NOONG MAKITA ni Ann kung sino ang nasa kanyang harapan, mabilis niyang itinago si Rence sa likuran niya at diretsong tumingin kay Sheena na nakangisi sa kanya ngayon.
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi man kalakasan ang boses ni Ann, dama roon ang kalakip na galit at inis dahil nakikita niya ang babae ng asawa niya.
Mas lalong lumawak ang pagkakangiting tagumpay ni Sheena at sinulyapan pa ang likuran ni Ann, iyong tipong gusto nitong makita si Rence.
"Gusto ko lang ipakilala ang sarili ko magiging stepson ko. Kailangan niya ring malaman na may kapatid na siya. Hindi ba, Rence?"
Naramdaman ni Ann mula sa likod ang pagpulupot ng maliliit na braso ni Rence sa beywang niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito at dama rin ni Ann ang panginginig ng bata. Hinawakan din ni Ann pabalik ang kamay ni Rence at hinaplos-haplos iyon.
"Shhh, Rence. Mama is here. Cover your ears, anak."
Inalis nga ni Rence ang mga braso sa kanya at tinakpan nit
Kabanata 22 RAMDAM ni Clayton ang kanina pang panay na tingin ni Rence sa kanya. Palihim niyang sinilip ang bata at nasa may pinto ito, nakatago ang katawan at ang maliit na parte lang ng mukha ang nakikita niya. Halatang pinagmamasdan siya nito kaya bumuntonghininga si Clayton at tinaas ang tingin. Doon naman mabilis na nagtago si Rence. When he saw what Rence did, he let out a breath again. Nandito siya ngayon sa study room at nagbabasa ng mga previous report noong nakaraang taon at ikokompara iyon sa report ngayong taon na ito noong mapansin niyang sinisilip siya ng bata. Hindi niya malaman kung ano ang ginagawa ni Rence ngunit hindi niya ito pinansin. Dahil kung papansinin niya ito, wala siyang matatapos. Iniling ni Clayton ang ulo at binalik ang atensyon sa binabasa. Nagsulat siya ng note sa dulo nang
NAKATULALA pa rin si Ann kay Clayton na nakadikit ang mga labi sa kanya. Halos maduling siya sa pagtitig dito at ilang segundo pa ang lumipas bago bumalik sa huwisyo at maitulak si Clayton. "I-Ikaw!" akusa niya rito na nanlalaki ang mga mata. "Let me explain first, okay?" Alanganing ngumiti sa kanya si Clayton at bago pa siya makatanggi, kinuha nito mula sa bisig niya si Rence. Sumama naman si Rence sa ama nito bago nagpapapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. "Mama? Dada?" Sinapo ni Clayton ang likod ng ulo ni Rence at pinatong iyon sa balikat nito tsaka siya nito sinulyapan. "Ann, I think you just misunderstood something. Please, let’s talk about this inside the car." Sinamaan niya pa rin ng tingin si Clayton at nanatili lang itong nakangiting
Kabanata 23 KANINA PA PINAGMAMASDAN ni Ann ang mga niluto niyang pagkain. Panay ang tingin niya sa pinto at sinisilip kung dumating na ba ang sasakyan ni Clayton ngunit katulad ng kanina, wala pa rin ito. Napabuntonghininga siya at saka sinulyapan si Rence na nakapangalumbaba na pinagmamasdan ni ang spaghetti na nasa harapan nito. "Wala pa Dada, Mama?" Mahinang iniling ni Ann ang ulo. "Wala pa ang Dada, Rence, e. Kain ka na muna, ’nak? Kanina mo pa tinitingnan ’yang pagkain mo, o. Lalamig na ’yan." Rence picked up his fork and tried to scoop a little. But he put it down without eating the spaghetti. He pouted his lips and scratched his head. "Gusto ko wait Dada, Mama. Konti na lang?" pakiusap nito. Dahil gusto pang maghintay ni Rence kay Clayton, tumango na lang si Ann. Kinuha niya rin ang cellphone at sinubukang tawagan si Clayton nguni
