Share

Chapter Thirty-nine

MARAHAS na ibinato ni Russel ang isang baso ng alak matapos niyang lumabas ng bahay nang makarinig nang paghinto ng sasakyan. Buong akala niya ay si Megara na ang dumating, subalit nang makalabas, natanaw niya ang paglagpas ng isang taxi sa bahay nila.

"Fuck it!" pagmumura niya matapos suntukin ang pinto at pabalag iyong isinara.

Kagabi ay halos madurog ang puso niya sa ginawa ng babae. Natatakot siya sa ikinikilos nito kaya naisip niyang gumawa ng paraan upang makita kung nagbago nga ang asawa—pati ng damdamin nito. Bumili siya ng bulaklak at tsokolate para sana makausap nang masinsinan ang asawa, pero sa halip, iniwan lang siya nito para pumunta na naman sa club.

Ang mga tingin nito, mga kilos ay ibang-iba na sa dating babaeng minahal at pinakasalan niya. Hindi lang ang pakikitungo nito sa kaniya kundi maging ang mga mata nito, punong-puno ang mga iyon ng panlalamig.

Pumasok siya sa sala ng kanilang bahay at naupo sa mahabang sofa saka muling nag-

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status