hind
Umalis naman na si Samuel at pumasok sa loob, si Noah naman na ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Napakagentleman talaga ng isang yun, alam niya na ngang ang laki-laki ng gown hindi man lang ako tinulungan kahit hanggang tapat lang ng kwarto ko.Hirap akong bumaba dahil sa laki ng wedding gown ko, mabuti na lamang at hindi naman ako iniwan ni Noah at tinulungan akong makababa at tinulungan niya na rin akong buhatin yun hanggang sa makaakyat kami ng hagdan.“Gaano ba kabigat yang gown mo at kailangan mo pa ng katulong? Nabuhat mo naman yan kanina ng mag-isa lang.” Saad niya, inirapan ko na lang siya saka hinarap si Noah.“Thank you,” saad ko saka binuksan ang pintuan ng kwarto ko saka pumasok. Napairap na lang ako sa hangin ng maalala kong hindi ko nga pala kayang tanggalin ito ng mag-isa. Tinawagan ko na lamang si Anna para tulungan ako. Hindi naman siya nagtagal at kumatok na sa pintuan ko.“Congra
TIFFANY POVMaaga kaming nagising na dalawa. Alas singko ang alis namin, para naman kaming nagmamadali. Nakaprivate plane naman pala kung bakit kailangan pa naming umalis ng maaga. Lumabas na ako ng kwarto ko habang hila hila ko ang maliit kong maleta, sakto rin ang paglabas ni Samuel sa kaniyang kwarto. Wala namang salita niyang kinuha sa akin ang maleta ko.“Okay lang naman, hindi naman mabigat eh.” Saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at tuluyan ng bumaba dala-dala ang maleta naming dalawa.“Hindi na po ba kayo magkakape ma’am, sir bago umalis?” Tanong naman ni Anna ng makarating kami ng sala.“Sa plane na lang kami,” sagot naman ni Samuel kaya tumango na lang si Anna, ramdam ko pa ang puyat ko kahit na maaga naman akong natulog kagabi. Tahimik akong sumunod kay Samuel ng lumabas na siya, nasa labas na rin pala si Noah at naghihintay sa amin. Inayos na nilang da
Naglakad ako patungo sa kaniya at hindi niya naman ako nililingon, abala lang siya sa pagtipa sa laptop niya.“Hindi ka pa ba nakain?” tanong ko sa kaniya.“Ano ba sa tingin mo?” malamig niyang aniya saka itiniklop ang laptop niya at tumayo at diretsong nagtungo ng kusina. Anong problema ng lalaking iyun at nagsusungit? Tsss. Sumunod na lang din ako sa kaniya at nakaupo na siya sa upuan. Nanguha naman na ako ng dalawang pinggan at kutsara saka nilagyan ng pagkain naming dalawa.“Hindi mo na lang sana ako hinintay, pwede naman akong kumain pagkagising ko.” anas ko pero hindi niya ako pinansin, kinuha niya na ang pinggan niyang nilalagyan ko ng pagkain saka nag-umpisa na siyang kumain. Hindi ko naman kasi sinabi sa kaniya na hintayin niya akong kumain tapos ngayon magagalit? Makaemote lang eh!Kumain na lang din ako katulad niya. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tanging ingay na lamang ng mga ku
“Let’s go?” sambit ni Samuel ng makagayak na ako. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya at ang gwapo niya talaga, hindi siya nakasuot ngayon ng tuxedo na halos araw-araw kong nakikita sa kaniya. Isang simpleng damit lang naman pero bumagay talaga sa kaniya. Lumapit na ako sa kaniya at ikinawit ko na lamang ang kamay ko sa braso niya ng ilahad niya iyun. Kung titingnan mo talaga ay para kaming mag-asawa, mag-asawang nagmamahalan talaga.Nang makababa kami ng elevator ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng paligid at talaga namang nakakamangha. Ito yung lugar na muntik kong tanggihan? My God Tiffany! What happened to you? Lihim akong napapangiti dahil sa ganda ng paligid, my dream. Hindi ko alam na yung pangarap kong bansa na gusto kong puntahan kasama ng makakasama kong tao habang buhay ay kay Samuel ko pa natupad. Okay lang naman at least natupad ko pa rin naman yung dream country ko. Ito yung mga pagkakataon na muntik kong hindi magawa para lang m