Tahimik lamang si Domenic habang nag mamaneho, pasado alas onse na ng gabi at mabuti na lamang at gising pa ito nang tawagan niya at makiusap na mag papasundo mula sa lugar na pinag dalhan sa kanya ni Alexander.Nag pasalamat na lamang si Nicole at wala na itong naging imik nang makita siya nitong tila ba isang basang sisiw na umiiyak sa labas ng building ng condo ni Alexander at inalalayan na lamang siyang maka pasok sa sasakyan nito.Rinig niya ang sunod sunod nitong pag buntong hininga at alam naman ni Nicole na gustong gusto na nitong mag tanong kung ano nga ba ang nangyari at kung anong ginagawa niya doon, at dahil hindi niya naman alam ang dapat niyang isagot ay pinili niya na lamang ang manahimik at tahimik na umiyak.Nang marating ang kanyang apartment ay mabilis na siyang kumilos para maka labas na sa sasakyan ng pinsan niyang hilaw, mabilis naman siya nitong pinigilan.“Natalia, I wanted to ask what you were doing in Alexander’s condominium pero tingin ko hindi ko naman n
Naging magaan ang pag tangap ni sir Luis Montefalco sa ipinasa niyang resignation letter at buong pusong hindi na tinangap ang dapat sanang kabayaran niya sa nasirang kontrata, hindi naman pumayag doon si Nicole at pilit pa ring iniwan sa lamesa nito ang tseke at sinabi na lamang dito na hanga’t maari ay ayaw niya nang mag tira pa ng kahit na ano pang isipin tungkol sa kumpanyang iyon oras na umalis siya.“Nicole iha, your father and I were good friends and even now that he is gone, tumatanaw pa rin ako ng malaking utang na loob sa kanya maging sa iyong namayapang ina. Your good father helped me a lot and I can say that without him, I won’t have this company.I am sorry that I conducted an investigation behind your back iha, I wanted to help your grandparents they are also a business partner of this company for so long now. So when Domenic here, your cousin asked for help nang sabihin niyang malakas ang kutob niyang ikaw ang matagal nang hinahanap ng mga Collins ay hindi na ako nag d
Hindi malaman ni Nicole kung papasok ba siya sa prisinto o hahayaan na lamang ang pinsan niyang si Domenic ang siyang humarap at makiusap sa mga pulis na naroon, alam niya kasing makikita niyang naka kulong doon ang malupit niyang tiyang Norma at hindi malaman ni Nicole kung kaya niya nga bang makita ito sa ganoong sitwasyon. Hindi man naging maayos ang pakikitungo nito at ng buong pamilya nito sa kanya ay itinuring niya pa rin naman itong kamag-anak, sa kabila ng pag mamalupit, pag alipin at pananakit nito sa kanya o kahit pa nga ngayong nalaman niya na kung gaano nga ba kalaki ang kasalanan nito, hindi lamang sa kanya kundi sa totoo niyang pamilya ay hindi pa rin naman nawawala ang isiping pamilya niya pa rin ang mga ito. Galit lamang siya marahil ng kaunti ngunit alam niyang hindi sapat ang galit na iyon para gustohin niya itong makulong. Marahas na napa bunotong hininga si Nicole dahilan para maagaw ang atensyon ng mga kasama niya sa sasakyang minamaneho ni Domenic. Kasama niya
Mag da-dalawang buwan na ang lumipas mula noong mangyari ang lahat ng kaguluhan, mag da-dalawang buwan na ring hindi mapalagay si Nicole dahil sa napakarami niyang isipin dumagdag pang halos mag i-isang buwan na rin na hindi maayos ang pakiramdam niya tuwing umaga.Mag a-alas syete na at naka hilata pa rin siya sa malaki at malambot na kamang kanyang tinutulugan ngunit halos hindi siya maka kilos dahil sa sobrang pagka hilo.Alam niyang kailangan niya nang mag madali sa pag kilos dahil bukod sa napakarami niyang kailangang tapusin sa trabaho ay kailangan niya ring humabol sa klase.Hindi kasi pumayag ang kanyang tunay na pamilya na hindi siya mag aral ng business management, mas mabuti na raw iyong habang maaga pa ay malaman niya na ang lahat ng kailangan niyang malaman, mula sa pag papatakbo ng isang napaka laking kumpanya, sa pag hawak ng mga empleyado hangang sa pagiging mabuting boss.Naging maayos ang pakikitungo sa kanya ng bagong kakilala niyang mga ka-anak, higit pa sa ina
