Share

Chapter 3: Isla Santillan Resort

[3]

Isla Santillan Resort

***

Sabi nila, love is the most powerful thing in life. Ito rin daw ang pinakamasayang bagay sa buhay natin. Siguro totoo ang mga iyon dahil simula no'ng nakilala ko si Marjorie ay nagbago ang lahat. Nagbago ang buhay ko pati ang mundong ginagawalawan ko. Binigay ko ang lahat sa kanya at masasabi kong masaya naman ako. Pero ang akala ko ay puro saya lang. Nagkakamali ako, laging kakambal na ng salitang love ang pain. Kapag nagmahal man tayo, mararanasan din natin ang masaktan. Iyon ang naranasan ko.

Sabi nila, I have everything. Nasa akin na ang lahat. Family and wealth. Yes that's true, buo ang pamilya ko at isa akong CEO ng Santillan Corporation. Pagdating naman sa looks ay aminado naman akong maraming nagkakagusto sa akin. Pero ang maswerteng babaeng napusuan ko naman ay si Marjorie na siya ring sumira at nanakit sa akin.

Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng tahimik na lugar. 'Yong tipong makakapag-isip ako ng maayos. Malayo sa lahat, malayo sa problema at malayo sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang saktan lang ako.

Siguro, malas lang talaga ako sa pag-ibig. Ganito pala ang masaktan at unang beses ko itong naramdaman. Ganito pala ang pakiramdam, mahirap pala talaga mag-move on. Sa tuwing naiisip ko siya bigla-bigla na lang sumasakit ang dibdib ko. Kumikirot na animo'y may mga karayom na nakabaon dito.

Sobrang hirap pala talaga.

Two months na simula noong iniwan ako ni Marjorie, pero parang kahapon lang ang mga nangyari. Sariwa pa ito kahit anong pilit kong ilibing ito at isiping kalimutan na lang siya ngunit hinding-hindi ko magagawa.

Si Marjorie ang babaeng minahal ko ng sobra. Ang babaeng pinagkakatiwalaan ko ng puso ko ngunit siya mismo ang sumira at dumurog nito. Sobrang sakit!!

Oh, shit! Napapamura na lang ako.

Sa tuwing naaalala ko si Marjorie ay bigla-bigla na lang bumabagsak ang aking mga luha. Sumisikip ang aking dibdib. Sobrang hirap, ang hirap lang tanggapin na wala na ang babaeng minamahal ko ng sobra. 'Yung babaeng pinapangarap ko at gusto kong makitang maglalakad sa aisle ng simbahan at ako naman ay naghihintay sa kanya sa may altar. 'Yung babaeng kapalitan ko ng "i do" sa harap ng pari. 'Yung babaeng magiging ina sa magiging mga anak namin. Pero wala na, wala na siya kaya hindi na matutupad ang mga iyon.

Sobrang sakit. Sobrang dinurog ni Marjorie ang puso ko at 'di ko alam kong maghihilom pa ba ito.

Minsan nga, naisipan kong magpapakamatay na lang ako para hindi ko na mararamdaman ito. Pero ayokong gawin iyon dahil alam kong masama ang kitilin ang sariling buhay.

I need some private place to comfort myself. Lugar kung saan tutulungan akong makalimot at makapag-move on.

"Sir, nandito na po tayo!" Sambit ni Mang Rolly. Isa sa mga tauhan ko na naghatid sa akin dito sa isla.

Napukaw ang diwa ko sa pagsasalita niyang iyon. Mabilis kong pinahid ang mga luha na nangilid sa pisngi ko gamit ang sariling palad. Pagkatapos ay mabilis akong tumayo upang tingnan ang paligid.

Nakarating na pala kami sa daungan ng Isla Coron. Mga ilang oras din ang itinakbo ng yate mula sa pier ng Batangas at sa wakas ay nakarating na rin kami.

Iniunat ko ang aking sarili dahil medyo nangawit ang aking katawan dahil sa mahabang oras na pagkakaupo. Dinampot ko ang aking shades at inilagay sa mata bago naunang bumaba sa yate. Nakasunod naman sa akin si Rolly bitbit ang gamit ko.

Inihatid niya ako papunta sa naka-abang na puting van sa parking lot ng pier.

"Kuya Rolly, maraming salamat po sa paghatid." Nakangiti kong sabi sa kanya pagkatapos niyang ipasok sa loob ang gamit ko.

"Naku! Walang anuman po, Sir. Trabaho ko po ang alalayan ka." Sambit niya.

Inabutan ko siya ng cheque na naghahalaga ng Ten thousand pesos.

Nagulat siya sa nakita. Hindi kasi iyon ang napagkasunduan namin.

"Sir, para saan 'to?" Tanong niya na puno ng pagtataka.

