Share

Chapter 16

Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Napatakbo ako sa banyo saka dumuwal. Ilang segundo lamang ay nasa likod ko na si Khael, hawak ang buhok ko sa isang kamay habang ang isa naman ay hinahaplos ang likod ko.

Halata kay Khael na natataranta siya at hindi alam ang gagawin, pero nakikita ko ring sinusubukan niyang huwag iyong ipakita sa akin. Sa loob ng tatlong buwan kong pagbubuntis, ngayon niya lang nasaksihan ang morning sickness ko kaya panigurado ay talagang matataranta siya.

Nang matapos ay naghilamos ako at nagmumog. Paglabas ko ng kwarto, inabutan ako ni Khael ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa.

“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. “May gusto ka bang... kainin?”

Hindi ko mapigilang matawa sa istura ni Khael. Daig niya pa ang nakakita ng multo at para bang kahit siya mismo ay hindi sigurado sa mga sinasabi niya.

“Ayos lang ako,” saad ko at naupo sa kama. Parang umiikot ang paningin ko at pumipintig naman ang sentido ko, per
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status