Share

Chapter 18 (12) Losing Hope

(Angie POV)

Nang makabalik na si Tin, masigla itong pumasok at sinabi sa amin na…

“Binili ko yung favorite na pagkain ni Papa, Mama. Mapapakain natin siya kapag nagising na siya.” May ngiti pa sa labi nito.

Kung yun nga Tin magigising pa Si Papa. Yun din ang hangad ko. Sa ngayon nakikipaglaban siya kay Kamatayan… Sana naman hindi siya sumama ng lubusan doon. Lumaban sana siya. Diba nangako si Papa na nais pa talaga niyang mabuhay?

“Tin… “

“Hindi pa po ba nagigising si Papa?” Umiling ako sa kanya. “Bakit ang lulungkot niyo? May binili din akong ulam para sa atin. Kuya Sayruz, masarap po ito. Wag niyo sanang—.” Natigilan si Tinay dahil kaagad kaming lumapit ni Mama kay Papa dahil tumunog na naman ang machine nito. Si Sayruz naman lumabas ng silid para tumawag ng doktor.

Di na din napigilan ni Chin na umiyak dahil heto na ata yung hinihintay namin. “Papa…”

“Miguel, lumaban ka para sa amin! Heto yung ginusto mo diba?! Lumaban ka!” Paghihinagpis ni Mama na hindi nito naitago.

Nagsidatingan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status