"Anong paguusapan natin?" nakataas-kilay na tanong ni Ericka. Kinakabahan pa ang gaga. Aba, dapat lang.
"Um-order muna kaya tayo, 'no? Anong gusto mo?" mahinahong tanong ko dahil hindi siya mapakali. Para siyang uod na binudburan ng asin, ang likot.
Beef steak, hawaiian pizza and fruit cocktail ang in-order ko, tinap ko iyon sa ipad na menu bago binalik sa waiter.
Ganon din ang in-order ni Ericka. "M-May shooting pa kasi ako. B-Bisan natin dah baka pagalitan ako," sabi niya. Halatang naiilang. Dapat lang talaga.
"Lunes ngayon hindi ba? If I'm not mistaken, break niyo ang Lunes.
dahil Martes hanggang linggo ang shooting niyo," sabi ko dahil iyon naman ang totoo. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "Alam mong siya ang mapapangasawa ko hindi ba?" Basag ko sa katahimikan.
Tumango siya. "Bakit mo nagawa iyon? Kaibigan pa naman kita. Hindi mo ba naisip ang mar
Sino si Margaux? "She came back! With my baby!" masayang sabi ni Kuya Lace. "How is she?" si Lexus naman 'yon habang yung bata naman ay nakangiting nakatitig sa akin. Nasa anim na taong gulang siguro siya. "She's fine and she's mine," nakangising sagot ni Kuya Lace. "Hindi bagay sayo si mommy, dy!" nakangusong sabi nung bata.. Tumawa ang dalawa. Nag-uusap na naman sila na parang wala ako rito. Hindi na ako nag-almusal at amakyat na lang ako sa kuwarto ko at doon nagkulong. Ni-lock ko na rin ang pinto. Para akong hangin kanina. nang makita ni Lexus ang dalawa ay hindi man lang niya ako napansin. Tumitig ako sa ceiling, mag-isa na naman ako. Si mommy at daddy wala sa tabi ko. Si Ericka, niloko ako. Si Lexus? Ayon nandoon sa baba. Andami kong iniisip ngayon. G
Nagtagal pa ng apat na araw bago ako pinauwi galing sa hospital. Kailangan pa raw kasi nilang i-check si baby kaya from now on, mag-iingat na ako. Napatingin ako sa wrist ko na may pilat na iyon ngayon. Pinaayos kasi ni Lexus. Ang tanga ko talaga. Ang sabi ni Doc Sanchez ay 'always think positive' raw. Lalo na kapag buntis ay sensitive. Medyo mahina rin kasi iyong kapit ni baby dahil kabubuo pa lang niya kaya kailangan kong mag-ingat talaga. Andami pa nilang binilin saami habang ang asawa ko, kahit palakarin ako ay hindi niya ginawa. Binuhat ba naman ako. Ayaw niya raw akong mapagod. Hindi niya na rin ako inii-stress, binibigay niya lahat ng gusto. Well, mabuti naman kung ganoon. Feeling ko talaga prinsesa lang ang peg ko. May instant alalay na ako at the same time asawa. "Bilhan mo ako ng saging!" sigaw ko kay Lexus kahit kaharap ko lang si
"Let's talk," sabi niya habang nasa gilid kami ng pool. Ang init kasi sa loob, eh. Nasira iyong aircon, mabuti rito at presko. Napahawak ako sa tiyan ko, magdadalawang buwan na ang baby ko. Gusto ko na siyang makita. Tuwing umaga ay parang hinahalukay ang tiyan ko, ang sensitive ko rin sa mga amoy at nasusuka na lang ako bigla... At... ayoko ng gulay! Ang paborito kong kinakain ay french fries! O kaya naman minsan ay saging "Anong pag-uusapan natin?" tanong ko bago isinawsaw ang french fries sa ketchup at sinubo. Hmmm, ang sarap! "About us," he seriously said. "Oh?" Ibinaba ko ang bowl na may laman ng fries at humarap sa kaniya. "I want to say sorry," pagsisimula niya, nag-iwas naman ako ng tingin. Medyo masakit pa, eh pero hindi naman masyado. "For all the things I have done, for all the wrong decision that I have made. I a
"Nasaan ba tayo?" tanong ko kay Lexus, naglalakad kami rito sa may hallway at hindi ko rin alam kung saan banda ito kasi nagising ako kanina sa kotse niya at inaya niya ako rito. "Sumunod ka na lang," malamig na sabi niya. Agad akong umismid. Sinusumpong nanaman yata siya, eh. Pero seryoso, anp na naman bang problema niya? Siya ata ang buntis sa amin, eh. Bipolar masyado. Hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kaniya. Nasa likod lang niya ako at sumusunod. Ilang sandali pa ay napatigil ako para sana magpahinga pero sinulyapan niya ako at sinamaan ng tingin kaya wala akong choice kung hindi ang sundin siya. Bumuntong- hininga na lang ako sa sobrang pagod. What the hell, really. Lumiko kami sa kanan at may mahabang daanan doon papuntang... park? Anong gagawin namin dito? "Ugh!" d***g ko, kanina pa kami naglalakad at talagang pagod na ako.
