Lunes ng umaga, handang handa nang pumasok sa opisina si Nicole, may pakanta kanta pa siya habang nakangiti at kulang na lang ay samahan pa niya ng pag sayaw habang nag lalakad pababa sa mataas na hagan ng bahay ni CEO Shawn Alexander Montefalco na nito lamang nakaraan ay nag tapat ng pag mamahal sa kanya.Mas lalo lamang lumaki ang kanyang ngiti nang maalala ang maikli ngunit masaya niyang bakasyon nito lamang weekend sa Palawan kasama si Alexander, wala naman sila halos ginawa doon kundi ang mag lambingan at mag harutan kung hindi naman ay mag damag na nag lampungan sa kama.Agad na namula ang mukha ni Nicole nang maalalang halos hindi na nga siya makapag lakad ng maayos matapos ng halos buong gabi nilang ‘pag babanat ng buto’ ni Alexander sa Palawan.Naiiling na nag tuloy na lamang sa pag lalakad si Nicole sa pag-aakalang marahil ay nag hihintay na si Alexander sa kanya sa baba dahil ang sabi nito kahapon ay sabay na lamang daw silang pumasok sa opisina ngayong araw.“Good morni
Halos manginig ang mga tuhod ni Nicole nang maka balik siya sa opisina para kunin ang kanyang mga gamit.Utos din kasi ni sir Luis Montefalco na umuwi na muna siya ngayon at ipahinga ang araw at pagka tapos ng isang lingo na din ay hindi na siya papasok bilang EA ng CEO kundi isa nang engineer.Lalo lamang nag wala ang kanyang puso nang makita si Alexander na naka upo sa swivel chair nito.Nag aalala ang agad na tingin nito sa kanya at sa halip na pansinin ay pinili niya na lamang itong talikuran at lumapit sa kanyang lamesa para kunin ang lahat ng kanyang mga gamit.Ramam niya ang pag kilos ni Alexander mula sa kinauupuan maging ang tunog ng sapatos nitong papalapit sa kanya.“Nicole-““Ah ano, uhm dadaan lang ako sa bahay mo para kunin ang ilang mga gamit ko, aalis rin ako agad.”Agad niyang sabi na piniling putulin ang kung ano man ang sasabihin nito.Alam niyang hindi naman siya pinapalayas ni Alexander pero hindi naman siya ganon ka tanga para hindi mag kusang umalis gayong a
Isang lingo…Isang lingo na mula noong tangalin siya bilang executive assistant ni CEO Shawn Alexander Montefalco.Isang lingo na ring sinusulit ni Nicole ang kanyang pahinga, malayo sa mga taong mapang husga at higit sa lahat ay malayo sa lalaking minahal niya, sa lalaking pinagkatiwalaan niya at inalayan ng lahat sa kanya ngunit nagawa lamang siyang saktan at paniwalaing mahal rin siya ngunit ang totoo ay pinaglaruan lamang naman siya.Isang lingo lang siyang naka takas at naka layo sa problema at ngayon na nga ang araw ng pag tatapos niyon.Dahil araw ngayon ng lunes at sa ayaw niya man o gusto ay balik trabaho na siya, hindi na bilang EA ni Alexander kundi bilang isang engineer.Sandaling natigilan si Nicole nang wala sa sariling malipat ang atensyon sa kanyang bagong ID.‘Engr. Natalia Nicolette Lorenzo’Mapait siyang napa ngiti nang mabasa ang sariling pangalan sa ID na iyon.Dapat ay maging masaya lalo ngayon na magagamit niya na ang kursong matagal niyang pinag aralan at pi
Naka sakay na sila ni Domenic sa elevator at lahat ngunit hindi pa rin mawala ang panginginig ng kalamnan ni Nicole, tahimik lamang siyang nakikiramam at kulang na lang ay may humuni nang kuliglig sa pagitan nila ni Domenic.Pigil na pigil niya rin ang sarili na huwag umiyak, ngayon ay napatunayan niya na ang sabing mas mabilis at madaling kalimutan ang isang tao kapag walang nagiging balita tungol dito, higit kung hindi niya makikita ang taong dahilan ng pag hihirap ng damdamin niya ngayon.Marahas siyang napa buntong hininga saka pilit na pina kalma ang sarili.“Are you okay?”Nag aalalang tanong sa kanya ni Domenic, hindi naman na nag abala pa si Nicole na tapunan ito ng tingin at nanatili na lamang na naka yuko.Pilit rin siyang tumango bilang sagot at hindi na nag abala pang mag salita.Pakiramdam niya kasi ay maiiyak lamang siya kapag ginawa niya iyon.“You don’t need to lie and tell me you are okay when it is clear that you are not.”Sabi nito, agad naman na napa simangot si
