Share

The Billionaire’s Unwanted Wife
The Billionaire’s Unwanted Wife
Author: Sapphire

Prologue

I poured myself another glass of wine and watched the clock. Ala una na ng gabi, pero wala pa rin ang asawa ko. Nagluto pa naman sana ako ng dinner para sabay kaming kumain, pero mukhang wala na naman siyang balak umuwi. I glanced at the steak and mashed potato I made. Lumamig na lang sila nang hindi man lang nagagalaw. 

I sighed and decided to go to sleep dahil baka naghihintay lamang ako sa wala. Akmang liligpitin ko na sana ang mga nakahain sa mesa nang marinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Lumabas ako ng kusina at sumilip sa bintana. Napangiti ako nang makitang sa wakas ay nakauwi na siya.

Muli kong inayos ang mga pagkain sa mesa at hinintay ang pagpasok niya. Nang bumukas ang pinto, ngumiti ako ng malapad at lumapit sa kanya. “Hey,” bati ko at kinuha mula sa kamay niya ang briefcase. Pinanood niya lang ako nang ilapag ko iyon sa sofa. “Nagluto ako ng dinner. Tara, sabay na tayong kumain.”

Akmang hihilahin ko na sana ang braso niya papunta sa kusina pero nagmatigas siya. He held my hand firmly and ripped my grip off his arm as though my touch was burning him. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang puso ko nang makita ang malamig niyang tingin sa akin.

“I’m not hungry,” he coldly said, sending a shiver down my spine. 

“Imposible namang hindi ka nagugutom,” I said through a light chuckle, ignoring his cold gaze even though it’s making my heart shrink. “Ilang gabi ka nang hindi kumakain dito sa bahay.” Totoo iyon. Ilang linggo na siyang umuuwi nang madaling-araw at hindi kumakain. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin akong nagsasawang magpuyat para lamang hintayin siya at sabayan siyang kumain-- kahit pa parating nauuwi lang sa wala ang lahat ng ‘yon.

“Maybe because I don’t want to eat with you,” he replied, his eyes darkening, then attempted to walk away. Pero mabilis ko siyang pinigilan at hinarangan ang daan niya papunta sa hagdan. “What now?” iritado niyang sabi.

“Khael, kumain ka, please? Masasayang ‘yong niluto ko, oh--”

“Inutusan ba kitang magluto?”

Natahimik ako at napayuko. “Gusto ko lang namang… sabay tayong makapaghapunan. Gabi na nga lang tayo nagkikita at nakakaroon ng time--”

“Francesca.” Napapigsi ako nang hawakan niya ng mahigpit ang pareho kong balikat. “Would you please stop fucking acting like we love each other?! Nakakalimutan mo bang hindi kita mahal at hindi ko ginustong makulong sa marriage na ‘to?”

Tears welled up in the corner of my eyes. “Khael, you’re hurting me.”

Doon lang siya tila nahimasmasan. Mabilis niya akong binatawan kasabay nang malalim na buntong-hininga. Ang hindi niya alam, hindi lang ako pisikal na nasasaktan dahil sa mahigpit na hawak niya. Nasasaktan din ako dahil sa mga katagang lumalabas sa bibig niya. Unti-unting nagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko. 

“Francesca, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? You keep fucking throwing yourself at me knowing full damn well that I don’t love you.”

“Well, I do. I love you, Khael. And I will keep loving you hanggang sa matutuhan mo rin akong mahalin.” Patuloy na nagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko, pero tila ba wala man lamang iyong naging epekto sa kanya.

“That won’t happen.”

Yumuko ako at hindi nagsalita. Ganoon naman ang parati niyang sinasabi. Pero hindi pa rin ako susuko.

“I’m filing a divorce.”

Tila ba narinig niya ang iniisip ko at kinontra na agad iyon bago pa man lumabas sa mga labi ko. Para akong nabingi sa sinabi niya. Tears streamed down my face as I wrapped my arms around his waist. “N-No, no, no… You’re not leaving me. You can’t leave me, Khael, I don’t think I can live my life without you.”

Pilit niyang inaalis ang mga braso ko mula sa katawan niya pero nagmatigas ako. “Khael, please, ‘wag mo ‘kong iwan,” I sobbed, falling down on my knees and begging. Wala na akong pake sa dignidad ko-- o kung may natitira pa ba no’n.

“I’ve made up my mind,” saad niya at pilit akong hinihila patayo. Nang magtagumpay siya, parang basahan niya akong itinulak sa sahig. “I don’t love you, Francesca. I don’t think I ever will. Not when you were the reason kung bakit ako naiwang miserable ng taong totoong mahal ko.”

Humahagulgol kong pinanood ang paglalakad niya palayo. Inaasahan kong lilingon siya at sasabihing hindi totoo ang sinabi niya. But that time didn’t come. Dere-deretso lamang siyang naglakad paakyat sa hagdan. 

Sinubukan kong pigilang kumawala ang mga hikbi ko, pero binibigo ako ng sarili kong katawan. Dahan-dahan kong hinila ang sarili patayo at niyakap ang sarili. Bakit ba napakahirap para sa kanya ang mahalin din ako? Simula nang ikasal kami, wala naman akong ibang ginawa kundi pagsilbihan siya at maging mabuting asawa. Iniintindi ko rin ang lahat ng bagay upang ‘wag siyang magalit sa ‘kin at magkaroon pa ng rason para iwan ako. But somehow, everything is still not enough. I’m still not enough-- and in Khael’s eyes, I don’t think I will ever be.

Niligpit ko ang mga pagkaing inihanda ko habang panay pa rin ang pag-iyak. Nang matapos, akmang aakyat na sana ako para magpahinga ngunit may napansin ako sa sofa kung nasaan ang briefcase ni Khael. Sa bahagyang bukas na compartment ay may sumisilip na magazine. Out of curiousity, I carefully retrieved it from the case. It was a tabloid from a well-known news outlet, featuring celebrity news in particular.

Sa headline, nakasulat sa malalaking titik ang isang pamilyar na pangalan. Napalingon ako sa gawi ng hagdan kung saan umakyat si Khael at naramdaman ang muli na namang panggigilid ng luha sa aking mga mata.

“Famous international actress BLAINE TIFFANY RAMA, bumalik na sa bansa,” the headline says, followed by a paparazzi photograph of the said actress. She was a beautiful tall blondie with all the curves and bumps in the right places. Typically, things like this don’t matter to me, nor will it to Khael.

But this time it’s different-- because Blaine Rama is Mikhael’s ex-fiancée.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status