Share

Chapter 6: Coincidence?

Sumunod naman siya kaagad sa akin, nang makarating kay dad ay napuno ako ng pagtataka sa ipagagawa ni dad.

Later on, “Go up with him on the stage, and introduce yourself.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy.

“No way dad, I will never do that. Don’t make me do that.” Seryosong sabi ko, tumaas ang kilay ni dad.

“Specially not with him dad, paano yung ma-issue ako sa school ko? Ayaw.” Pinagkrus ko ang braso at tinitigan si mommy.

“O-Oo naman Zai, baka iba pa isipin ng ibang tao—“

“Fine, go alone then.” Utos ni daddy kaya sumunod ako kaagad, after I introduced myself umalis na ako sa harapan.

Muli ay hinanap ko si Yuno, but he was sitting while drinking. Lalapitan ko ba siya? “Hey.” I softly whispered.

“Hmm, great speech.” He responded and stared at my face.

“Thank you.” Naupo ako sa tabi niya, “You’re younger than me so basically bawal mo ako magustuhan.” Seryosong sabi ni Yuno.

“Pwede, look at my parents.” Anas ko.

“Hmm, I don’t know.” Ngumuso ako sa sagot niya.

“I’ll go ahead first, Sierah.” Paalam niya sa akin tsaka siya tumayo, humaba ang nguso ko habang nakatingala sa kaniya not until he stopped and glanced at me.

He sighed and patted the top of my head, “Don’t be sad, magkikita pa tayo.” Ngumuso ako lalo.

“Sige na, I’ll see you again.” Tumayo na ako at kumaway sa kaniya.

“Ingat Yuno.” Mahinahon na sabi ko, ngumiti siya ng tipid at tinalikuran na ako.

Napaupo ako ulit, na-reject na ba ako?

Akala ko ay makikita ko pa si Yuno ulit ngunit hindi na pala, hindi ko batid kung iniiwasan niya ako ngunit wala naman akong magagawa.

Pinulot ko yung nalaglag na gumamela sa batibot ng school, huminga ako ng malalim at tinitigan lang ‘yon.

“How petty.” Gulat kong nalingon ang nagsalitang babae sa likuran ko, kanina pa ba siya?

“What petty?” I questioned, she better state the right words or I’ll describe her damn ugly face.

“You, just like that flower that fell. You don’t look like a bitch at all—“

“It’s because I am not a bitch, Riley. Why did you even start a conversation with me, hindi kita papatulan.” Masungit na sabi ko at basta-basta na itinapon ang tinawag niyang petty.

“Oh c’mon, masama pa rin ba loob mo na nalamangan kita sa rank ng dalawang beses? Eh paano ba naman sa first year ka lang yata magaling.” Napatigil ako sa sinabi niya.

“Hindi ako sabik sa mataas na grado, Riley. Aanhin ko ang mataas na grado kung walang kumpanyang hahawakan?” Pamimikon ko sa kaniya at tsaka ako ngumisi.

“You’re just jealous.” Pahabol na sabi niya ngunit iniwan ko na siya sa Batibot, She’s Riley.

My rival in school ever since I was in high school, hindi kami mapaghiwalay dahil naglalaban talaga ang grades namin sa school.

Hindi naman ako ang top 1 pero nag-uunahan kami sa 2nd and 3rd rank.

Wala eh, medyo magaling yung top 1 namin, masyadong dedicated sa buhay.

I was so sleepy walking in the hallway to reach the library pero while walking, a man bumped into me. “Ano ba—“

“You’re the daughter of Doctor Garcia right?” Nangunot ang noo ko at tinitigan ang nasa harapan ko.

“Si Azi?” I confirmed.

Natigilan siya at mahinang natawa, “Yeah, but don’t call me tha— ah sure call me by that nickname then.” He chuckled and scratched the back of his head a little.

“Go ahead, take care.” Paalam niya kaya ngumiti ako.

“Thanks.”

Naglakad na ako and while walking natigilan ako noong makita si Amora na sinundan ng tingin si Azi. “Huy.” Sita ko.

“Ah, Ate Sierah.” Ngumiti siya sa akin tsaka kumaway at lumapit.

“Do you know him?” Amora asked and pointed at Azi who’s walking away.

“Y-Yeah, maybe.”

“Why though?” I asked.

“Nothing, he has an older brother right?” Naningkit ang mata ko sa tanong ni Amora.

Amora is way younger than me, Jami and I have a 2 years gap and Amora? I’ll count.

4-5 years ang age gap namin ni Amora. High school pa lang siya eh, “Don’t tell me you admire that man?” I gestured.

Mabilis siyang umiling, “Of course not, I found out that he’s taking medicine. Kasi po when I got this sugat he cleaned it.” Turo ni Amora sa tuhod niya.

Ngumiti naman ako, “Mag-iingat ka kasi.”

“Yes ate, pero may brother po siya right? Boyfriend mo po?” Nanlaki ang mata ko at umiling.

“Of course not! Hindi ko type ang kuya no’n at hindi ko rin type yung kanina lang na lalake. Wala akong type sa kanila.” Ngumiti si Amora at humagikgik.

Nahiya tuloy ako bigla, “Then I’ll like them!”

“Uy, sira ka bang bata ka? Ang bata-bata mo Amora. Tigil tigilan mo ‘yan—“

“Crush lang po, pag hindi gumana sa bunso edi doon po ako sa mas panganay?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Baliw ka ba? Isusumbong kita sa daddy mo.” Sermon ko.

“Pag sinaktan po ako ng mas bata na ‘yon, pupunta po ako sa kuya. Tsk para magsisi siya.” Nasapo ko ang noo sa sinabi ni Amora.

Saan niya ba natutunan ‘to?

“Look, Amora. Mali ‘yon!” Pinitik ko ang ilong niya at tsaka siya napaatras at nasapo ang ilong.

“Ate naman eh.” Reklamo niya.

“Gusto mo ikaw ang isumbong ko sa kuya mo? Mindset mindset ka diyan na pupunta ka sa kuya pag sinaktan ka ng bunso.” Ngumuso siya sa mahabang sermon ko.

Pag dawit na ang kuya niya ay natatakot na siya, nakakatakot nga naman kasi ang kuya nito pero mas matakot ‘yon sa akin dahil kokotongan ko sila ni Zian.

“Pumasok ka na sa klase mo,” masungit na sabi ko kay Amora.

“Okay ate! Bye bye.” Humalik siya sa pisngi ko kaya napangiti ako at kinawayan siya pabalik.

She’s sweet, bata pa lang siya sweet na siya and gentle na bata. Maybe because may kuya siya pero may kuya rin naman si Jami.

Well, baka sweet lang talaga siya kasi lumaki siyang takot sa kuya niya. Masunurin nga sa kuya niya eh, soft spoken pa siya at higit sa lahat mabilis masaktan.

Humarap na ako sa likuran ko ngunit halos sumalampak ako sa tiles nang bumangga ako sa isang lalake, “Fuck.” Mura ko.

Sinamaan ko ng tingin yung lalake ngunit natigilan ako noong makita si four-eyed. Yung businessman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status