Share

Chapter Seventy-four |2|

NAKASIMANGOT ang dalagang si Narissa habang lulan ito ng sasakyan niya at kasalukuyan silang nasa biyahe papunta sa ospital.

Nag-aamok na naman ito dahil hindi siya pumayag na dahil ito sa mall at ipag-shopping katulad ng gusto nito. Kung hindi dahil sa bata, hindi siya mag-aaksaya ng panahon sa babae.

Dapat, ngayon ay kasama niya si Meg at bumabawi sa asawa. Pero sa halip, narito siya at nakikipagmatigasan kay Narissa. Hindi niya alam kung bakit siya naakit sa babaeng ganito. Kung hindi siguro dahil sa sakit niya, baka nagawa pa niyang umiwas kay Narissa.

Pagdating sa ospital, agad siyang nagtungo sa opisina ng kaibigan at sandaling ipinakilala ang dalawa sa isa't isa. Dinala naman sila nito sa isa pang lalaking doctor na ang pangalan ay Hinario. Medyo nakakalbo na ang buhok nito at sa palagay niya ay nasa limampu na ang edad.

"Ako na ang bahala sa kaniya." Tumango ito sa kanila bago pumasok sa isang silid na may salaming pinto.

Nanatili sila ng k

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status