Share

Eight

Dumating kami sa sinasabi niyang shop ng kaibigan niya. Ang buong akala ko ay matatahimik ang araw ko na kasama siya dahil hindi naman siya masyadong nagsasalita pero nagkakamali ako, dahil ang mga kaibigan niya ang salita nang salita. Ang dami nilang tanong at hindi pa ako nakakapili ng susuotin ko.

“Grabe, ang ganda mo. Kamukha mo siya—”

“Luella, stop it.” Suway ni Javier sa kaibigan niyang babae na kanina pa lumalapit sa akin. “Come here, Janiyah. Pumili ka na ng gusto mong gown.” Hinila ako ni Javier papunta sa tabi niya at binigay sa akin ang album na nakalagay ang mga pagpipilian.

Habang tinitignan ko ang mga magagandang gowns, hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga bulungan na malapit lang sa akin. Tinignan ko si Javier, nasa malayo ko na siya dahil may kausap siya.

“Yeah, kamukhang-kamukha niya. Siguro ang pinagkaiba lang ay simple at mahinhin si Janiyah.”

“I know right, kambal niya kaya?”

“I don’t think so—shit, si Javier.”

Natigil sila sa pag-uusap nang tumabi ulit sa a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status