Share

Kabanata 17

Pasado alas kwatro ng hapon nang maka balik sina Nicole sa hotel matapos ang halos buong mag hapon yatang pag gagala at pag lilibot sa kabuoan ng resort na pag aari ng pamilya ni Alexander kasama ang mga ka business partner nito na kahit pa mga banyaga ay mababait din naman.

Sinulit kasi ng mga ito ang huling araw na mananatili ang mga ito sa Palawan, bukas na ang balik nila sa kanikanilang bansa at bilang bisita ni Alexander ang mga ito ay natural lamang na silang dalawa ang mag accommodate.

Ilang minuto pa lang yata mula nang maka balik sila kanilang hotel room ni Alexander ay nag yaya nanaman itong mag swimming, hindi naman magawang tangihan ni Nicole sa hindi niya rin malamang dahilan kaya heto siya ngayon sa kaparehong cottage malapit sa magandang tulay at lawa kasama ang kanyang boss na si Alexander.

Kasalukuyan itong lumalangoy sa lawa habang siya narito at tahimik na naka upo sa may bandang dulo ng tulay, wala naman din kasi siyang ganang mag swimming ngayon lalo pa at kanikanina lamang ay naka tangap siya ng katakot takot na sermon nang tawagan siya sa cellphone ng kanyang tiyang Norma at hindi mabilang na text messages naman mula sa mga m*****a niyang mga pinsan ang natangap niya, nag tatanong kung nasaan daw ba siya at katulad ng inaasahan ay kung ano anong bintang nanaman ang natangap niya, kesyo nag tanan na daw ba siya, lumalandi at sumama sa iba’t ibang lalaki at kung ano ano pa, naka tangap din siya ng nakaka takot na mga banta mula sa kanyang tiyang Norma na hindi man lang nanaman siya nakuhang pakingan muna bago siya sermonan kanina, ni hindi niya nga natapos man ang pag papaliwanag na nasa business trip lamang siya at trabaho lamang ang ipinunta niya sa Palawan kahit pa nga alam niya sa sarili na mukhang hindi lamang talaga trabaho ang inaatupag niya dito, saglit pa siyang nag isip kung kasama nga ba sa trabaho niya bilang EA ng CEO ang maki pag landian dito, ang tabihan ito sa kama.

Marahas na ipinilig ni Nicole ang ulo nang maisip nanaman ang bagay na iyon na ilang araw nang gumugulo sa isipan niya mag mula pa noong unang may nangyari sa kanila ng kanyang boss, hindi niya naman siyempre magawang mag reklamo dahil una, hindi naman siya pinipilit ni Alexander kusa siyang nag papa ubaya, pangalawa ay alam niyang mayroon din siyang magiging malaking ambag kung sakali mang dumating ang araw na siya rin lang ang uuwing luhaan dahil sa mga pinag gagagawa niya kasama ang kanyang boss na ilang araw na ring ginugulo ang isip at puso niya sa biglaang pagiging sweet nito sa kanya, ayaw niya mang isipin na dahil lamang sa sex kaya ito biglang nag bago ng pakiki tungo sa kanya ng ganon ay hindi niya maiwasan, hindi niya rin masabi na natutuwa siya sa mga nangyayari dahil alam niya rin na hindi na tama.

Ang masaklap pa ay alam niya ngang hindi na tama ngunit heto siya at tuloy pa rin sa ginagawa.

Malakas na napa buntong hininga si Nicole saka pilit na pinagaan ang bigat na nararamdaman sa sariling dibdib, pinili niya na lamang din na ibaling ang atensyon sa malawak at mala kristal na tubig ng lawa sa pag babaka sakaling mabawasan kahit papano ang nararamdamang lungkot.

Abala siya sa pag tanaw sa kung saan nang muli niya nanamang ma rinig ang pag tunog ng kanyang cellphone, napa irap pa siya nang makitang ang pinsang si Luciferia ang tumatawag, gusto niyang pindutin ang end call button ngunit sa takot na lalo lamang mag huramintado ito ay hindi niya magawa, sa huli ay sinagot niya pa rin naman ang tawag.

“Hoy babaeng malandi, pinapa sabi ni nanay na bilisan mo na ang pag uwi at tatangalan ka daw niya ng anit pag dating mo dito.”

