Share

The Ardent Husband - Chapter 10

The Ardent Husband - Chapter 10

Ang nag-aalalang mukha ni Aling Modesta ang unang nakita ni Honey nang magbalik ang malay-tao niya.

"I-inay..." sambit niya.

"Oh, salamat sa Diyos, nagkamalay na ang anak ko!" bulalas nito habang ginagagap ng dalawang palad ang isang nanlalamig na kamay niya.

"Teka't tatawagin ko pala ang doktor," wika nito matapos hagkan ang isang maputlang pisngi niya.

"D-doktor?" ulit niya, napapamaang. "H-hindi ko kailangan ng doktor, Inay," pigil niya rito.

"Anak, kagabi ka pa namin dinala dito sa ospital," ang malumanay na paliwanag ng magulang. "Hanggang ngayong buong maghapon ay wala kang malay."

Atsaka pa lamang napuna ni Honey ang kapaligiran. Maputi ang kisame at mga dingding. Pati na ang mga kurtina sa bintana at ang pintura ng pinto.

Agad siyang nakabawi sa pagkabigla dahil may naalala.

"S-si...Robert po?" Tigib sa pag-aalinlangan ang pagaw na ti

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status