Itinaas ko sa ulo ko ang shades sa sout para mas makita niya ang mata ko. "Para sa 'yo, Kuya Rolly. Kaya ko na ho ang sarili ko. Hindi mo na ako kailangan bantayan at pagserbisyohan." Panimula ko. "Para talaga sa 'yo ang perang 'yan dahil alam kong malapit nang manganak ang asawa mo. Itabi mo 'yan at ako na ang bahalang magpaliwanag kay mommy na pinauwi na kita."

"Pero ..." aangal pa sana siya pero inunahan ko na siya.

"Huwag kang mag-alala. Kaya ko na ang sarili ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Sege po, Sir." Sambit niya. "Maraming salamat dito, Sir. Mag-iingat po kayo."

Nginitian ko lang siya bago pumasok sa van.

Natutuwa lang ako kay Kuya Rolly dahil siya ang pinakamasipag at tapat naming trabahador kaya deserve niya ang mabigyan ng pasasalamat.

I have everything kaya handa akong tumulong sa mga nangagailangan katulad kay Kuya Rolly. He deserves my gratitude dahil masipag siyang tao.

Isang oras din ang itinagal ng byahe mula pier hanggang dito sa resort namin. Tanaw na tanaw ko ang nag- gagandahan at malalagong mga halaman ng Isla Santillan Resort. Clean and green ang theme ng resort na ito kaya pinapanatili nila ang green surrounding at kalinisan nito.

Halos walong taon na rin ang nakakaraan mula nang mabili ni mommy ang napakagandang resort na ito. In-upgrade lang ito at inayos kaya dumarami ang mga turista dito.

Pagkababa ko ng van ay bahagya akong huminto at nilibot nang tingin ang paligid.

Ang ganda pa rin sa lugar na ito. Napanatili itong maayos sa loob ng maraming taon. Malaki na ang pinagbago nito since the last time I came here. Siguro three years ago na.

"Sir Rojan? Diyos ko, ang gwapo-gwapo mo na lalo ngayon, Sir." Bungad sa akin ni Aling Melly, ang katiwala ko dito sa Isla Santillan.

Paiga-iga itong lumapit sa akin at kinuha ang bitbit kong bag. Tumataba na kasi ito lalo kaya medyo hirap na siyang maglakad

"Kumusta ka na, Sir?" Tanong niya sa akin.

"Mabuti naman po." Nginitian ko siya.

Malapit ang loob ko kay Aling Melly dahil ito ang nag-aalaga sa akin kapag nagbabakasyon kami dito noon. Para ko na rin siyang nanay kung ituring. Napakabait niya.

"Ikaw po, sumeseksi ka ata lalo." bola ko sa kanya.

"Naku naman, bolero ka pa rin hanggang ngayon, Sir" aniya at nagpatiuna na sa loob. "Tara na sa loob, tamang-tama kakaluto lang ng Sinigang ko. Alam ko, namimiss mo na ang paborito mo,"

"Wow, talaga po Aling Melly! Seriously, namimiss ko ang luto niyo." Tuwa kong sabi sa kanya.

Kahit papaano ay napapangiti ako ni Aling Melly.

"Nasaan po pala si Kuya Nestor? Parang hindi ko napapansin." Tanong ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang asawa niya.

"Umalis lang saglit. Pumunta ng bayan, may binili lang. Pero mamaya nandito na 'yon." Sagot niya.

Iginaya niya ako sa kusina at nadatnan ko ang napakasarap niyang mga luto. Agad ko itong nilantakan dahil kanina pa ako nagugutom sa byahe.

Pagkatapos ng masarap naming tanghalian ay nagpaalam na ako sa kanya para makapagpahinga na ako. Napagod din kasi ako sa mahabang byahe.

Naglakad ako papunta sa kabilang bahagi ng resort dahil nandoon ang rest house namin. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nando'n na ang mga gamit ko. Nilibot ko ng tingin ang kabouhan ng kwarto. Malaki ito, maaliwalas at malinis. Sobrang bango pa nito na talagang pinaghahandaan ni Aling Melly ang pagdating ko dito sa Isla Santillan.

Napapangiti na lang ako sa naisip ko.

May maliit itong living room, may sofa at center table. Ang ganda ng kama, ang shower room at may sariling banyo.

Lumapit ako sa may bintana at bahagyang hinawi ang kurtina upang sumilip sa labas. Nasisilip ko mula dito ang dalampasigan, mga alon ng dagat at ilang turistang nandoon.

Binuksan ko pa kunti ang bintana at sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin.

"Yeah!" Napasinghap ako.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Matagal na akong 'di nakalanghap ng sariwang hangin. Mukhang magandang idea talaga ang pag-punta ko dito sa Isla Santillan. Hindi katulad sa Manila na puro na lang stress at  pollutionang aking nakakasalamuha.

Muli ako napapangiti habang pinapanood ang ilang mga naliligo sa dagat. 'Yung iba ay naglalaro ng volleyball at 'yung iba naman ay nagsu-surf sa mga alon.

"Makakalimutan din kita Marjorie de Guzman. Makakalimutan din kita."

Muli kong isinara ang bintana at pabagsak na humiga sa kama. Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang aking mga mata.

Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako.

***


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status