Share

Chapter 15

Ang sabi nila ay mabilis tumakbo ang oras kapag nag-e-enjoy ka. Kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay o gumagawa ka ng bagay na nagpapasaya sa ‘yo, parang alikabok lang na iniihip palayo ang pagkakataon.

Tulad ngayon. Kagagaling ko lang sa clinic para sa check-up. Tatlong buwan na akong buntis... samantalang parang kahapon lang ay nagmamakaawa akong huwag iwan ni Khael. Sabi ng ob-gyne ay healthy naman ang baby at nadetect na rin ang heartbeat niya. Para sa akin ay napakagandang balita na no’n. Sapat na para ganahan muli akong lumaban at magpakatatag kahit pa sobrang hirap.

Pero may mas maganda pang balita bukod do’n. Ayon sa ultrasound, hindi nag-iisa ang heartbeat.

Masayang-masaya ako nang makauwi. Dahil nakabalik na rin si Ate Lorna, siya ang una kong binalitaan. Tulad ng inaasahan ay masayang-masaya siya. Tuloy, naisipan naming magluto ng meryenda bilang pagcecelebrate.

Nakakita ako ng maruya sa daan pauwi at parang gusto kong matikman iyon kaya iyon ang ginagawa namin. Hin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status