Pag pasok pa lamang sa clinic na iyon ay halos manlambot na ang mga tuhod ni Nicole, hindi siya mapalagay sa magiging resulta ng test na gagawin sa kanya.Tila ba siya isang taong sakitin na nag hihintay na sabihin ng doctor kung ilang araw, buwan o taon na lamang ang itatagal niya.Idagdag pang talagang malakas ang kutob niyang magiging positibo ang pregnacy testing na ginagawa ng mga espisyalista sa clinic na iyon ay halos manginig na siya sa kaba.Tahimik siyang naka upo sa waiting area katabi ang pinsan niyang masama ang tingin sa kanya. Naiintindihan niya naman ang pinag mumulan ng inis at galit nito, alam kasi nito ang halos lahat ng pasakit na pinagdaanan niya kay Alexander, ito pa ang nanguna sa desisyong huwag na niyang lalapitan ang CEO ng kumpanyang dati niyang pinapasukan tapos bigla ay malalaman nitong buntis siya at tiyak na alam din nitong si Alexander ang ama.Agad ang pag ragasa ng kaba sa kanyang sistema nang ibaling nito ang tingin sa kanya, nag madali pa siyang mag
Halos manginig ang mga kamay ni Nicole sa sobrang kaba, hindi niya nga rin makuhang galawin ang mga pagkaing nasa plato niya at tahimik lamang na pinakikiramdman ang kanyang paligid, tahimik na nakikinig sa pag uusap ng kanyang mga ka-anak na pinangungunahan ng kanyang lolo at lola.Kasalukuyan silang nasa dining at mag kakasalong nag aalmusal, nariyan ang mga tawanan at biruan ngunit hindi magawang makisali ni Nicole at alam niya kung bakit.Buong gabi niya ring pinag isipan ang balak niyang sabihin na sa mga ito ang tungkol sa pag bubuntis niya, ano man ang magiging resulta niyon maging ang mga magiging reaksyon ng mga ito ay buong puso niyang tatangapin.Mukha ring alam na ng pinsan niyang si Domenic ang balak niya dahil kanina pa siya nitong pasimpleng tinititigan, sasagutin niya naman iyon ng matalim na irap na alam niyang hindi nito nagugustuhan.“Natalia iha, I am glad that you are feeling better now.”Masuyong ang tinig na agaw sa kanyang pansin ng kanyang butihing lola, ma
Pitong buwan, pitong buwan na ang lumipas at malaki na rin ang tiyan ni Nicole, hangang ngayon ay wala pa ring may alam sa dati niyang trabaho tungkol sa kanyang pag bubuntis, iyon naman talaga ang gusto niya at ipinakiusap niya sa lahat. Pumayag naman ang kanyang mga ka-anak lalo pa noong malaman ng mga ito na ang CEO ng kapartner nilang kumpanya ang ama ng barang dinadala niya. Ayaw niya nang malaman pa ni Alexander ang tungkol sa magiging anak nila at naiintindihan naman iyon ng kanyang pamilya. Hindi na rin nag tanong pa ang mga ito kung bakit nga ba iyon ang gusto niyang mangyari, para sa kanya ay sapat nang alam niya na may sarili nang pamilya si Alexander, pilit niya na lamang sinisiksik sa kanyang sistema na hindi niya kailangan si Alexander at lalong hindi ito kailangan ng magiging anak nila. “Hi, ready ka na?” Agaw sa kanyang pansin ng kaibigang si Leah, mabilis naman niya itong tinanguan saka muli pang pinasadahan ng tingin ang sariling repleksyon sa malaking salamin na
Dalawang oras na ang lumipas mula noong maka uwi sila ni Leah mula sa mall na iyon ngunit hindi pa rin mawala ang kaba ni Nicole mula sa maikling oras na pag uusap nila ni Alexander, hindi niya naisip o inasahan na magkikita sila doon ng binata at lalong hindi niya na kailanman inasahan na makikita nito ang pag bubuntis niya.At dahil hindi niya na inasahan pa iyon ay hindi niya na napag handaan ang dapat niyang sabihin kung sakaling mag kikita sila at malalaman nito ang tungkol sa kanyang pag bubuntis, at ang bagay na hindi niya inaasahan ay nangyari na nga kanina.Sa halip na ilayo si Alexander sa pag iisip na ito nga nag tatay ng batang dinadala niya, sa tingin niya ay mas lalo lamang niya itong inilapit sa paniniwalang ito nga ang ama dahil sa mga sagot niya rito kanina na hindi niya man lang pinag isipan.Sino pa ba naman ang makakapag isip ng matino sa ganong sitwasyon?Mabuti na lamang at hindi na nag salita pa at nag tanong ang kaibigan niyang si Leah at nanatili na lamang