Share

15. Bride and Bead

Magkaharap ang bride na nahanap ni Salem at si Sela sa malaking living room ng mansion. Habang si Salem ay nakaupo sa tabi ni Angelia, naroon ang ilan sa mga kasambahay at ang mga bodyguard. Alam na nilang lahat kung ano si Angelia, at mukhang wala pang alam ang babae kung ano’ng klase silang nilalang. Pero kung anomang paraan ang naisip ni Sela para sabihin sa bride ang tungkol sa kanila, si Salem naroon ang bahala.

Si Salem naman dapat ang magsasabi kay Angelia ng tunay nitong ginagampanan sa mansion na ‘yon at sa buhay ni Salem.

“Masaya kaming makilala ka, Angelia,” ani Sela habang nakangiti ng malawak sa babae. Hindi maipagkakaila ang kasiyahan na nadarama ni Sela, lalo pa’t alam niyang magiging ligtas na rin si Salem, makababalik na rin sila sa mundo ng itim na mga pusa sa susunod na araw, at mas lalong masisiguro na ang kanilang panalo laban kay Aldi.

“I am happy rin na makilala kayo. At ang saya ko, knowing na magiging asawa ko na rin si Salem,” masaya ring sagot ni Angelia.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status