Pasado alas syete na ng gabi ay pa uwi pa laman si Nicole, pinilit niya kasing tapusin ang ilang designs na naka takda niyang gawin bukas para kahit sana paano ay mas marami pa siyang ibang magawa pag pasok niya kinaabukasan. Abala siya sa pag aayos ng kanyang mga gamit para maka uwi na rin agad dahil pakiramdam niya ay siya na lamang yata ang taong natitira doon nang agawin ang kanyang atensyon ng mahinang pag katok sa may labas ng kanyang cubicle, sandali pa siyang kinabahan nang wala siyang makitang tao roon saka agad ding napa-irap ng matalim nang makitang sumilip ang naka ngiti ng malokong si Domenic.“Burning the midnight oil Natalia?”Nag pilit na lamang siya ng ngiti sa binata saka marahang umiling.“Hindi naman, may tinapos lang. Pa uwi na rin ako, ikaw ba?”Pilit pa rin ang ngiting tanong niya rito. Agad din naman siyang nag bawi ng tingin nang mataman siyang titigan ni Domenic.“You know you never need to smile in front of me I will understand if you just cannot smile li
Kasalukuyang naka hilata si Nicole sa sofang gawa sa kawayan sa maliit na sala ng kanyang apartment, araw ngayon ng lingo at wala siyang balak na gawin kundi ang mag pahinga at mag relax.Agad niya ngang tingangihan ang pag aaya nina Domenic at ng kaibigan niyang si Leah na mag punta sa isang resort para doon ubusin ang mag hapon.Naisip niya rin naman kasi na mas mabuti na rin na mag paiwan siya at hayaan na lamang ang dalawang iyon na mag enjoy ng ang mga ito ang magkasama.Alam niya rin kasi at nakikita niya naman na parehong gusto nina Domenic at Leah ang isa’t isa, wala naman iyong kaso kay Nicole dahil bukod sa nag kukunwari lamang naman silang nag di-date ni Domenic sa opisina ay hindi rin naman nila gusto ang isa’t isa.“Aba, eh sino nga ba ang gutso mo self? Iyong pesteng CEO Alexander nanaman na iyon?”Inis at parang tangang sermon niya sa sarili.Ilang araw na kasi siyang iwas nang iwas sa CEO na iyon dahil ilang araw na rin siya nitong ginugulo, sinusundan at kinukulit
“What is he doing here, Natalia?”Mahina ngunit bakas ang inis sa boses na tanong sa kanya ni Domenic, tahimik naman na napa yuko si Nicole at hindi na nagawang mag salita pa.Bakit ba kasi pakiramam niya ay na huli siya nitong niloloko ito gayong alam naman nila pareho na wala naman talaga silang relasyon?Kasalukuyang naka upo si Nicole sa kanyang sofa habang si Domenic naman ay inis na inis siyang sinesermonan may palakad lakad pa itong nalalaman sa harap niya.“You now I was willing to help you para tantanan ka na ni Shawn, but how are we going to do that if you will only come running to him every time he tries to come near you?”Patuloy pa rin sa pag sermon nito.“P-pinuntahan niya lang nama ako dito Dom eh, hindi ko naman alam na mag pa-““Yeah but still you let him in! Then what Nicole? You kiss, you make out and then what? Bigla okay na ulit kayo? Magpapa loko ka nanaman sa CEO na iyon?”Kunot na kunot ang noong sabi pa nito na kulang na lamang ay sigawan na siya.Napa tanga
May ilang minuto nang naka upo si Nicole sa hapag kainan at kanina pa ring naka handa ang mga pagkaing i-ti-nake out ni Leah, kasalukuyan din silang magkakasama sa lamesa habang sina Domenic at Leah ay halos maubos na yata ang kalahati ng mga pagkain siya naman ay hindi magawang nguyain gaano man kasarap ang pagkaing nasa plato niya.Paulit ulit niya lamang pinag lalaruan ang pritong manok na naroon gamit ang hawak niyang tinidor.“Nicole ano ba? Kumain ka kaya? Ano ba ang nangyayari?”Tila inis nang sabi sa kanya ni Leah na mukhang kanina pa siya pinagmamasdan.Marahas namang napa buntong hininga si Nicole saka marahang umiling tapos ay bahagyang itinulak palayo ang kanyang plato.“May problema ka ba?”Nag aalang tanong sa kanya ni Leah saka nalipat ang tingin nito sa tahimik lamang na si Domenic.“Hoy, iniwan ko kayong magkasama kanina. Anong ginawa mo.”Sabi ng kaibigan kay Domenic na agad namang napa nguso.“Uy wala ah? Wala akong ginagawa.”Parang batang sabi nito na sinamahan