Share

Chapter 223

SI Luna naman ay tahimik lang na nasa loob ng van habang masama ang tingin kay Luke na siyang nagmamaneho nito. Ang anak niyang si Celine ay kapit na kapit sa kaniyang braso dahil na ‘rin nakita niyang muli ang lalaking nagtangka sa kaniyang buhay.

Ngunit hindi dahil natatakot siya kaya siya nakakapit sa ina kundi para pigilan ang kamay niya na batuhin ang lalaki. Baka mapahamak pa sila dahil ito ang driver. Nasa paanan pa naman niya ang isang water bottle na may laman na siyang balak niyang ipambato dito.

Napapatingin ‘din si Luna kila Kate at Kim na hindi na makatingin sa kaniya ng deretsyo. Katulad kay Seera hindi niya akalain na tatraydorin siya ng mga ito. Kung ano man ang dahilan nila ay hindi niya alam kung mapapatawad pa niya ang mga ito pagkatapos.

Walang nagsasalita sa loob ng kotse kung kaya tahimik ang kanilang naging byahe hanggang sa makarating sila sa isang bahay na siyang pinagdalhan kila Kate at Kim noong kinuha sila ni Vivian.

“Baba!” sigaw na sabi ni Luke sa kanila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nko po paano ba makaalis mg ina jan sana hindi makunan si luna buntis pa naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status