Hindi pa man nakaka pag salita para batiin ang pinsan ay iyon na agad ang ipinang bungad nito sa kanya, sa halip din na maka ramdam ng takot dahil sa pag babanta nito, idagdag pang alam na alam niyang hindi nag bibiro ang tiyang Norma niya sa banta nito ay malakas na napa buntong hininga nalang si Nicole, hindi niya naman kasi masisi ang kanyang mga ka anak kung galit ang mga ito sa kanya, basta siyang lumayas sa bahay ng walang pa alam kung saan siya pupunta naiintindihan niya rin kung sa sobrang galit ng mga ito sa ginawa niya ay magawa nanaman siyang saktan at gulpihin ng mga ito.

“Alam ko po ate, nasa trabaho lang po ako…”

Na pipikon man ay magalang pa rin na sagot ni Nicole sa pinsan na kausap sa cellphone, hindi niya na rin ito binigyan pa ng pag kakataon na mag salita pa dahil agad niyang ibinaba ang tawag.

“Naku ma, pa. Maga nanaman ang mukha at sakit ng katawan nanaman ang aabutin ko sigurado kay tiyang at sa mga anak ni satanas pag uwi ko.”

Nakuha pang mag biro ni Nicole habang sa mga ulap sa kalangitan naka tingin, tatlong araw na sila sa Palawan at wala pa ring ideya si Nicole kung kelan sila uuwi ni Alexander, sa itsura kasi ng boss niya ay mukhang gusto pa nitong sulitin ang bakasyon, hindi niya naman ito masisi, kahit naman siya ay iyon sana ang gusto, ang mas matagal pang manatili sa napaka gandang lugar na ito.

Kaya lang syempre hindi naman pwede iyon.

Muling napa buntong hininga si Nicole saka muling inilibot ang tingin sa paligid.

“Ang lalim nanaman ng buntong hininga mo ah? You know what if I were you, I won’t think of anything negative and just enjoy the rest of the days that we are here.”

Agad na nasapo ni Nicole ang dibdib sa gulat nang biglang sumulpot si Alexander sa harap niya, naka lubog pa rin ang katawan nito sa tubig habang naka titig sa kanya suot ang nakaka lokong ngiti, inirapan naman ito ni Nicole bago nag salita.

“Iniisip ko lang kung anong gagawin saakin ni tiyang pag uwi ko, galit na galit saakin eh. Hindi kasi naman ako nag paalam na aalis at mawawala ng ilang araw.”

Tila wala sa sariling sagot niya, kung mayroon mang mabuting na idulot ang tatlong araw nilang pag sasama ng kanyang boss iyon ay ang pagka wala ng ilang niya rito, nagagawa niya na itong irapan at sagutin ng pa balang kung minsan na hindi na nag aalalang baka magalit ito sa kanya.

“And I told you never to worry about them and learn to fight for yourself Nicole, walang masama kung pinag hihigpitan ka nila, hindi lamang tamang saktan ka, at mas lalong hindi tama if you will just let them hurt you just because you are living with them and they are your family.”

Seryosong sabi nito, napa simangot naman dito si Nicole, may parte sa kanya na dapat ngang maniwala na tama ito ngunit ewan niya ba kung bakit hindi niya magawang maintindihan iyon.

Oo nga at alam niyang mali na saktan siya ng pisikal ng kanyang tiyang Norma at ng mga anak nito, tratohin ng hindi naman kapamilya kundi isang alipin ngunit kahit ganon ay hindi niya pa rin naman kaya na suwayin at labanan ang mga taong itinuring niya nang pamilya.

“Hindi naman kasi ganon kadaling gawin iyon Alexander, oo nga at mali ang mga ginagawa nila sa akin, sinasaktan at alam kong hindi pinapa halagahan pero kahit naman ganon eh iginagalang at nire-respeto ko pa rin naman sila.”

Mahabang paliwanag niya na siya namang ikina simangot ni Alexander.

Napa buntong hininga na lamang naman siya saka ito tinitigan, sana lang ay maintindihan din naman nito ang point na gusto niyang iparating.

Ngunit hindi pa man nakaka tapos ng mga sana niya sa buhay ay inirapan na siya nito saka pa birong sinabuyan ng tubig sa lawa, agad naman niya itong sinamaan ng tingin.

“I don’t understand your way of thinking Nicole, nakaka inis na malaman that you are letting them hurt you. But whatever, just don’t worry about it for now and have fun with me.”