CLAYTON was having a little rest before he’s going to settle the documents he’s done reading when the door of his office suddenly opened and Aaron strode inside. Tumingin siya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa kanya. Nagtataka si Clayton sa inaakto ni Aaron kaya nagtanong na siya. "What? Do you have a problem?" "You fired your secretary?" Hindi niya alam kung ano ang konekta ng madilim nitong ekspresyong pinapakita sa naging tanong ngunit tumango si Clayton. "Yes." "Are you really playing with Ann? Gusto mong paniwalain na pinutol mo na ang koneksyon mo sa secretary mo pero tutuloy mo pa rin?" Mas lalong hindi naintindihan ni Clayton ang gustong iparating ni Aaron. Kahit Tagalog ang sinasabi nito pakiramdam niya, nagsasalita ng ibang lenggwahe ang kaibigan. "...Are you fúcking with me? I don’t understand you, dude." Pabuntonghininga na umupo si Aaron sa may sofa na nakapwesto sa
Kabanata 24 LAMAN pa rin ng isip ni Ann ang naamoy na pabango sa coat ni Clayton. Dahil doon, lutang si Ann at hindi alam kung paano tatanungin ang asawa. Sinuri naman niya ang mga kilos ni Clayton ngunit wala namang kakaiba sa lalaki kundi ang malamig nitong pakikitungo sa kanya. Napahinga si Ann nang malalim. Siguro ay masyado lang siyang overthinker kaya ito ang nasa isip niya. Ayaw niyang kung anu-ano ang iisipin kaya para maalis ang nasa isip, tinuruan niya ang anak na magbasa at magsulat. Nilibang niya rin ang sarili sa pag-aaral noong tulog si Rence. Hindi man siya nakabalik sa pag-aaral, ayaw niyang mabura ang mga nalalaman. Iniisip niya kasi na kapag malaki-laki na si Rence, babalik siya sa pag-aaral. Gusto niyang makatapos. Iyong bagay na hindi niya nagawa dahil nabuntis siya nang maaga.
HABANG pinagmamasdan ni Clayton si Ann na inaasikaso siya, para siyang bumalik sa nakaraan kung saan ayos pa ang lahat sa kanila. Katulad nang madalas gawin ni Ann, inasikaso muna nito si Rence. Dahil ayaw ni Rence ng ibang ulam bukod sa binili niyang fried chicken, iyon ang hinanda ni Ann dito. Minsan lang naman kumain ng fried chicken ang bata kaya pumayag si Ann. Pinanood niyang sandukan ni Ann ng pagkain ang bata at noong matapos ito, humarap naman sa kanya si Ann. Bahagya pang lumaki ang mga mata ni Clayton noong bumaling sa kanya ang asawa. Mas lalo pa si Clayton nagulat noong lagyan ng kanin ni Ann ang plato niya at magtanong sa kanya. "Anong gusto mong ulam?" Napatitig siya sa babae at alanganin itong nginitian. "H-Hindi na. Ako na." Sinubukan ni Clayton na kunin ang hawak ni Ann na sandok noong tapikin nito ang kamay niya. "Ako na nga. Anong gusto mo?" Napilitang ituro ni Clayton ang chicken curry at pinagsandok
Kabanata 25 BINAON ni Ann sa pinakailalim na parte ng utak ang nalaman. Kung tama nga ang hinala niyang nambababae si Clayton, nasasaktan siya, siyempre. Sino bang babae ang matutuwa kapag nalamang may ginagawang milagro ang asawa nila? Wala naman. Pero may lakas ba siyang komprontahin ang lalaki? Wala rin. Kung siguro normal ang relasyon nila ni Clayton, may karapatan siya. Pero wala, e. Kasi sa una pa lang naman, napilitan lang naman si Clayton na pakasalan siya, hindi ba? Hindi siya ang gusto nitong asawa. Hindi siya iyong gusto nitong iharap sa altar at makasama hanggang sa pagtanda. He was waiting for the love of his life when he unfortunately got her pregnant. He was forced to marry her. Nawala lang sa isip ni Ann iyon noong bumuti ang pakikitungo sa kanya ng lalaki. Iyong pagig
NAKIPAGTITIGAN si Clayton sa kapatid na si Clarisse habang inaanalisa siya nito at tinitingnan kung seryoso ba siya sa hinihinging pabor. Clarisse then averted her gaze and sighed dramatically. "You’re really asking me that, Kuya? Seryoso ka? Tuloy-tuloy na ba ang pagbait mo? Feeling ko talaga, may sapi ka lang, e." Clayton grimaced and looked at Clarisse with a scowl on his face. "Hindi ka ba talaga titigil? I’m serious, okay?" "You’re really taking Angie out for a date? Wow. Road to straight path na ba ’to, Kuya? No hanky panky business after this? Matino ka na talaga? Wow again." Mauubusan yata ng dugo si Clayton sa kapatid na babae. Nag-iisa nga lang ito pero mas matino pang kausapin si Clausse kaysa rito. Bakit nga ba ito ang naisip niyang tawagin at hindi si Clausse na alam niyang wala nang magiging tanong sa kanya? Fúck. &