Share

Chapter 14

“Are you sure you’re okay, Francesca?” tanong ni Khael nang pareho na kaming nakahiga sa kama. Matapos niya akong mapatahan mula sa pag-iyak ay ilang beses na niyang naitanong iyon. Rinig na rinig sa boses niya ang pag-aalala.

Bumuntong-hininga ako at sinubukang ngumiti. “Yes. Hormones lang siguro,” pagsisinungaling ko. Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kanina kaya sinubukan kong ibahin ang usapan. “May dala ka bang pagkain?” tanong ko bigla. Hindi na ako nakapag-almusal kanina matapos nang ginawa sa akin ni Tita at wala si Ate Lorna para hatiran ako ng pagkain kaya naman simula kaninang umaga ay wala pa akong kain.

“I... brought donuts,” sagot ni Khael at nilingon ako. “Nagugutom ka ba? Saglit, kukunin ko.”

Mabilis akong tumayo at pinigilan siya. “Doon ko na lang kakainin sa baba.”

“Okay,” tumango siya at nauna na sa pinto. “Tara.”

Palihim akong napangiti at sumunod sa kanya hanggang sa makababa kami sa kitchen. Pakiramdam ko ay isa kaming totoong couple na pumupuslit ng midnight
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status