Seryoso ang mukhang sabi nito saka dahan dahang kumilos para mas maka lapit sa kanya, agad na nan laki ang mga mata niya nang hawakan siya nito sa paa at walang sabi sabing bigla na lamang siyang hinila sa tubig.

Napa sigaw pa siya sa gulat bago tuluyang lumubog sa lawa ang kanyang katawan, halos maubosan din siya ng hininga sa pag ubo nang matapos ang ilang sandali ay naka ahon din ang ulo mula sa pag kaka lubog sa tubig.

Agad niyang sinamaan ng tingin ang kanyang abnormal na boss habang mamatay matay ito sa pag tawa, dahil sa inis ay agad niya din itong nilapitan para hampasin sa braso na agad naman nitong na iwasan.

“Ang sama ng ugali mo alam mo ba?”

Inis na sabi niya dito na tinawanan lamang siya ulit saka mabilis na hinuli ang mga kamay niyang handa nanaman sanang manakit para hilahin siya palapit dito.

Tumama pa ang pisngi niya sa hubad at ma-muscle na dibdib ni Alexander dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, bahagya rin siyang naka ramdam ng pag ka ilang na agad din namang nawala nang mag salita ito.

“Let’s have fun together Lorenzo, keep your worries away from your evil family and focus on me, only me. I promise that they will never hurt you kapag umuwi ka.”

Seryoso nanaman ang mukha na sabi nito habang matamang naka titig sa kanya.

Nanatiling tahimik si Nicole habang pilit na sinalubong ang mga titig nito, at sa hindi matukoy na malanding ispirito na sumapi sa kanya at siya na mimo ang humila sa mukha nito para bigyan ng malalim na halik sa labi.

Agad namang tumugon si Alexander sa kanyang halik at nagawa pang hawakan ang likod ng kanyang batok.

Impit din siyang napa ungol nang maramdaman ang mahinang pag hila nito sa kanyang buhok.

“Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihing sisiguraduhin mong hindi nila ako sasaktan katulad ng hindi ko magawang intindihin ang ginagawa mo sa akin Alexander, handa akong maki pag laro sa iyo pero sa kabila ng pagiging sigurado ko ay ang takot sa kung saan pwedeng humantong ito, boss kita at empleyado mo ako. Una pa lang ay malinaw na sa atin pareho iyon.

Alam kong mali ang lahat ng ito pero, God I couldn’t get enough of you.”

Lakas loob na sabi ni Nicole kay Alexander nang sa wakas ay mag hiwalay ang mga labi nila, halos kumawala na rin sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa lakas ng kabog niyon.

Walang naging sagot si alexander sa halip ay tila namamangha lamang na naka titig sa kanya habang suot ang isang malaking ngiti sa mga labi.

Agad naman siyang napa simangot sa reaksyon nito sa sinabi niya, ibinuhos niya na yata lahat ng natitira niyang lakas ng loob para lamang masabi ang mga salitang iyon kay Alexander at isang ngisi lamang ang makukuha niyang sagot mula rito.

“For God’s sake Nicole, you are so driving me crazy.”

Mag ri-reklamo na sana si Nicole at handa nang ilabas ang inis nang unahan na siya nitong mag salita, hindi iyon ang inaasahan niyang sagot nito sa mahaba niyang litanya kani-kanina lamang kaya hindi na rin siya nag abala pang itago ang pag ka lito, hindi niya maintindihan si alexander at kung maari niya lamang pilitin na maging malinaw ito sa mga pananalita at sa bawat aksyon na ipinapakita sa kanya ngayon ay gagawin niya, sa totoo lamang naman kasi ay talagang gulong gulo na siya sa mga nangyayari sa pagitan nila ng kanyang boss, kaya lang ay wala siyang lakas ng loob na mag tanong at mag demand na mag paliwanag ito sa kanya.

Dahil hindi na malaman ang isasagot ay pinili nalang ni Nicole na mag iwas ng tingin sa binata na agad naman nitong pinigilan, hawak siya nito sa baba at pilit na ibinabalik sa gwapo nitong mukha ang tingin niya. Naguguluhang pinilit niyang muling tinitigan si Alexander.

“I am confused as you are Nicole.”

Bulong nito saka walang sabi sabing muli nanaman siyang siniil ng halik sa labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status