Ilang araw na rin muli ang lumipas simula nang magpunta kami sa may amusement park. Ang kaibahan nga lang ay madalang na lang niya ulit ako kausapin gaya noong unang linggo namin bilang mag-asawa. Ang sabi niya ay aalagaan niya ako pero nasaan na siya? Ayon, nasa trabaho. Naiintindihan ko naman, eh na kaailangan siya ng kumpaniya para mabuhay kami pero nagseselos na ako sa mga paper works na iyan. Hindi ko naman pinangarap maging papel pero ngayon, paano ba maging papel? Sabagay may papel pa naman ako sa buhay niya at sapat na iyon. Late na siya umuuwi tapos diretso tulog siya kaagad. Ni hindi man lang ako kinakumusta maliban na lang kung medyo sumasakit iyong tiyan ko. Tapos maaga siya ulit na aalis kinabukasan, halatang iniiwasan niya ako. Napabuntong-hininga ako at napalabi. "Kuyang guard, wala pa po ba si Lexus?" tanong ko sa guard na nasa pin
Four Days Later…. Iminulat ko ang mata ko ngunit naipikit ko rin iyon dahil sa liwanag. Puros puti ang nakikita ko sa paligid at andaming nakatusok sa kamay ko. Kung ganoon ay buhay pa pala ako. Napatingin ako sa crucifix na nasa taas ng kama ko. Bakit hindi mo pa ako kinuha, Papa God? Ano pa po ba ang silbi ko rito? Pagod na pagod na kasi talaga ako, eh. Tapos ang bigat ng dibdib ko na parang pasan-pasan ko ang buong mundo. Nang ilibot ko ang tingin ko ay nakita ko si mommy nakaupo malapit sa pintuan at mukhang may ka-text. Nang makita niyang gising na ako ay tumakbo siya papalapit sa akin at saka ako niyakap. “Anak ko, gising ka na!” hikbi niya. “Iyong anak ko, mommy?” natatakot na tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin. “Ma, iyong anak ko po,” pang uulit ko Naalala kong dinu
“Where are you going?” tanong ko kay mommy nang makitang bihis na bihis siya. Oo, nakauwi na ako. Sa anim na araw na iyon hindi niya ako dinalaw. At oo, umasa ako. “Mag go-grocery, anak. Wala si Celyn, eh,” nginitian niya ako at lumabas na. Si Celyn ang isang katulong namin dito, rinig ko kanina ay sinamahan daw niya iyong anak niya para magpa-enroll. Mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay, si Daddy naman ay pumasok sa opisina. Ang mga katulong ay naka-out lahat at tanging bodyguards lang ang nasa labas. Napatulala ako sa kulay kremang pader. Masakit pa rin. Wala eh, mahal ko, eh. Sa bawat araw na lumipas hindi siya mawala-wala sa isip ko. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano bang kulang sa akin? Bakit hindi niya ako magawang mahalin? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko para hindi niya ako iwanan?
Four years had passed… Pinagmasdan ko ang batang tumatawang naglalakad habang akay-akay nina Mommy at Daddy. Napangiti ako, mahirap magpalaki ng bata lalo na kapag sobrang kulit. Mabuti at nariyan ang mga magulang ko para tulungan ako. Nang ipanganak ko siya ay napakalaki niya. Tapos iyakin, gabi-gabi ay umiiyak. Ilang buwan din akong puyat. Mahirap magdalang-tao ng siyam na buwan, mahirap manganak pero kinaya ko para sa anak ko, para kay Akeisha Lexi Hara. Worth it lahat ng paghihirap ko nang mailuwal ko siya. Napakagandang bata. Iyon nga lang ay kamukha niya ang papa niya. Nakakainis lang. Ako iyong naghirap tapos iyong ama iyong kamukha? Hah! Unfair, nasaan ang hustisya? Napailing-iling na lang ako, sa apat na taon na iyon, ni anino niya ay hindi ko nakita. Wala siyang paramdam at kung tutuusin nga ay inaakala kong patay na siya. “My! My!” sigaw ng anak ko nang makit